LH15

1.6K 32 0
                                    

Chapter 15:
Maling tao

HINDI mawaglit sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Kung tutuusin ay wala namang espesyal duon. Nagprisinta siya na ihatid ako hanggang sa bahay namin. We never talked habang magkatabi kami sa backseat ng kanilang kotse. Halos kaming dalawa ng driver ang maririnig na nagsasalita. Dahil sa pagtuturo ko sa kanya kung saang kalye liliko.

Kahit noong nagpapasalamat ako ay hindi man lang siya tumugon. Hindi ko talaga lubos na maintindihan ang ugali ng taong iyon.

Walang habas na itinulak ako ni Dessa. Muntikan pa nga akong matumba dahil sa ginawa niya. “Good morning, Bes.” masiglang bati niya.

“Good morning,” nakangiting sagot ko.

“Anong nangyari kahapon?”

“Wala,” tipid na sagot ko.

“Anong wala?”

“Ano ka ba naglinis lang naman kami. Tsaka dapat bang may mangyari?”

“Ikaw, bes, ang green mo. Ang ibig ko lang namang sabihin. Anong nangyari? Natapos ba kayo ng maaga?” nilibot niya ang kanyang paningin sa buong classroom. “Infairness, mukhang malinis naman.”

“Magpahuli ulit kayo,” biro ng bagong dating na si Abby.

Umingos ako sa kanya. “Ayoko na, 'no.”

“Wag mong pansinin si Abby. Magkento ka naman kung anong mga nangyari?”

“W-wala naman. Naglinis kami.”

“Hindi man lang kayo nag-usap?“ tanong ni Abby.

“Hindi niya ako pinapansin the whole time. Parang ako lang mag-isa ang naglilinis. Na okay lang dahil mas mabilis kaming natapos.”

“Hindi ka niya tsinansingan?”

“A-ano... mas green ka pala sa'ken.” tinawanan niya lang ako ng hampasin ko siya ng panyo ko. “Syempre hindi.”

“Eh, bakit ka nauutal?”

“Nakakailang kaya ang mga tanong n'yo.”

“Pero, teka... Bes, hindi n'yo ba napag-usapan kung bakit ka n'ya binigyan ng sulat?”

That question strike my curiousity. Bakit hindi ko nga ba naitanong kay Ranz ang bagay na 'yon? Pagkakataon ko na iyon ngunit sinayang ko. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng lakas ng loob na lapitin siya.

Tinukso naman ako ni Abby, “I love you,”

Nagtawanan ang dalawa habang tinutukso ako. Napapailing lang ako at napapangiti sa mga ginagawa nila. Isang mabining pagsiko ang naramdaman ko. Nalipat ang tingin ko kay Dessa. May itinuturo siya kaya naman dahan-dahan akong lumingon.

At natigilan ako ng makita ko ang mukha ni Ranz. Nakatingin siya sa akin. Awtomatikong napatayo ako. Pakiramdam ko ay kusang gumalaw ang aking mga paa. Ngunit hindi man lang niya ako pinansin. Pairap na nilampasan niya lang ako.

Ano bang pumasok sa isip ko at tumayo pa ako? Nangangatog ang aking mga tuhod na bumalik sa kinauupuan ko.

“Bes, bakit hindi mo kinausap si Ranz? Tanungin mo kaya.”

“Ayoko,” mariing sabi ko. “Hindi mo ba nakita na hindi ako pinapansin? Tsaka ilang beses na akong napahiya ng lapitan ko s'ya.”

“Ang hina naman pala ng loob mo kung ganun.” kantiyaw ni Abby.

Mahina na kung mahina. Bakit ba ako ang pinag-eefort nila? Bakit ba hindi na lang si Ranz? Tutal ay siya naman ang lalaki.

Mas mabuting si Traver na lang ang tanungin ko. Mas komportable pa siyang kausapin keysa kay Ranz na lagi na lang nakasimangot.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Où les histoires vivent. Découvrez maintenant