LH27

1.2K 24 0
                                    

Chapter 27:
Hindi na mababawi

“Ingat ka, Shan.” paalam ni Janine. Humahangang tumango ako sa kanya. Ang kinis ng mukha niya. Parang hiyang-hiya ang pawis na kumapit sa kanya. Maganda siya pero wala akong nakikita na nanliligaw sa kanya.

Napansin yata niyang tinitigan ko siya. Kaya nagreact ang kanyang mukha at namula iyon. “Ikaw din, mag-iingat ka.”

Awtomatikong iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kung nandito si Janine, malamang na nasa tabi tabi lang si Rose. Tumigil ang mga mata ko malapit sa may gate.

Nagsalubong ang mga mata naming tatlo. Nakatingin din pala sila sa akin at mukhang ako ang pinag-uusapan nila. Nakita ko ang suot pa rin niya ang wrist watch ko. At sa tuwing napapansin ko iyon ay kumukulo ang dugo ko. Tuluyan akong nagpaalam kay Janine.

“Shane, sabay na tayong umuwi.”

Nilampasan ko lang si Kuya Yordan. Kahit na sinabi na ni mama na isabay ako ni kuya ay hindi ako nakikinig. Nauuna pa rin akong umuwi kung minsan ay nakasunod lang siya sa akin. Nakakailang hakbang na ako at maramdaman ko na nakasunod siya sa akin.

“Mauna ka na, Kuya. May nakalimutan pala ako.” sabi ko.

“Shane, san—.”

Wala siyang nagawa kundi ang hayaan ako na bumalik sa loob ng University. Umiyak lang ako ng umiyak sa likod ng isang building. Iyong walang masyadong tao. Duon ko pinakawalan ang sama ng loob ko sa kuya ko. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago tumayo at tsaka nagpasyang umuwi.

Sa bahay din ay hindi niya ako makausap. Tahimik ako at hindi tumitingin sa kanya. Hindi na kami katulad ng dati na super close sa isa't-isa. Lagi lang akong nakakulong sa loob kwarto ko. Lalabas lang ako kapag ako na ang nakatoka sa mga gawaing bahay.

Nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman iyon bumukas. O kahit katok man lang ay wala.

“Shane, patawarin mo si Kuya.” he said in his low voice.

Pero dinig na dinig ko iyon. Dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko. Nagsisikap ako na wag makagawa ng kahit na anumang ingay. I fake a snore, ganun daw kasi ako kapag natutulog sabi ni kuya. May video pa nga ako nuon, nasa hard drive disk niya.

“Lil sis, ang cute mo dito.” tumatawang sabi ni kuya. Habang hawak niya ang video camera.

Pilit ko iyong inagaw sa kanya pero dahil sa mas matangkad siya sa akin ay hindi ko iyon maabot. Kitang-kita ko ang imahe ko nakanganga ako at nakapikit. Ang masama pa ay may konting umaagos an tubig mula sa bibig ko.

Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay. Naglalaway ako habang tulog. “Kuya,”

“Hindi lang 'yan, lil sis. Naghihilik ka pa.”

“Alam ko na gago ako minsan. Pero ang gusto ko lang naman maging masaya ka.”

Nangingilid ang mga luha ko. Pinagpatuloy ko ang kunwaring paghilik ko habang humahakbang ako palapit sa pintuan.

“Kalimutan mo na si papa. Wala tayong kasiguraduhan kung buhay pa ba siya.”

Nabalitaan namin na nasunog ang pabrika kung saan nagtatrabaho si papa. Ang sabi ay sinadya daw iyong sunugin dahil ang mga empleyado duon ay mga TNT. Kabilang duon si Papa, last year ang sabi niya ay expired na ang working visa niya. Pero hindi siya umuwi dahil eksakto nuon na nagkasakit si mama at kailangan namin ng malaking pera na pampapagamot niya. Ang huling tawag niya ay nagkakahulihan na daw duon. Kaya hindi daw sila makalabas ng bago nilang apartment. Pagkatapos nuon ay hindi na siya muli pang komontak.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi man niya tayo kinontak? May nakapagsabi na nakauwi na raw talaga si Papa. At may babae s'ya na nakilala duon. Katrabaho niya din at nandito na sila sa Pilipinas. Hindi ko masabi sa'yo dahil hindi ko matanggap. At alam ko na masasaktan ka.”

