LH21

1.3K 27 0
                                    

Chapter 21:
His Advice

NANG sumunod na araw ay naging kataka-taka ang pag-iwas na ipinakita ni Dessa. Hindi man lang niya nagawang suklian ang ngiti ko.

Hindi kaya may problema sila sa kanila? Hindi naman kasi lingid sa amin na madalas na mag-away ang kaniyang mga magulang.

“Shane, finally...” malayo pa lang ay sigaw na ni Rose. Halos umabot sa tenga niya ang kanyang mga ngiti.

Tama ang namumuong ideya sa utak ko kung bakit siya masayang-masaya. Nalaman ko na lang na balak siyang ligawan ni Kuya. Magkasalubong naman ang mga kilay nina Dessa at Abby.

“Baka naman pinakiusapan 'yan ni Shan.” walang habas na pagtutol ni Dessa.

Pareho kaming napalingon sa kanya. Hindi ko gusto ang sinabi niya.

“Oo nga naman,” segunda naman ni Abby.

Mabilis na pagpaliwanag ako, partikular na kay Rose. “Hindi, ah.” sabi ko habang iwinawagayway ang dalawa kong kamay. “Wala akong ginawa kung sinabi 'yan ni Kuya Yordan, sa'yo Rose. Sariling desisyon n'ya 'yan. Hindi ang tipo ni Kuya ang magpapasulsol sa'ken o kahit kanino. Mataas kaya ang pride nun.”

Tinabig ni Rose ang dalawa. “Wag kang makinig sa dalawang 'yan. Alam mo naiinggit lang ang mga 'yan sa'ken.”

“Talaga?” patuyang anas ni Abby.

Namimilog ang mga matang bumaling ako sa kanya. Samantalang hindi ako makawala sa kamay sa tabi ni Rose dahil nag-usisa pa siya ng tungkol sa Kuya ko. Kaunti nga lang ang mga nasabi ko sa kanya. Baka ako na naman ang masisi niya kuya, kapag nabasted siya.

Napakatok ako sa ibabaw ng armchair ko, to break the bad words.

“Sigurado ka ba na gusto mong maging girlfriend ng kuya mo si Rose?” naninigurong tanong ni Abby.

My brow furrowed, “Ano namang masama? Kaibigan naten 'yon.” inosenteng sagot ko sa kanya.

Umismid si Dessa at umiling. Kapagkuwan ay, “Hindi mo ba naiintindihan, what if sinagot nga si Kuya Yordan mo ni Rose. Hindi naman maiiwasan na magkatampuhan sila. Tapos ano? Maiipit ang barkada.”

Tumawa ako ng pagak. “Seryoso kayo? Iyon ba talaga ang inaalala n'yo.”

“Uhmm,” sabay na sabi nila at maging sa pagtatampo ay sabay na sabay din sila.

Natuon ang pansin ko kay Janine. Close sila ni Rose at alam na maaring makarating sa pangunahing paksa namin, na pinag-uusapan namin siya habang wala siya.

“Wag kang mag-alala hindi naman tayo isusumbong n'yan.” ani Abby. “Di ba, Janine?”

Masyadong pre-occupied si Janine. Matagal bago niya kami pinansin. Tumayo siya at tila gulat na nagsalita. “H-huh? Aalis na tayo?”

Nangingiting napailing na lang kami. Bakit ba tila laging wala sa sarili ang babaeng 'to? Nilapitan siya ni Abby at kinurot sa pisngi. Madalas niya iyong gawin at pansi kong ilang na ilang si Janine.

“Ang cute mo talaga kapag out of this world ang utak mo, baby girl.”

Awtomatikong namula si Janine. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang tawag ni Abby sa kanya. Mukha namang normal lang ang kilos niya. Tsaka hindi naman siya natotomboy, sa palagay ko naman.

“HEY, you want a ride? Sabay na tayo.”

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang pamilyar na boses niya.

Nahihiyang lumingon ako sa kanya. “Thanks na lang,” nagkakandahaba ang leeg ko sa pagdungan sa unahan ko. “Malapit na din si Kuya.”

Paktay talaga siya sa akin mamaya. Nakakainis siya, tama ba na pag-antayin niya ako. Babae ako. Tapos hinahayaan niya akong maghintay?

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now