LH16

1.4K 37 0
                                    

Chapter 16:
Just Joking

MAY iniisip pa nga ako tapos dumagdag pa si Rose. Gusto daw niyang makilala si Kuya. Kaya naman kailangan ko pang pag-isipan kung paano ko sila isi-set-up. Nang hindi makakahalata iyong isa.

Sa ngayon ay si Ranz muna ang dapat kong isipin. Lumapit ako, “Ranz,” lakas loob na pagtawag ko sa pangalan niya.

Lumingon naman siya ngunit hindi man lang ako hinintay. Muli siyang tumuloy sa paglalakad. Ilang beses ba akong dapat na mapahiya para lang kausapin niya ako. It's now or never.

Pinilit ko na makahabol sa kanya. “Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa ginawa ko kay Marga?”

Hinintay ko na sagutin niya ang tanong ko. Ngunit naghihintay lang yata ako sa wala. Nanatiling nakatingin lang siya sa akin.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Paano ba naman tiningnan niya ako ng masama. Sa halip na hintayin ang sagot niya ay nagpasya akong ibahin ang tanong sa kanya. I cleared the lump on my throat. And asked him, kahit hindi na naman ako sigurado kung sasagutin niya ako. “Bakit mo ako sinulatan ng I... l-love you?” yumuko ako dahil naiilang ako.

Pakiramdam ko ay sa kanya ko sinasabi ang mga katagang iyon. At hindi ako sigurado kung may gumuhit na ngiti sa labi niya ng magtanong ako. Pakiramdam ko kasi, eh, natuwa siya. Ipinilig ko ang aking ulo. Marahil ay malikmata lang ako. Imposible na matuwa ang lalaking 'to. Mas masahol pa siya sa tuod.

Ilang segundo ang lumipas hanggang sa maging minuto. Ngunit hindi ko man lang narinig ang tinig niya. May problema ba siya sa pagsasalita? Kung hindi ko lang siya narinig ng ilang beses na. Iisipin ko na pipi siya.

Bakit ba ang sungit niya tapos babait siya. At pagkatapos nuon ay babalik na naman sa pagiging masungit. Naiinis na umirap ako ng pasimple.

“I didn't wrote that trash.”

Hindi ko napigilan ang mapasinghap ng mahina sa kanyang tinuran. Basura ang tingin niya duon? Pinigilan ko ang aking sarili na patulana ng masamang sinabi niya.

Nahulog ako sa pag-iisip kung sino ang nagsusulat nuon? Si Traver? Si Dwayne? Natigilan ako ng may pumasok na ideya sa aking utak. Hindi imposible na siya ang magsulat niyon. Lihim akong napangiti ng dahil duon.

Wala sa loob na naglalad ako palayo sa walang kwentang kausap ko.

“Shan, anong ginagawa mo dito?”

“Huh, nag-cr lang ako.” sagot ko kay Traver. “Kayo, saan kayo galing?”

Si Dwayne ang sumagot, “Galing kami sa college department, nangchicks.” aniya sabay kindat. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.

Nagyuko ako ng ulo para itago ang pamumula ng aking pisngi. Totoo pala ang sinasabi ni Dessa na nagpupunta sila duon kahit na bawal.

Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng paninibugho. Gayung gusto ko lang naman si Dwayne at hindi pa ako sigurado kung lampas na ba iyon sa salitang mahal.

“K-kaya pala wala kayo... sa klase kanina,” iyong music class namin ang tinutukoy ko. Terror pa naman ang teacher namin duon.

“Oo, kasama namin si Ranz,” tila balewalang sabi ni Traver.

Kunwari pa ang lalaking iyon. Akala mo ay tipong tahimik ngunit may kalokohan din naman palang itinatago.

Kumakamot sa ulong humarap sa akin si Dwayne. Mukhang may sasabihin siya ngunit para namang nag-aalalangan. Hindi kaya nahihiya siya? Samantalang ako ay nanlalamig sa aking kinatatayuan.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now