LH46

1K 25 0
                                    

Dedicated kay @EuniceHernandez050 salamat sa walang sawang pagbabasa ng mga story ko at pagvote... Thank you! 😉

×××

Chapter 46
Symphaty

The usual routine, sinundo ako ni Ranz. Sa loob nang sasakyan tahimik kami pareho. Siguro iginagalang niya lang ang pananahimik ko. Mayamaya ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nanatili lang akong nakamasid sa labas. “Ano ka ba?” sabay bawi sa kamay ko. “Magdrive ka na lang d'yan. Baka mabangga pa tayo sa paghawak-hawak mo ng kamay ko.” matamlay na saway ko.

Narinig ko na lang na tumawa siya. “What's wrong?” he suddenly asked me then sighed.

It took a couple of seconds bago ko nakuhang sumagot. “Wala,”

“May ibabalita nga pala ako sa'yo. Kung naabutan lang sana kita sa bahay nyo, kahapon. Wait! Where have you been? Sino ang kasama mo? Sinabi sa'ken ni Tita na may naghatid sa'yo kagabi?”

Hindi na naman ako nakasagot. Naguilty ako bigla dahil sa pagsama ko kay Dwayne ng hindi pinapaalam sa kanya. But somehow, wala naman akong ginagawang masama.

“Nagpahangin lang sa labas,”

“Who?” mariin ngunit malumanay niyang pagpapaamin.

“Si Dwayne,”

Ang kaninang masaya awra niya ay napalitan ng inis. Napahawak ako ng mahigpit sa dashboard. Medyo bumilis ang pagpapatakbo niya.

“Slow down!”

Nagpahinuhod naman siya at unti-unting bumagal. Binalot kami ng katahimikan.

“Next time don't do that again. Wag ka ng lalabas sa bahay n'yo ng walang kasama. Kung gusto mo tawagan mo ako. O kaya naman pupuntahan kita.”

“Ayokong makaabala,”

“Boyfriend mo ako,”

“Alam ko.” bahagya kong ginalaw ang katawan ko para makita ko siya. “Bakit ba lagi mo na lang pinapaalala ang bagay na yan? Hindi naman ako makakalimutin.”

“But it seems you are,” may bahid ng inis sa pagbigkas niya.

“Whatever!”

“Shanielle, boyfriend mo ako. Bakit kailangan mo pang maglihim sa'ken. Kung ayaw mo na sa'ken just tell me.”

“Alam mo kung alam ko lang na ganito ang magiging takbo nang usapan naten. Sana lang kay kuya na lang ako sumabay.” naiinis na bulyaw ko. “O kaya naman—.”

“Ano?! Kay Dwayne ka na lang sana nagpasundo, ganun ba? Shit!” mahinang mura niya. Sabay hampas nang manibela.

“Hindi! Sana nagcommute na lang ako.”

“Talaga!? Yun ang gagawin mo?”

“Hindi ko alam ang gusto mong palabasin, Ranz. Nilalamon ka na naman ng selos mo.”

“Dahil nararamdaman ko,”

“Pwes, mali ang nararamdaman mo.” bumaba ako sa sasakyan at pabalibag na sinara ang pintuan.

Inis na inis ako habang naglalakad papunta sa classroom ko. Hindi man lang ako nagawang sundan ni Ranz. Naghalo-halo ang nararamdaman ko. Inis, galit at pagkadismaya. Pagkatapos ay may makikita pa akong hindi maganda sa paningin ko. May pagmamadaling lumapit ako kay Rose at sa ka-make-out niya.

Walang sabi-sabing hinila ko siya. At sinampal nang malakas. Sapat para matauhan siya. “Wala ka na ba talagang pagpapahalaga sa sarili mo? Tingin mo ba kapag binaba mo ang sarili mo. Papansinin ka ni Kuya? Mas lalo mo lang pinagmumukhang tanga ang sarili mo. At pinapatunayan mo na hindi ka karapat-dapat sa kanya.”

Nangilid ang mga luha niya. Ngunit nakuha pa rin niya akong sagutin. “Oo.” pag-amin niya. “Ginagawa ko ang lahat ng 'to para marealize niyang na siya ang may kasalanan kung bakit mawawalan ng direksyon ang buhay ko. Gusto ko maguilty siya at bumalik sa'ken. Masaya ka na ba?”

“Hey, Rose, can we continue are make-out session, instead? Miss, pwede ba umalis ka na. Nakakaistorbo ka.” singit nung lalaki. Mayamaya ay ngumisi siya at hinagod ako ng malisyosong tingin. “Would you like to join us? It's ve—.”

Hindi na niya naituloy ang gusto niyang sabihin. Halos magliyab ang mga mata ko nang pukulin ko siya nang masamang tingin. Sa huli ay naiinis na lang na umalis siya.

Binalikan ko si Rose, “Hindi mo ba naiintindihan na masaya na si Kuya. Hindi mo pwedeng ipilit ang bagay na gusto mo.”

“Then, don't you dare throw your damn sympathy on me. It's really sucks!”

“Rose, irespeto mo naman ang sarili mo. Humingi na ng sorry si Kuya Yordan. Ikaw na lang ang hindi pa nakakamove-on. Kasi ayaw mong tulungan ang sarili mo. Ayaw mong palayain sa nakaraan.”

“Do you really want to help me? I'm your bestfriend.”

I took a step and held her hands. “Kahit ano gagawin ko maging masaya ka lang.”

Tiningnan niya ako ng mataman. Punong-puno ng kalungkutan at galit ang mga mata niya. “Paghiwalayin mo sila,” buong tapang na paglalahad niya sa akin.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Tsaka lumayo sa kanya. Hilingin na niya lahat wag lang ang bagay na makakasira sa kapatid ko. Kaibigan ko siya pero hindi ko kayang talikuran ang pagiging kapatid ko sa mahal niya. “Kahit na gaano pa ako kagalit kay Kuya. Hindi ko maitatanggi na masaya ako para sa kanya. Hindi sapat na dahilan ang ginawa niyang pagtalikod sa'yo para gawin ko ang sinasabi mo.”

Umiiling na hinarap niya ako. “I'm your bestfriend, remember?”

“Kaya kong kalimutan ang pagkakaibigan naten, ang nararamdaman mo dahil mahalaga sa'ken ang kapatid ko.”

“I hope you didn't mean it,”

“Dessa,”

“Hindi mo dapat sinabi ang bagay na 'yon. Kahit na ako ang nasa kalagayan ni Rose. Masasaktan din ako kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo. Ang Kuya mo ang may kasalanan kaya siya nagkaganyan. Pinaglaruan niya ang kaibigan naten.” mahabang litanya ni Dessa.

“Dessa, please...”

She just stared at me with disgusting look. Sumunod siya kay Rose. Wala na ba talagang pag-asa para mabuo ang pagkakaibigan namin. Para maging maayos na ang lahat. Nahihirapan na ako.

“Dwayne, what are you doing here?” nagpalinga-linga ako para siguraduhin kung kasama ba niya ang kanyang nobya.

“Am alone,” sagot niya. Para iparating sa akin na wala akong dapat na ipangamba.

Well, hindi naman ako natatakot na mahuli kami ni Dessa na magkasama. Ang ayoko lang ay madagdagan ang galit niya sa akin.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. “Sa cafeteria ka, di ba? Sabay na tayong maglunch.”

Tatanggi sana ako pero wala na akong nagawa dahil hinila niya ang kamay ko. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Mabilis ko iyong hinila at binawi. Biglang pumasok sa isip ko si Ranz. Nagi-guilty ako dahil sa halip na pag-usapan namin ang problema naming dalawa ay kasama akong iba. Pinilig ko ang aking ulo at binura ang nararamdaman ko.

“O-okay... pero pwede bang wag mo nang hawakan ang kamay ko?” nakangiting pagbibigay-alam ko kay Dwayne. Nagyuko ako ng ulo ng magkasalubong ang mga mata naming dalawa. At bahagyang uminit ang pisngi ko.

‘Ano bang nangyayari sa'yo, Shanielle? Umayos ka.’ mahigpit na paalala ng utak ko sa sarili ko.

“Kumusta kayo ni… Dessa?” sinubukan kong buksan ang usapan tungkol sa kanila. Para mabawasan ang pagkailang ko.

“Not going fine,”

“Nambabae ka na naman?” akusa ko. Ngunit bigla ko rin iyong binawi. “Ayusin nyo 'yan.”

“Inlove ako sa'yo...”

----
©froggybean2017

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon