LH50

1.1K 15 0
                                    

Chapter 50
Bisita

MADALI naman akong nakabawi. Pero paminsan-minsan ay namimiss ko pa rin talaga si Ranz. Hindi naman ganun kadali na makalimutan siya. Nahahati ang puso ko sa kaligayahan at pagkasabik na makikita ko na ang Papa ko.

Makalipas ang ang dalawang araw ay kumatok ang taong matagal na naming hinihintay. "Sandali," sigaw ko.

Naiinis na tumayo ako dahil ayaw ni Ate Issa na maistorbo. Si mama naman ay nasa kusina at naghahanda ng pagkain. Wala naman sa sarili si Kuya Yordan. Nagtataka nga kami ni Ate dahil lagi siyang tila nasa malalim na pag-iisip. Pinagpalagay na lang namin na may hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang nobya na si Yumi. Hindi kasi namin sila nakikita na magkasama. Samantalang noong bago pa lang sila hindi na sila mapaghiwalay.

"Mga anak, pakibukas naman ng pintuan." utos ni Mama.

"Opo, 'ma. Sino naman kayang istorbo 'to? Sino ba-" natigil ang pagtatanong ko sana. Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa pinto na bahagya lang ang pagkakabukas.

Pigil ko ang aking paghinga habang ang mga mata ko ay nanunubig. At nang mahimasmasan ako ay pabilis ng pabilis ang pagbuga ko nang hangin. Unti-unting nagkaboses ang pag-ungol ko.

"Shane, anong nangyayari? Sino ang bisita?" naramdaman kong papalapit ang boses ni Ate Issa na nagtatanong.

Nadinig ko na lang ang mahina niyang pagsinghap sa tabi ko. "Pa,"

Wala akong ideya kung sino ang unang yumakap. Basta ang alam ko lang ay sabik na sabik ako ng mga sandaling ito. Humahagulhol na kaming tatlo.

"Bakit ba kayo nag-iiyakan, Shane, Issa? Juskong mahabagin... A-asawa ko..."

Ikinuwento sa amin ni Papa ang pinagdaanan niya sa Dubai. Pagkatapos daw ng tatlong taon na kontrata niya ay nag-extend pa siya ng isang taon. Ngunit nalugi daw ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Hanggang sa hindi sila nabayaran. Iyon ang mga panahon na hindi na siya nagpapadala sa amin. Nawalan na din siya ng komunikasyon. Umaasa na lamang sila sa mga rasyon nang kapwa nila OFW. Ni hindi na daw siya nakapag-asikaso ng kanyang visa at passport. Dahil sa sunod-sunod na problema.

"Ayaw kong ipaalam sa inyo dahil ayoko kayong mag-alala. Paiba-iba kami ng pinagtataguan. Mahirap..." hindi niya napigilan na maging emosyonal. "M-mahirap ang kalagayan ko. Tila ako kriminal na nagtatago. Sa araw-araw walang ibang laman ang isip ko kundi kayo. Gustong-gusto kong umuwi para makapiling kayo. Kaya lang... nangangamba ako na baka mahuli kami."

Yumakap ako sa kanya, "Pa, ang mahalaga nandito ka na. Hindi ka na aalis, di ba?" naiiyak na tanong ko.

"Hinding-hindi na, anak. Sasamahan ko na kayo nang mama at mga kapatid mo." ginusot pa niya ang buhok ko. At naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"So, paano ba 'yan, Ate." pukaw ni Kuya Yordan. "Kelangan mo ng dalhin dito ang boyfriend mo. It's time meet the parents." sabay kindat.

Namula si Ate Issa at nagtawanan kami. "Ikaw naman, Yordan. Baka naman may apo na ako sa'yo."

"Pa!" nabiglang pag-angal niya. Hindi nakaligtas sa amin ang pamumutla niya. "G-good boy yata ako."

"Wag kang maniwala d'yan, Pa."

"Shane!"

"Wala naman akong sinasabi. Malalaman na lang yan ni Papa."

"Gwapo lang talaga ang unico hijo nyo. Kaya maraming humahabol."

"Yuck!" sabay na protesta namin ni Ate Issa.

Nalipat sa akin ang usapan. "Shane, baby girl, namiss kita."

"Hindi na yan, baby girl. May boyfriend na nga yan, Pa." pambubuko pa ni Kuya.

"Kailan mo ako ipapakilala, anak?"

Wala akong maisagot. Paano ko sasabihin na iniwan ko ang taong tumulong sa akin? Wala akong sapat ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanila na nanakit ako ng damdamin ng tao. Para sa pamsarili kong kaligayahan.

"DESSA, wait! Kausapin mo naman ako." halos nagmamakaawang sigaw ko. Ngunit nakailang beses na akong pagtawag sa kanya. Hindi man lang niya ako nagawang lingunin man lang.


"Hindi ako makapaniwala na nagawa mo ang iwan si Ranz." ani Abby. May himig nang inis sa boses niya.

Alam ko naman na ganito ang magiging reaksyon niya. Naiwan na naman akong mag-isa at nanghihina. Nawala na namang parang bula si Janine. Matapos na hindi kausapin nina Abby at Dessa. Kahit ako man ay nagtatampo dahil sa ginawa niyang paglilihim. Pero wala akong magagawa, pasya niya iyon. Ngunit hindi iyon maintindihan ni Janine. Nagtago siyang muli.

"Nandyan na 'yan," anang tinig ng lalaki. Mahinang tapik sa balikat ang naramdaman kong kasunod. "Hindi pa sila handa.",

Mahigpit akong yinakap ni Traver. At halos pabagsak na nilapat ni Theus ang buong bigat nito sa aming dalawa, payakap. "Ang daya mo, Buds. Sinosolo mo naman ang may goddess ko. Gusto ko din siyang i-comfort." lumanghap pa siya nang hangin. Malapit sa may tainga ko.


Marahan ko siyang tinulak dahil baka makasama siya sa pagbagsak.


"Shanielle,"

Binilisan ko ang paglalakad ko. Ngunit wala rin namang kwenta yon dahil naabutan niya ako.

"Wait!"

"Pwede ba tigilan mo na ako?"

"I'm not happy. Nagsisisi ako na pinagtabuyan kita.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now