LH30

1.2K 32 0
                                    

Chapter 30:
Like him

Nadatnan namin na nagtatawanan sina Traver at Abby. Napaawang ang bibig ko ngunit muli ko rin iyong isinara. Natigilan sila sa pagsasaya at tumingin sa aming dalawa ni Ranz. Mahinang sinapak siya ni Ranz. At hinagis ang paper bag sa kandungan niya. Balewala lang din niya iyong hinagis sa katabing couch.

Umirap ako sa kanya habang papalapit ako. Tsaka ako umirap. “Loko ka talaga, Traver.”

Nag-alala pa naman ako tapos wala naman pala akong dapat na ipag-alala.

Tumabi ako kay Abby at mahaba ang ngusong humalukipkip. Binati niya ako pero hindi ko siya tinugon. Nagtatampo ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako tinext. Pero ang bruha at tuloy ang pakikipagharutan kay Traver.

“Shan, sorry...” paghingi niya ng paumanhin pero mukhang hindi naman sincere.

“Alam mo Ranz kung anong tumatakbo sa utak ng gagong 'yan.” si Matheus. “My goddess, kung may dapat kang iwasan sa aming magkakaibigan. Si Traver 'yon. You know his trying to be stupid cupid, again.”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nakakunot ang noo ko na tumingin sa kanila. Cupid? Si Traver? Lalo lang lumalim ang mga gatla sa aking noo. Wag niyang sabihin na imamatch niya kami ni Ranz? No way!

Mula kay Traver lumipad ang mga mata ko kay Ranz. Nakatingin siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang kanyang ibabang labi. Habang nakasandal siya sa hamba ng pintuan. Hindi mawala-wala ang pagkakunot ng noo ko. At lumabi ako sa kanya.

“Theus, sabi ng naiirita ako sa pagtawag mo ng god—.” humugot ako ng malalim na hininga. At hindi ko na rin tinuloy ang dapat na sasabihin ko.

“Magugustuhan mo rin yan kapag nagtagal.” he said then winked.

Lumapit sa kanya si Traver at inakbayan siya. Tsaka kinutusan sa ulo habang nakangisi. “Makagago ka, buds. Mas masahol ka pa sa'ken. Sino ba ang umuwi dito para lang takasan ang babae n'ya sa NYC. Ako ba?” natatawang palatak niya.

Itinulak niya si Traver at gumanti. Nakataas ang isa kong kilay habang nakangiwi. Totoo kaya ang pag-aaway nila o baka naman joke lang. Pinapanuod lang din kasi sila ni Ranz.

“Mas mabuti na 'yon kaysa sa'yo na patay na patay sa syota na malapit ng—.” tumigil siya. At naging mailap ang mga mata ni Traver.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang sabay na paglunok nilang dalawa. Tila may namuong tensyon sa aming paligid. At may pakiramdam akong may nasabi si Matheus na hindi dapat banggitin. Tumingin ako kay Ranz ngunit tumalikod lang siya at humakbang sa kabilang dulo, sa may double doors na yari sa salamin. Tingin ko ay iyon ang daan papunta sa may swimming pool.

Kumalas si Traver mula sa pagkakayakap ni Matheus. Mistulang wala sa sariling naglakad palayo. Naaninag ko ang lungkot na namamahay sa kanyang mga mata. Patamad na naupo sa tabi ni Abby. Mukhang nawalan na siya ng gana na makipagbatuhan ng biro.

Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko si Dwayne na galing sa kusina. Sumisirko na naman ang puso ko. Lalo ng sumayad ang braso niya sa aking balikat. “Babe, anong ginawa ng baliw na 'to?” tanong niya na nakatingin kay Traver.

Bahagyang nabawasan ang pagkailang na nararamdaman ko. At lumabas muli ang ngiti sa mga labi ni Traver.

“Ginawa ba naman akong delivery girl, babe.” sinakyan ko ang biro niya.

Sana lang ay hindi halata ang pamumula ng pisngi ko.

Binato ako ni Abby ng throw pillow. Lumanding iyon sa paa ko. “Babe, yuck... kadiri ka, Shan.”

“Hindi kayo bagay, buds.” si Matheus. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at kinabig palapit sa kanyang katawan. “Mas bagay kami.”

Nahampas ko siya at nagulat ako ng agawin naman ako ni Traver. “Na... na... na... Mga wala kayong kwenta. Mas bagay kami ni Shane.” nakangising turan niya.

Hindi ako sigurado kung guniguni ko lamang iyong ginawa niyang pagsulyap kay Ranz. Umangat pa nga ang gilid ng labi ng huli. Pero mas pinili niya ang manahimik. Tumikhim siya at tumingin sa labas.

Narinig ko ang nagprotesta ni Abby. “Bakit ba kayo nag-aagawan kay Shan?” nameywang siya at nagposing sa harapan namin. “Nandito naman ako. Mas maganda kaya ako sa kanya.” natatawang saad niya.

Tinawanan lang siya ng huli. Mayamaya ay nakitawa na din kami. Syempre, maliban na naman kay Ranz. Kailan ba naman 'yan nakisabay sa amin?Inirapan ko na lang siya. Ang sama niya kasing makatingin. Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin tanggap na makita na kasama ako ng mga kaibigan niya?

Naagaw ang pansin naming lahat ng biglang magsalita si Matheus. “Wow, bagong edition. Lupet!” palatak niya.

I rolled my eyes. Kapagkuwan ay mabilis ko din iyong inilihis mula sa kanya.

Inagaw naman iyon ni Dwayne. “Stop it, buds. May mga babae. Kung hindi ka naman papipigil.…do it in other place.”

“Tss,”

Infairness, may pagkagentleman din naman pala itong si Dwayne. Kahit na may pagkababaero. Hinatak ko si Abby at lumabas kami. Mukhang hindi kasi mapipigilan si Matheus. At sa ibang araw ko na lang siguro aawayin si Traver.

Tinawanan ako ng tinawanan ni Abby nang magkwento ako sa kanya nang mga nangyari sa bahay nina Ranz. Ngunit mas naging interesado kong malaman ang nangyari sa kanila, nang iniwan ko silang dalawa. Mukhang kasing may tama 'tong babaeng kaharap ko.

“Grabe, kung naamoy mo lang ang kilikili ni Traver. Mas malala pa sa amoy ng bombay. Ang daming nilagay ng bawang ng loko. Tapos hindi mo man lang naamoy.”

Pinigilan ko ang matawa dahil talaga namang animated ang pagmumukha niya habang nagkukwento. Tsaka hindi ko napansin ang amoy ni Traver na sinasabi niya. Lagi naman kasing mabango sa ilong ko ang nalalanghap kapag nasa malapit iyong tao.

“Shan, alam mo nagulat ako ng itaas ko ang kilikili niya. Napatakip pa nga ako ng ilong.” hinampas niya ako. Mabuti na lang at sa braso lang ako nahagip. Lagi naman siyang ganyan. Kapag masaya o malungkot na nagkukwento. Laging may kasamang hampas. “Pero alam mo mas nagulat siya sa ginawa ko. Pinunasan ko talaga ang buong katawan niya... kahit nabisto ko na siya. At para na rin mawala ang amoy niya. Amoy bawang.” nakangiwing saad niya sa huling salitang sinabi niya.

“As in buong katawan talaga nya? Aww...”

Hindi ako nakailag ng hampasin na naman niya ako. Ang sakit, huh!

Namimilog ang mga mata tinarayan niya ako. “Hindi naman. Syempre 'yung parte lang ng katawan nya na pwede kong hawakan. Masyado ka.” pinandilatan niya pa ako.

“Maging specific ka naman kasi sa pagbibigay ng info.”

“Common sense, bes.”

“Wow, huh!” common sense. Hiyang-hiya naman ako sa'yo.

Bigla na lang may dumaang anghel. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik ang kadaldalan niya. At mukha pa siyang kinikilig. “I kinda like him.” tila nadulas na sabi niya. Pasinghap na natakpan niya ang kanyang bibig. At halos lumawa ang mga mata niya.

Kulang na lang ay malaglag ako sa upuan ko dahil sa ipinagtapat niya. Ngunit sa kabila nuon ay nakuha ko pa rin na magtanong. “Like him as in friends or like him as like.”

Nagsalubong ang kilay niya at ngumuso. “Of course. I like him as in like. I like him as a boy.” she said while her eyes are rolling.

Mahina kong pinagbunggo ang mga balikat namin. At pinayuhan ko siya, “Hmm, may girlfriend na 'yung tao. Kaya ingatan mo ang puso mo na wag masaktan.”

Gusto kong bumilib sa naging sagot niya. “I'm ready na masaktan. Kahit ngayon pa 'yan.”

Ngunit alam ko na malulusaw din ang paniniwala niya kapag dumating ang araw na nasaktan na siya. Minsan akala mo handa ka na pero hindi naman pala.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now