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Iningatan ko na may lumabas na ungol duon. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Hindi ako naniniwala kay kuya. Gusto kong ako ang mismong makakita.

“Shane, mahal na mahal ko kayo nina mama. Ikaw, si mama at ate Izza. Alam mo 'yan. Kapag may nanakit sa'yo... ipagtatanggol ko kayo.”

Hindi ko na magawang huminga dahil sa labis na pag-iyak ko. Nasasaktan ako sa mga nalaman ko tungkol kay Papa. At nahahabag ako sa kalagayan ng pamilya namin. Umaasa kami sa walang kasiguraduhan. At higit sa lahat ay nagagalak ang puso ko sa mga pag-aalala ni Kuya.

“Sorry... pero hindi ko na mababawi pa ang binigay ko kay Rose. Hindi ko na mababawi ang binigay ko na. Kay patawarin mo ang gago mong kuya.” nahihirapang paghingi niya ng tawad.

Bumaha ang luha sa aking mukha. Kumalabog ang pintuan, marahil ay pinukpok iyon ni Kuya. Dahil sa itaas nanggaling ang impact. Hindi pwede 'yon. Kung hindi niya mababawi ay ako ang kukuha nuon kay Rose.

“I'VE heard na hindi ka naglunch kanina. Take this.” aniya. He's so damn gorgeous.

Nakatingin lang ako sa kanya at sa dala niyang nakalagay sa paperbag ng sikat na restaurant. Tsaka lang sumagi sa isip ko na hindi nga pala ako nagtatanghalian. Dahil sa sobrang sama ng loob ko.

“S-salamat,” sinuklian ko ang matamis na ngiti ni Dwayne.

“You're welcome, babe.”

I tried to hide my face but I can't. Tila naaliw pa siya na makita ang pamumula ng aking pisngi. Alam niya kaya?

“Tigilan mo nga ako, nakakairita ka.” anang boses ni Rose.

Natuon ang mga mata ko sa lalaking nakasunod sa kanya. My brows met in surprise dahil si Matheus lang naman ang gumagambala sa kanya. Bumulatay ang gulat sa mukha ni Rose nang magtama ang mga mata naming dalawa. Habang si Matheus naman ay, “Hi, Shan... Buds.” bati niya na may kasamang kaway.

Marahil ay si Rose naman ang napagbalingan ni Matheus. Dahil pinagsabihan siya nina Dwayne at Traver. Ganuon pa rin naman siya. Nangungulit pa rin pero ang nakakatuwa lang dahil nakalimutan na niya ang pagtawag sa akin ng my goddess.

“Gago ka!” balik na bati ng pinsan niyang si Dwayne.

Tinaboy ni Rose ang kamay ni Matheus na humawak sa kanyang braso. Siguro ay natakot siya na makarating iyon kay Kuya kaya tiningnan muli niya ang naging reaksyon ko. Blanko ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Wala akong pakialam kung naglokoko man siya o loyal sa nararamdaman niya para sa kapatid ko.

In just one glance, mababasa mo na kaagad kung anong ugaling meron si Matheus. Magulo na makulit na nilalang. But I can't figure kung kasing playboy ba siya ng pinsan niyang si Dwayne.

Hinrang ni Dwayne ang katawan niya. Kaya naman nawala ang atensyon ko kay Matheus. Kumalat ang dugo sa aking pisngi. At kaagad akong nag-angat ng mukha at tinapunan ko ng sulyap si Dwayne.

“Hayaan mo na ang mga 'yon. Kainin mo na 'yan o sa cafeteria na lang?” tanong niya.

Mas gusto ko na sa cafeteria kaya naman sinamahan niya ako. Nahihiya na nga ako dahil nag-abala pa siyang bilhan ako ng pagkain tapos sasamahan niya pa ako.

“Gusto mo subuan kita?”

Napaubo ako ng matinig ko iyon kay Dwayne. Mabilis naman niyang inabot ang tubig sa akin. Panay ang kalabog ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi nagtanggal ang bara sa lalamunan ko.

Nagpakawala ng tawa si Dwayne, “Chew it, first.”

Kung hindi ka ba naman nagsasalita ng mga hindi dapat. Hindi sana ako mabubulunan. Kung anu-ano mga panggugulo ang nga sinasabi niya. Naruong kumanta siya kahit sentunado naman. Ngunit iyon mga babae na kasabay namin sa cafeteria ay panay ang tilian. Nalintikan na.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now