LH52

1.5K 21 0
                                    

Chapter 52
It's a boy

Nang sumapit ang third year ay nagpalit ako ng course. Dala na din nang mga problema ko hindi ko kinaya at muntikan pa akong bumagsak sa major subject ko. Hindi pala ako kasingtalino ng ate Issa ko. Mas mabuting sumunod na lang ako sa yapak ni Mama. Fashion Design ang kinuha ko.

"Baby girl-"

"Ate, hindi na ako baby!" reklamo ko.

Mahina ang tawa ang pinakawalan niya. Ngunit muli din bumalik sa pagseseryoso. "Nagdala ka ba ng madaming damit? Marami naman akong mga bago dito, tingin ko naman ay kakasya sa'yo. Hindi ko pa 'yan nasusuot dahil lumobo nga ako. Kung ayaw mo naman ipagsha-shopping kita."

"Wag na, Ate Issa. Yung pinaglumaan mo na lang."

Nakakahiya naman kasi sa asawa nito. Two years na silang kasal at ngayon nga ay manganganak na ito. Nataon pa na ngayon ako nagbabakasyon ako sa kanya. Kaga-graduate ko lang at siya ang nag suggest na magbakasyon muna ako. Bago ko pamahalaan ang negosyo ni Mama-natuloy ang pagtatayo niya ng botique.

"Shane, wag mo na nga munang isipin ang mga problema mo. Nandito ka para magrelaks." paalala niya. "Teka lang, nandyan na yata ang kuya mo."

"Okay,"

Ilang minuto muna akong naupo at naglimi-limi. Nang maboring ay tumayo ako at naghalungkat sa limang pirasong damit. Pinatungan ko iyon nang panlamig na bigay ni Ate Issa. Maglalakad-lakad ako para naman maibsan ang pangungulilang nararamdaman ko.

Pagbaba ko sa kwarto ko ay nakita ko si Kuya Justin. Nasa harap iyon ng televison set sa sala. "Asan si Ate Issa, Kuya?" sumilip ako sa kusina.

"Nasa kabila. Magpapacheck-up daw dahil bigla na lang nanikip ang dibdib."

Heart surgeon ang ate ko. Sa ngayon ay ang asawa niya ang on-call doctor. May pag-aari din itong ospital sa Canada. Madalas daw na magreklamo si Ate kapag hindi niya pinapayagan na pumunta ng ospital. Kaya siguro ay hinahayaan na lang kahit sa pagtsi-check-up ng ibang pasyente.

"Ahm. Okay lang ba na lumabas ako? Maglalakad lang ako sa may neighborhood."

Sa eksklusibong lupain ng Vancouver, nakatayo ang villa ng mga ito. Malawak ang lawn nila at malayo ang pagitan ng mga bahay. Ang mas nagustuhan ko dito ay ang mga pine trees na nakatayo malapit sa mga kalsada. Hitik din sa puno ang likod ng villa nila. Dahil nalalapit na din ang holiday season ay sobrang lamig na. Maagap na nasambot ko ang bonnet-gawa ni Ate-na inihagis ni Kuya. Well, he's not the sweet type-guy. Kay Ate Issa lang talaga.

"Thanks," matipid na sabi ko.

Nanunuot sa aking kalamnan ang lamig. Nalak ko na nga sana na bumalik sa loob ng bahay. Ibang-iba kasi ito sa klima sa Pinas. Akala ko makakalimutan ko siya. Magtatatlong-taon na simula nang ipagtabuyan ko siya. But my heart beats the same. It's only beats for only one person. Hindi ko alam kung makikita ko siya. May girlfriend na kaya siya? Asawa kaya?

Naaalala niya pa kaya ako? Siguro hindi na din. Masyadong masama ang ginawa ko sa kanya. Kung may istorya man na nagkakaroon ng second chance. Yung kwento ko ay wala.

Tumingala ako sa langit at mariing pumikit. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. Ngunit hindi pa rin iyon napigilan. Malaya pa rin iyong naglandas sa aking mga mata.

"Ranz, why don't you join us later? Party ni Hardin... Are you coming?" nagregodon ang puso ko. Pagkarinig ko sa pangalang iyon. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko.

"I'm sorry... but I have some stuffs to do." sagot ng lalaki.

Inabot ng babae ang kwelyo nito. Nagkalapit ang kanilang mga mukha. Gusto kong takbuhin sila at paghiwalayin. Ngunit nakuntento na lang ako sa panunuod. Habang tutop ko ang aking bibig, upang wag makagawa ng ingay.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now