LH29

1.1K 30 0
                                    

Chapter 29:
Come back, again

Nagulat na lang ako ng hilahin ako papasok ng bahay ng isang babae. Tuwang-tuwa siyang nagpakilala na mommy ni Ranz. Masayahin at mukhang approachable ang ginang—na ikinagulat ko dahil talaga namang opposite side ni Ranz.

Humahangos na bumababa ng hagdan si Ranz. Habang nagsusuot siya ng kanyang pang-itaas. Napasinghap ako ng masulyapan ko ang kanyang abs. Hindi pa naman masyadong hubog na hubog. Sakto lang. Pero hindi ko mapigilan na mapanganga.

Mula kay Ranz ay natuon ang pansin ko sa mommy at kapatid niya. Titig na titig sila sa mukha ko. Ilang beses na nga akong nagpahid ng mukha dahil baka may dumi ako. Pero ngumingiti lang sila sa akin.

Seriously, ngayon lang ba sila nakakita ng tao? O ganito sila tumanggap ng bisita. Hindi ko mapigilan na matakot. Balisa na ko sa pagkakaupo ko habang kaharap ko sila.

“Mom, you're scaring her.” hinagip ako ni Ranz.

“What are you doing, son? We're just happy to see her. Ngayon lang may nagawing classmate mo dito. And it happens na babae pa. Ngayon lang.”

“Mom, shut up!” bahagyang napataas ang kanyang tinig.

“Ranz,”

Hindi na niya pinansin ang pagtawag nang kanyang mommy. At hinila niya ako palabas sa kabilang bahagi ng bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang kanyang hawak. Tumigil kami sa may lanai.

“Hindi mo kailangan na sigawan ang mommy mo.” pangara ko sa kanya. Tsaka wala naman siyang sinasabi na hindi maganda. Kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ginanuon ang sarili niyang mommy.

Naiinis ako sa ginawa niya. Bakit hindi man lang yata siya gumagalang?

“She'll understand at sanay na siya.”

Napabuga ako ng hangin. Ako naman ang humawak sa braso niya. “Let's go, humingi ka ng sorry.”

Hindi siya nagsalita, sa halip ay iniwas niya ang tingin niya sa akin. Ganun na lang 'yon?! Grabe siya.

“Magsorry ka,”

He stared at me then he sighed. “Okay, later.”

Sumang-ayon ako. Alam kong may isang salita siya. At tutuparin niya ang sinabi niya. Tinitigan ko siyang mabuti ngunit ako ang

Natuon naman sa akin ang tanong niya. “Anong ginagawa mo dito?”

“May sakit si Traver at dinala ko 'to.”

“What's that?” nakakunot ang noong tinanggap niya iyon.

Nagkibit-balikat lang ako.

“Tiningnan mo.”

“Hindi,”

Napigilan ko pa rin ang aking sarili. Kahit kanina pa ako naeengganyong silipin iyon ay hindi ko ginawa. Hindi tamang makialam ako ng hindi naman sa akin.

Salubong ang kanyang kilay habang dinudungaw ang laman ng paperbag. “Holyshit,” mahina at malutong niyang anas.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. “Bakit?” curious na tanong ko.

Bumaling ang tingin niya sa akin. “Sigurado ka talagang hindi mo tiningnan. O kahit sinilip man lang?”

“Hindi nga,” nangingiting sagot ko sa kanya. Naintriga tuloy ako bigla kung ano ang laman niyon. Tinangka kung tingnan iyon ngunit bago pa ako makalapit ay dinala na niya iyon sa kanyang likod.

“Patingin,” I even smiled baka makalusot lang. Atleast ngayon may permiso na niya. Nakahawak ang kamay ko sa braso niya at ang isa naman ay pilit inaabot ang paperbag.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now