LH6

2K 42 0
                                    

Chapter 6:
Staring Challenge

Bigla na lang akong kinaladkad ni Ranz, palayo kina Traver at Dwayne—na nagtawanan lang. Binitawan niya lang kamay ko ng makarating kami sa di-mataong lugar.

“Ginamit mo ba ang luha mo. Para kaawaan ka ni Traver at pansinin ka niya?” umpisa niya.

“A-anong sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko.

“Malamang na nagpapansin ka din kay Dwayne. But I'm telling you, he will not take you seriously. Mabibilang ka din sa mga pinagsawaan n'ya.”

“Eh, a-ano naman s-sa'yo?”

May estudyanteng nakapansin sa amin at nakiusyoso. May mga nakisimpatya sa akin. Ano bang magagawa ng simpatya nila? Kung titigan lang naman nila ako at hindi tutulungan.

May iba naman na walang pakialam. Syempre duon sila sa gwapo na at gusto pa nila. Ano bang nakita nila sa lalaking 'to? Wala siyang ibang magandang katangian kundi gwapo lang. Bukod duon ay mayabang siya at akala mo kung sino.

“I'm just concern with my friends. Don't act like a naive. Kilala ko ang mga katulad mo.”

“Talaga!? Sabihin mo nga sa'ken ngayon. Ano ang mga katulad ko?” matapang na tanong ko.

He looked at me intently. “You're...”

“Ano?”

“You're... you're.”

“Hindi mo masabi kasi hindi mo ako kilala. Kaya wag na wag mo akong nilalait. Ano bang pinagyayabang mo? Kung umasta ka akala mo ikaw ang may-ari ng buong campus na 'to.”

Bigla na lang akong tinulak ng babaeng kaklase ko. “Hey, watch out! Miss Transferee. Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Sa wakas ay dumating din sina Traver at Dwayne. “Anong nangyayari dito?”

“Marga, bakit tinutulak mo si Shanielle?” tanong ni Traver dito.

“'Yang babaeng 'yan. Kung makapagsalita kay Ranz, sobra. Hindi niya siguro alam kung sino ang kinakalaban niya.”

“Oo nga,” segunda naman ng dalawang kasama nito.

“Tapos ang kapal ng mukha niyang sabihan si Ranz, na kung umasta ay parang siya ang may-ari ng buong campus.”

“Hindi ba niya alam na sina talaga ang may-ari nito. Isn't it's obvious with his name. Ranz Kyle Sunico. Sunico University.” ani Marga sa sarkastikong tinig. Umirap pa siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Tsaka ko lang napagtanto ang mga nasabi ko. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo. Wala akong mukhang maihaharap.

Lumapit sa akin si Dwayne. Dumako ang mga mata ko sa kamay niyang nasa balikat ko. At naglipat ako ng tingin kay Ranz. Alam ko kung anong tumatakbo sa kanyang utak ngayon.

“Okay na, kami nang bahala kay Shanielle. Enough of your words.”

Umingos sina Marga at ang kanyang mga kaibigan nang sabihin iyon ni Dwayne.

At sinamahan nila ako sa aming classroom. Kung normal na pangyayari lang sana ito. Kikiligin ako sa gesture ni Dwayne. Ngunit kabaligtaran ang nararamdaman ko. Mas nag-aalala ako sa iisipin ni Ranz. Mabilis kong naipilig ang ulo ko. Para burahin ang mga namumuo walang kwentang bagay sa utak ko.

“Shanielle, don't worry. Kakausapin namin si Ranz.” ani Dwayne.

Wala sa sariling tumango ako. Napailing na lang si Traver. Tumingin siya kay Dwayne. Ikiniling niya ang kanyang ulo. Senyales na umalis na muna sila.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now