LH13

1.5K 33 0
                                    

Chapter 13:
Lovenote

“Nakakainis kayong dalawa.” prankang saad ni Dessa kina Rose at Janine. “Talagang pinanuod n'yo lang kami habang pinagtutulungan kami ng mga bruhang langaw na 'yon.”

“Maiintindihan ko pa kung si Janine. Dahil hindi talaga n'ya kayang lumaban. Pero ikaw, Rose... ano matapang ka lang sa salita. Puro ka ngawa pero kulang ka naman sa gawa.” paninisi pa ni Abby.

Nameywang si Rose sa harapan ni Abby. Samantalang yumuko lang si Janine at tila hindi na naman makabasag ng pinggan.

“Kung kanina mo inilabas ang tapang mo mas mabuti sana.” bulong pa ng katabi kong si Dessa.

“P-pasensya na... natakot lang t-talaga ako. Hindi naman kasi ako marunong na makipag-away.” naluluhang paliwanag ni Janine.

Lumapit sa kanya si Abby. “Okay lang naman. Naiintindihan ka namin.” aniya habang hinahaplos ang likod ni Janine.

“Alam n'yo kung nakisali pa ako. Tiyak na lahat tayo mananagot at baka mapatawag pa ang mga magulang naten. Ayoko naman na madetention. Tsaka hindi porque at kaibigan ko kayo. Sasali na ako sa gulo at makikipagrambulan.”

“Alam mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Shan, tutulungan ka naman namin.” turan ni Dessa.

“Salamat kong ganun,” sarkastiko namang sagot ni Rose.

“Wag na tayong magtalo.”

Humalukipkip si Rose at sumulyap sa akin. At kapagkuwan ay tinapunan ng tingin si Dessa. “Ito kasing si Dessa at Abby. Makikipag-away tapos hindi naman pala kaya. Kailangan pa talaga akong idamay? Kami?”

Nagpapaunawang tumingin ako sa dalawa. Alam ko naman na hindi namin dapat na sisihin sina Janine at Abby. Tama naman si Rose kung malakas ang loob namin na makipag-away. Hindi na namin sila dapat na idamay.

“Naiintindihan namin,” komento ko pra matapos na ang lahat.

Hindi naman nila kasalanan na walang tumulong sa amin. Ilang oras lang at balik na muli kami sa pagiging close sa isa't-isa. Nakuha na ulit naming magbiruan. Ayoko naman na dito magtapos ang nag-uumpisang pagkakaibigan namin.

Pasalamat na lang kami at hindi nakarating sa mga teachers ang nangyaring araw. Ngunit mas lumala ang galit ni Marga at ng mga kaibigan niya sa akin.

“Hinding-hindi mo makukuha ang atensyon ni Ranz. Dahil kahit anong gawin mo. Ako ang mas paniniwalaan n'ya. Sa'ken din s'ya mapupunta.”

“Ano, pagkatapos ni Dwayne. Si Ranz naman?” matapang na tanong ko. “Sasabihin ko 'to sa kanya.”

Mabilis na nahagip ni Marga ang aking braso. Tumikwas ang kilay niya pataas. “Tingin mo ba paniniwalaan ka n'ya? Syempre matagal na n'ya akong kilala. At ikaw, kelan ka lang naman dumating dito. Gawin mo, kung kaya mo.” hamon pa niya.

Nakipagtitigan siya sa akin habang may naglalarong ngisi sa kanyang mga labi. Padaskol na binawi ko ang aking kamay mula sa kanya. May punto din naman siya. Malabong paniwalaan ako ni Ranz. Higit na mas nakalalamang si Marga dahil sinasadya niyang maging kaawa-awa para makuha ang simpatya ni Ranz.

Patuloy na umuukilkil sa aking isip ang mga sinabi na iyon ni Marga. Alam ko na hindi maganda ang nagawa ko sa kanya. Ngunit hindi naman yata tama na pati si Ranz ay tila galit sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila naapektuhan ako sa mga tingin niya.

Hindi sinasadyang napalingon ako kay Traver. Nahuli ko siyang nagpipigil ng tawa. Umarko ang aking kilay at binalewala lang niya iyon. Bahagya akong namula ng mapansin ko na baka nahalata niya ang ginawa kong pagtitig kay Ranz.

“Ouch!” daing ko. Kahit hindi naman talaga ako nasaktan. Nagulat kasi ako ng may tumamang bolang papel sa aking noo.

Last subject namin para sa hapong ito. Kaya naman naglalakbay na ang isip ko.

“Open and read it.” Traver mouthed.

Magkasalubong ang aking mga kilay na sinunod ang kanyang sinabi.

“Sana ako ang iniisip mo.” mahinang pagbasa ko sa nakasulat sa gusot na papel. As if on cue my gaze turned to Ranz and he's staring at me too. My face turned into crimson. Kahit na nga ba ang paraan ng pagtingin niya ay tila magbubuga ng apoy.

Nahagip ng aking paningin si Traver, hindi rin nakatakas sa akin ang kanyang pagngisi po. Maging si Dwayne ay nakisali din, naghaharutan pa silang dalawa. Nahulaan ko na kung bakit ganyan ang mga reaksyon nila. Pinagtitripan na naman nila kaming dalawa ni Ranz.

Ngunit lihim kong inaasam na sana ay si Dwayne ang nagsulat niyon.

Mabilis na nagsulat ako ako at sinagot ang nakasulat duon. ‘I HATE YOU,’ sa malalaking letra na may kasamang nginig pa. At binato ko ng may kasamang pagmamahal. Gusto kong mapatalon at mapasigaw dahil sa tuwa ng masambot ni Traver iyon ng walang kahirap-hirap.

Pinigilan ko ang aking sarili na mapangiti. Pinilit ko ang mag-concentrate sa pakikinig kay Ma'am kahit na okupado na ang isip ko ng tungkol sa sulat.

Muli kong itinuon ang aking pansin kina Traver. At kasunod ng paglipad ng papel ay ang kagustuhan ko rin na masambot iyon. Laking tuwa ko ng mahagip iyon ng aking kamay at napasigaw pa ako ng yes.

“Miss Dominguez,” umalingawngaw na sigaw ni Ma'am Gutierrez. “What are you doing?” maawtoridad na tanong niya habang papalapit sa akin.

Binundol ako ng matinding kaba. Ramdam ko din ang tingin ng aking mga kaklase at partikular na ang tingin ng mga kaibigan ko. Ngunit mas nakatuon ang aking pansin sa aming istriktang guro.

Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. At pahablot na inagaw niya ang papel na hawak ko. Hindi ko pa man din natitingnan o nababasa iyon. I swallowed hard. At muling lumipad ang mga mata ko kay Ranz. He is emotionless. Wala akong ideya kung bakit sa kanya laging hinahatak ang aking mga mata.

Halos lumuwa ang aking mga mata ng madinig ang tinig ni Ma'am. “I love you, Shanielle Dominguez.”

Tuluyan akong nalagay sa kahihiyan ng maghiyawan ang mga kaklase kong lalaki. At may mga sumisipol pa. Ni hindi ko magawang igala ang aking mga mata sa paligid upang humingi ng tulong, kina Dessa. Tila napako ang aking mga mata sa aking mga daliri na kinikurot ang isa't-isa.

“Miss Dominguez, kanino galing ang lovenote na 'to?”

“M-Ma'am... ano kay... hindi ko po...”

Hindi ko alam kung anong paliwanag ang dapat kong sabihin. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay hindi ko inaasahan ang biglang pagtayo ng lalaki, “It's mine,” pag-amin niya sa buong klase.

Magkasabay ang pasinghap ng ilang mga kababaihan at ang bulungan na umugong.

“Mr. Sunico, hindi 'to ang oras ng panliligaw. At isa pa ke-bata-bata n'yo pa para sa pag-ibig na 'yan. I don't tolerate this kahit na anak ka pa ng may-ari ng eskwelahan na 'to. Nandito kayo para mag-aral. I want the two of you to punish. Maiwan kayo dito at maglinis ng buong classroom. Understood?”

Nakabibinging kantiyaw ang muling namutawi sa buong klase. Kulang na lang ay takpan ko ang aking tainga. At ipinalangin ko na sana ay lamunin na lang ako kinauupuan ko upang makaiwas sa kahihiyan.

“Yes, ma'am.”

“Quiet class! Kung ayaw n'yong pati kayo ay madamay.” masungit na turan ng aming guro.

Kaagad naman na tumahimik ang lahat. Ngunit hindi inaalis ng mga babaeng kaklase ang kanilang matatalim na tingin sa akin. Pati na din ni Marga. Maging ang mga kaibigan ko ay inulan na naman ako ng tanong.

“Shan, magpaliwanag ka.” ani Dessa.

“Akala ko ba, magkagalit kayo? Bakit ka n'ya binigyan ng sulat?” nakakunot noong tanong ni Rose.

“Anong ibig sabihin nun?” si Abby.

Pinilit kong binalewa ang mga tanong nila. Dahil walang ibang laman ang isip ko kundi ang aking sarili—na lugmok na lugmok na sa kahihiyan.

“Siguro naman malinaw sa'yo ang napag-usapan naten.” anang boses mula sa aking likod.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Kde žijí příběhy. Začni objevovat