LH10

1.7K 36 0
                                    

Chapter 10:
Crying

Kinabukasan ay nakarating ako sa SHSA na umiiyak at walang humpay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Imbes na tumuloy kaagad ako sa room. Mas pinili kong maupo muna sa isa sa mga bench.

Kalahating oras pa bago mag-umpisa ang klase. Kesa naman makita ako ng kanyang mga kaibigan ko sa ganitong ayos. Siguradong lalo lang akong maiiyak sa mga tanong nila. Ubod pa naman ng kulit ang mga batang iyon.

“'Yan ba 'yong kamag-anak ni Yolly? 'Yong kalilipat lang dito?”

“Oo, alam mo ba ang bali-balita? Anim na taon na daw na hindi umuuwi ang asawa 'nung babae.”

“Aba'y, nasaan?”

“Nasa Dubai. At balita pa hindi nagpapadala.”

“Naku, siguradong may ibang pamilya na iyon.”

Dinig kong usapan ng mga tsimosa mga babae habang palabas ako ng aming gate. Mabuti na nga lang at hindi sumabay sa akin paglabas si Mama. Alam kong hindi niya papatulan ang mga ito. Ngunit sigurado naman akong masasaktan siya kung siya ang makakarinig nuon—mula sa mga bago naming mga kapitbahay.

Minsan napapaisip din ako na baka nga may iba nang pamilya si Papa. Sa tagal ba naman na hindi kami nito kinokontak. Ngunit dapat na magtiwala ako na tapat ang mga magulang ko sa kanilang pagmamahalan. Hindi nila magagawang lokohin ang pamilya namin.

“You're crying, Shane.” the voice said softly.

Hindi ko man lang namalayan na may katabi na pala ako. Nag-alalang tumingin si Traver sa aking mga mata. Bukod kay Kuya, si Traver lang ang tumatawag sa akin ng Shane.

“Sinong nagpaiyak sa'yo? Sabihin mo reresbakan namin.” sabi niya sa seryosong tinig.

Lalo lang akong napahagulhol dahil sa sinabi niya. Masyadong tumaba ang puso ko dahil sa ipinapakita niyang pag-aalala.

“Shane, teka lang.” natatarantang sabi niya. Nabigla ako ng yakapin niya ako at aluin, “Please, hush, Shane. Baka kapag nakita ka nila na umiiyak. Mawala pa ang mga fans ko.”

Natawa ako sa kanyang sinabi. Nag-angat ako ng tingin. Atsaka lumayo sa kanya. Malalim ang pinakawalan kong buntong-hininga. “Hay, baka ako naman ang pagkaguluhan nila...” sabi ko sa naluluhang tinig. Tsaka ako ngumiti ng mapait. “...dahil gusto nila akong kalbuhin.”

Nagkibit-balikat lang siya. Kapagkuwan ay may inabot sa akin na puting panyo. Nag-aalinlangan pa nga ako kung tatanggapin ba o hindi. Ngunit mas pinili ko nang kuhanin.

“S-salamat.”

“Wag mong sisingahan 'yan. Mahal ang binili ko dyan.” aniya sa nagbibirong tinig.

“Wag na nga!” sabay abot ko pabalik ng panyo niya. Kunwari ay nagtatampo pa akong lumabi.

“Ikaw naman, syempre sinabi ko lang 'yon para naman ngumiti ka.”

Pinagtaasan ko siya ng kilay. At itinuloy ko ang naudlot na pagpapahid ng mga luha.

“You know, I won't force you to share what's bothering you.” sabi niya. Malayo ang kanyang tingin at tila hindi niya ako nakikita. “But whatever it is. Always keep on your mind. That in every problem there's always a solution.”

Napaawang ang mga labi ko. Pakiramdam ko may malalim din siyang pinagdadaanan.

“May pinagdadaanan ka din ba?” tanong ko kay Traver. Tinitigan niya lang ako. Ngunit ang klase ng tingin niya ay tumatagos palampas sa katawan ko. Tila hindi naman talaga niya ako nakikita. “Ang lalim ng hugot mo.”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora