LH39

1K 24 0
                                    

Chapter 39
Balae

Sa lahat ng mga bagay na napagdaanan ko sa loob ng isang taon dito sa SEU. Nagpapasalamat ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Umakyat ako sa entablado na hati ang kasiyahan at kalungkutan. Masaya ako na nagtapos ako ngunit hindi iyon buo. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik ang papa ko. Kung may pamilya na siya, tatanggapin ko. Basta ang mahalaga sa akin ay makita ko siya. At maliwanagan ako kung bakit siya nawala na lang na parang bula.

"Anak, congrats!" ani Mama. At niyakap niya ako nang mahigpit.

Ganun din si Kuya sa akin. Ilang sandali lang siyang nanatili dahil nilapitan na niya si Yumi. Hindi talaga niya maiwan ang babaeng 'yon. At mukhang close pa siya sa mga magulang nito.

"Ate Shan, congrats!" bati ni Nanya sabay yakap sa akin.

Inabot ko ang regalong ibinigay niya. "Thank you!" may himala talagang nangyari dahil hindi na siya masungit. Katulad ng Kuya Ranz niya. Magkapatid halaga sila. Mga bipolar.

At isa pang yakap ang natamo ko ng dumating ang mommy nila. Nakipagbeso pa siya sa Mama ko. Tumaas ang dalawang kilay niya na tila nagtatanong. Pinakilala ko sila sa isa't-isa.

"Balae na lang ang itawag mo sa akin. Tutal naman duon din ang punta nuon." anang mommy ni Ranz.

"Balae?!"

"Hindi mo alam? Yung anak kong lalaki at itong si Shan baby ay magkasintahan. Nagpupunta nga ito sa bahay namin." saad ni Tita at may pahawak-hawak pa siya sa braso ko habang nagsasalita.

"Shanielle,"

Isang tinig ang nagligtas sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang maluluha-luhang si Rose. Nagpaalam ako sandali kina Mama.

"Pwede ba kitang maistorbo?"

Para pagbigyan na din ang hiling niya ay pumayag ako. Sumama ako sa kanya sa auditorium. Hindi maiwasan na maalala ko ang tagpo ng kinaladkad ako dito ni Ranz. Iyong nahawakan ko ang matigas niyang dibdib. At muntikan ko ng matikman ang kanyang mga labi. Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang mga alaalang iyon.

Nagpasalamat ako nang mag-umpisang magsalita si Rose. Mabilis na nailihis ang aking isip mula kay Ranz. Hindi ako makapaniwala sa kanyang ilahad. Nag-umpisang manubig ang gilid ng mga mata ko.

"Sige na, alam kong mahalaga 'to sa'yo. Regalo 'to ng Papa mo. Sorry kasi naging matigas ang ulo ko at hindi ako nakinig." nakayukong paliwanag niya.

Hindi ko alam kung tamang abutin ko iyon at kuhanin sa kanya. Malungkot siya at pakiramdam niya ay pinaglaruan lang siya ni Kuya. Ayokong lalo niyang maramdaman na binabawian siya ng isang bagay. I care for her.

Yinakap ko siya ng mahigpit. At hindi ko inaasahan ang pagbuhos ng maraming luha sa mga mata ko. Parang ang tagal naming hindi nagpansinan kung makaiyak kami sa balikat ng isa't-isa. Wala kaming ginawa kundi ang magpaliwanag at mag-iyakan. Natatawang inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Siya pa ang nagsuot ng wristwatch sa palapulsuhan ko.

"Promise, papalitan ko 'to sa'yo. Sasabihin ko kay kuya na bilhan ka n'ya. 'Yung sa kanya talaga galing." natatawang sabi ko.

Lumabi siya at umiling, "Hindi na,"

"Bakit?"

"Hindi ko naman kailangan ng materyal na bagay para malaman ko na sincere s'ya sa pagpapahayag ng nararamdaman niya. Nag-usapan na rin kami. He's sorry for hanging his courting thing." gumagaralgal ang boses niya. Ngunit ngiti nang isang nagpapalaya ang nasilayan ko sa mga labi niya. "I understand. But it's still hurts, though."

Hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya. Lagot sa akin ang kuya ko dahil pinaiyak niya ang bestfriend ko. Kahit kapatid ko siya hindi siya makakaligtas sa'ken at kailangan niyang managot.

"Rose, sorry huh? Hindi ko naman hawak ang puso at isip ni Kuya. May kasalanan din naman ako. Hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kasi akala ko maayos pa ang lahat. Na magkaibigan lang sila ni Yumi. Pero wala akong ideya na iba na pala."

Sinuklian niya ako ng hilaw na ngiti. Atleast napangiti ko siya kahit paano. "Hindi kita sisihin, Shan."

"Ano ka ba?"

"Alam kong may nagbago na kay Yordan. Hindi ko lang din tinanggap."

"Rose, alam ko na makakahanap ka ng mas higit sa ulol kong kapatid." sabay yakap ko sa kanya.

"Uy! Ano 'yan?" nakangiting sigaw ni Dessa.

"Ang daya n'yo, hindi n'yo kami sinabihan." ani Abby.

Palapit sila sa amin at nahuhuli na naman si Janine. "Okay na kayo?"

Sabay kaming tumango ni Rose. At ipinakita ko pa sa kanila ang wristwatch ko. Pumalakpak silang lahat. Nahihiya naman akong nagtago sa likod ni Rose.

"Group hug,"

Walang tatalo sa high school life. Hindi man kami nagkamit nang medalya. Higit pa ruon ang natagpuan namin. Walang papantay sa kasiyahan dulot ng pagkakaibigan naming lahat. Walang humpay ang ilaw ng mga camera. At pagpopose ng mga lalaki.

💓💓💓
ⓒfroggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon