LH36

1K 25 0
                                    

Chapter 36
Aminan

Sumabay ako kay Kuya Yordan sa pagpasok. May mga bagay akong dapat na linawin sa kanya. “Kuya, sinabi mo na ba kay Rose?”

Hindi ko na dapat na ipaliwanag pa sa kanya ang lahat. Alam na niya 'yun. Walang anumang sagot na namutawi sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay tunog ng makina ang bumasag sa katahimikan namin.

Nang malapit na kami sa SEU ay nagsalita ako. “Alam ko na may tapang kang haharap sa ginawa mong problema. Ginawa mo 'yan, eh.”

Kahit na galit ako sa kanya. Sa puso ko ay mahalaga pa rin siya sa akin. Nag-iwan ako sa kanya ng ngiti bago umibis ng kotse. Natigilan ako ng bumungad sa akin ang mukha ng babaeng ayaw kong makita.

Madalas ko siyang nakikitang kasama ni Kuya. Pareho silang mahilig sa musika. Kaya naman naging close na din si Yumi sa kaibigan ni Kuya. Walang pakialam na umirap ako sa kanya.

Nilampasan niya ako at sinalubong niya ng yakap ang kapatid ko. “Hi, honey.” aniya.

Sinikap kong wag marinig ang paglalambing ni Kuya. Nasusuka ako. Ganun na lang ba iyon? Kapag may bago kang nakilala. Iiwan mo na lang o kaya naman ay hindi mo na itutuloy ang panliligaw mo? Paano naman ang nililigawan mo? Kung sa puntong may nararamdaman na din siya sa iyo at kulang na lang ay ang opisyal na pagsagot niya?

“Rose, tara na!” inis na sabi ni Abby. Panay naman ang alo ni Janine sa luhaang si Rose.

Lalapitan ko sana siya ngunit umiling si Dessa. Hudyat na hindi ako kailangan. Bakit nga naman ako magtatangka na pakalmahin siya? Kapatid ko ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Walang buhay na tumingin ako kay Ranz. Kanina pa rin siguro niya pinanunuod—na hindi alintana ng dalawa—sina Yumi at Kuya Yordan. Tiim ang mga bagang niya.

“Ranz,”

Naupo ako sa duyan at tiningnan siya. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi maconcious. “Tss. Alam ko naman na nagseselos ka sa dalawa. Hindi mo na kailangan na tingnan ako ng ganyan. Kahit na nagalit ako kay Kuya Yordan. Hindi pa rin napigilan na magustuhan niya si Yumi.”

Kinaladkad ako ng lalaking 'to sa tambayan nila. Naiinis ako sa kanya last week lang ay walang pakundangan niya akong hinalikan. Pagkatapos ngayon ay ipapakita niya sa akin na parang nagseselos siya sa babaeng iyon.

“Teka,” tumayo ako at pumunta sa kabilang sulok. Palapit siya ng palapit hanggang sa makorner niya ako.

Kinakabahan ako ngunit mas nanaig ang inis ko sa kanya. Sinapak ko siya sa braso at pilit kong itinutulak para makaalis. Ngunit napako ang mga palad ko sa dibdib niya.

“I'm not jealous,” he whispered. Hindi binibitaw ang mga tingin sa akin.

“Oo na lang. Umalis ka na nga. Mag-uumpisa na ang klase. Ano?”

Hindi man lang siya natinag. Mas lalo pa niyang nilapit ang kanyang katawan. “I like you,” aniya. Mas malinaw iyon sa aking pandinig.

“Hmmm... O-of course, magkaibigan t-tayo.” naguguluhang paliwanag ko.

“Shanielle, what I mean is...”

“Is...?”

Hindi maitatago ang pagkabalisa niya. Ilang ulit na gumalaw ang adam's apple niya. Habang ako naman ay naghihintay ng kanyang sasabihin.

“Shanielle,”

“Yes?”

“Shanielle, let's our hearts beat for one.”

Pikit. Kagat sa labi. Tayo sa upuan. Paminsan ay napapakagat pa ako sa kuko ko. Napakabait naman kasi ng tadhana. Hindi dumating ang teacher namin. Aligaga ako habang yung mga kaklase namin ay nagkakaribok na naman.

“Shan, nakita mo si Ranz?”

Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Dwayne. I runned out of blood. Ramdam kong namutla ang pisngi ko. “H-hindi,”

Malamang na nandun pa 'yon sa private place niya. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak niya at sinabi niya sa akin ang bagay na 'yon? Syempre ang magiging reaksyon ko ay magulat. Napatakbo tuloy ako.

Kahit labag sa loob ko ay sinamahan ko si Dwayne. May gusto rin kasi akong sabihin sa kanya. “D-Dwayne,” tawag ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nakangiting nilingon ako. ‘Kiligin ka naman.’ utos ko sa puso ko. Ngunit wala akong maramdaman.

“Bakit, babes?”

“Ahm...” tumikhim ako bago humakbang akong palapit sa kanya. Tumigil ako nang dalawang hakbang na lang. “M-may...” natigilan ako. Nag-isip ako kung paano ko sasabihin. Dahil sa malawak na ngiti na binibigay niya. Ang singkit niyang mga mata ay lalong sumingkit.

“C-crush kita,”

Muntik na siyang matawa o mas tamang sabihin na pinigilan niya ang sarili niya na matawa. Nabigla talaga ako sa naging reaksyon niya. Inakbayan niya ako at, “Crush lang pala, eh. Don't worry kaibigan pa rin ang turing ko sa'yo.”

Nakakunot ang noong tumingin ako sa kanya. “Hindi lang basta crush ang nararamdaman ko, Dwayne. E-espesyal ka sa'ken at—.”

“Shanielle, hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin. Pero kung gusto mo ako na maging boyfriend mo.” lumungkot ang boses niya. Wala na iyong mga ngiti niya na nakakaakit ng mga babae. “I’m sorry, I'm not inlove with you. I can't love you back more than a friend can do.”

Napahiya ako. Ngunit mas nasaktan ang pride ko. Nangingilid ang mga luhang yumuko ako. Balewala na lang ba sa kanya ang ginawa kong pagtatapat? Marahil ay sanay na siyang mang-reject ng mga katulad ko. Sanay na sanay.

Buong magdamag ko yatang iniyakan ang bagay na iyon. Lihim ko tuloy na sinisi si Ranz. Si Yumi ang gusto niya at hindi ako. Kung hindi dahil sa pagtatapat niya. Sana hindi ako naging desperada na magtapat kay Dwayne. At hindi sana ako nasaktan.

💓💓💓
froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon