LH3

2.8K 54 0
                                    

Chapter 3:
Transferee

NANG humupa ang daloy ng mga estudyante ay matamlay akong naglakad. Wala pa din akong kakilala. At nasisiguro ko na madami na talaga ang nagtataas ngayon ng kilay sa akin. Kaya naman hindi na ako umaasa na magkakaroon pa ako ng kaibigan. Nabasa ko na din na mag-isa akong kakain ngayon sa cafeteria.

“Hey,” anang babae na bigla na lang sumulpot sa may pinto. “Sorry.” mabilis na paghingi niya ng paumanhin sa akin. Nang mapansin na nagulat ako.

Kapagkuwan ay alanganing ngumiti pa siya sa akin. Hindi ako sigurado kung nagpakilala siya sa akin kanina. Kaya naman ginantihan ko na lang siya ng ngiti.

Lalampas na sana ako. Ngunit, “Hey, transferee.” sigaw niya. I gave her my genuine smile. “Pwede bang sabay na lang tayong maglunch?”

“Sure,”

Hindi ko na siya tinanggihan pa. Naisip ko na mas mabuti na iyon. Hindi ako maiinip habang kumakain. Bakas naman ang kasiyahan sa mukha niya. Umangkla pa siya sa aking braso.

Sinulyapan ko siya bahagya akong nailang. Hindi kasi ako sanay na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kahit si Betty na nag-iisang taong kasundo ko, sa dating eskwelahan. Hindi kami ganito kalambing bilang isang mag kaibigan.

“Ako nga pala si Dessa.” naglahad siya ng kamay; na nahihiyang inabot ko naman. Nagpakilala din ako sa kanya.

“Shanielle, dito tayo.” sigaw ni Dessa. Dahil sa lakas ng sigaw niya. Napatingin ang ibang mga estudyanteng nasa cafeteria din. Binalewala lang niya iyon. Mukhang sanay na siya sa mga mapanuring tingin.

Nakahinga ako ng maluwag. Buong akala ko ay iniwan na niya ako. Ngunit naghanap lang pala siya ng mauupuan. Nakatayo siya sa may apatan na mesa. Napako ang aking mga mata sa kanyang mga kasama. Wala akong ideya kung kilala ko ang dalawa pa niyang kasama. Nag-alangan pa nga ako kung lalapit ba ako. Baka hindi magustuhan ng mga ito ang aking presensiya.

Mayamaya lang ay papalapit na si Dessa sa akin. “Hay, ano ka ba? Kailangan talaga sunduin pa kita dito.” aniya.

“Nakakahiya hindi ko kilala ang mga kasabay mo.”

“Kung hihintayin mo na matapos ang mga 'yan.” tumingin siya sa paligid. “Aabutin ka ng pagtunog ng bell.”

Wala na akong nagawa ng hatakin na naman niya ang aking kamay. Diniinan pa niya ang balikat ko. Para igiya ako sa pag-upo sa tabi niya.

“Pwede pa-share?” paalam ko sa dalawang estranghera sa aking harapan. Parang ang bastos naman kasi kung basta na lang ako uupo. Kahit pa nga alam kong nagpaalam na sa kanila si Dessa. Tumango naman sila at ngumiti sa akin.

“Si Janine nga pala at si Honey.” pakilala ni Dessa sa dalawa.

“Rose.” pagtatama ng babae na katapat ni Dessa.

Umisod naman si Dessa sa tabi ko at umabrisyete. “And this is Shanielle, my new bestfriend.”

Bahagya akong napangiwi ng marinig ang salitang bestfriend. Hindi naman sa ayaw ko. Ngunit napakabilis naman yata ng pangyayari. Ni hindi pa nga namin nakikilala ng mabuti ang isa't-isa. Sa aking pananaw ang pagiging matalik na magkaibigan ay bumibilang ng maraming pinagdaanan. Pagsubok man iyan; kalungkutan o kasiyahan. Kapag handa siya na samahan ka sa kahit na ano. Duon mo lang matatawag na bestfriend ang isang tao.

“Classmate ko sila last year. Mababait ang mga 'yan.” dugsong pa niya.

Si Janine—ay mahiyain. Pino siyang kumilos. Kulay gatas ang kulay ng balat niya samantalang kulay itim ang buhok niya; na hanggang beywang ang haba. Bilugan ang kanyang mga mata ngunit binagayan iyon ng makapal na kilay.

Samantalang si Rose—naman ay maigsi lang ang buhok. Mabulas ang katawan niya. Bilugan din ang kanyang mga mata. At pangahan ang kanyang mukha. Hindi din siya magpapatalo kung ganda lang din ang pag-uusapan. Mukhang masungit nga lang siya.

Kumaway ako sa kanilang dalawa. Ganuon din ang ginawa ni Janine. Habang balewala lang iyon sa kanyang katabi.

“So, ikaw 'yong transferee?” naninigurong tanong ni Rose. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang tono ng tila naiinis sa pagtatanong niya. Hindi naman basta-basta magiging mabait sa iyo ang ibang tao. Siguro siya iyong tipo ng tao na kikilalanin ka muna bago tuluyang ilapit ang loob.

Nahihiyang tumango ako sa kanya. Natigilan ako ng may naramdaman akong lumapit sa aming mesa. May dala siyang bottled water. Tumigil siya sa mismong harapan ko. Hindi na ako nagtaka ng umani siya ng sulyap sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi. Tila may gusto siyang sabihin sa akin.

Gusto ko mang mag-iwas ng tingin. Ngunit hindi ko magawa, tila may sariling isip ang mga ito. Hindi ko mabigyan ng tamang pangalan ang nararamdaman ko.

May ilang minuto din na nagtama ang aming mga mata. Nakalimutan ko na may mga kasama nga pala ako. Lalo lang bumilis ang tibok ng aking puso. Nang hustong makalapit ang binata.
“Here, take it.” ani Ranz.

Binaba niya ang tubig malapit sa tray ng aking pagkain; na kanina lang ay nasa kanyang kamay pa. Kung hindi pa ako siniko ni Dessa. Hindi ako magigising sa pagkakatulala. Ngumisi lang si Ranz bago siya tuluyang naglaho sa aking paningin.

Naiwan na naman akong nagtataka. Ano ba talagang gustong palabasin ng lalaking iyon?

INULAN ako nang maraming tanong. Kaya naman nagwalk-out ako at lumabas ng cafeteria. Kahit na hindi pa ako tapos kumain. Kesa naman sa mabulunan ako sa mga itinatanong nila. Wala rin naman akong ideya kung bakit ganuon ang inaasal ni Ranz.

“Shanielle, wait lang sama kami sa'yo.” sigaw ni Rose. Habang kinakaladkad niya si Janine.

Hindi ko pinansin ang pagtawag nila. Patuloy lang ako sa paglalakad. Gusto kong makaiwas sa kanilang mga tanong. Dahil wala talaga akong alam na isasagot. Bakit kaya hindi na lang si Ranz ang kanilang guluhin? Tiyak na duon ay malilinawan sila. Alam kong makakaiwas ako sa ngayon. Ngunit hindi sa mga susunod na araw.

“Bakit ba ang bilis mong maglakad?” hinihingal na tanong ni Dessa ng makapantay siya at maabutan ako.

“Bakit ba kasi sinusundan n'yo ako?” balik-tanong ko sa kanya.

“Kailan pa kayo nagkakilala ni Ranz?” tanong naman ni Rose.

“Ah, ikaw pala 'yong sinasabi nila na transferee.” komento naman ni Janine.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Ngunit bago pa ako muling makapagsalita. Bumanat na naman nang tanong si Rose.

“Ikaw 'yong sinasabi nilang girlfriend ni Ranz?!” she said in disbelief.

Namula ang aking pisngi nang rumehistro sa isip ko ang binigkas niya. Kumunot ang aking noo. “Ano bang sinasabi n'yo? Girlfriend?”

Nanlaki ang mga mata ni Dessa at hindi makapaniwala. “Hello, si Ranz Kyle kaya 'yong nagbigay sa'yo ng tubig. Hindi mo dapat binabalewala 'yon.” palatak pa niya.

Kung alam lang nilang tatlo. Kung paano akong napahiya sa ginawa ng mayabang na lalaking iyon kanina. Baka mainis din sila na katulad ko.

Hindi ko maintindihan kung anong ugali meron ang Sunico na iyon. Sinungitan niya ako kani-kanila lang tapos may pampalubag loob kaagad. Naging sentro tuloy ako ng kuryusidad ng mga bago kong kaibigan.

Si Janine ang binalingan ko. Dahil sa kanilang tatlo mukhang siya ang mas matinong kausap. Nakuha naman kaagad niya ang ibig kong iparating.

“Shan, alam mo kasi sa apat na taon naming schoolmate si Ranz. Ni isa wala siyang pinagtuunan nang pansin, kahit na isang babae. Kahit na nga 'yong napapabalitang crush niya na si Mayumi Contreras.” malambing na pagbibigay impormasyon ni Janine. Tila bumubulong lang ito kung magsalita.

Bigla namang sumingit si Dessa. “At ikaw pa lang ang kauna-unahang babae, Bes.” kinikilig na turan niya.

Napapailing na iniwan ko sila. Wala akong panahon para makinig sa mga prediksyon nila tungkol sa amin ni Ranz. Dahil ipinangako kung hindi ako lalapit sa kanya.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now