LH41

1K 24 0
                                    

Chapter 41
Boys Hunting

Tuluyan nang winakasan ni Kuya Yordan ang panliligaw niya. Ilang araw nang hindi nagpapakita si Rose sa mga lakad namin. Sinusulit kasi namin ang bakasyon. Gusto ko siyang puntahan ngunit hindi ko kaya. Kaya naman nakuntento na lang ako sa mga balita ni Janine.

“Nagkasakit naman talaga siya. Siguro dahil sa kaiisip at kaiiyak pero okay na naman sya. Pwede na siyang sumama bukas.”

“Salamat,” nakahinga ako ng maluwag.

Ngunit hindi na siya ang dating Rose na kilala namin. Tahimik na siya at bihira na lang siyang makipag-usap at tawanan.

“Uy, tara mag-boys-hunting sa plaza mamaya. Tiyak na dadagsa ang mga boys dun. Hindi ba at ngayon gaganapin 'yung Mr. Pogi? Tara excited na akong makakita ng mga naggagwpuhan. Balita ko pa may pakitaan ng abs na magaganap.” yaya ni Abby. Nakatingin siya partikular na kay Rose.

Ngunit hindi man lang iyon nag-angat ng tingin. Patuloy siya sa pamimili ng mga damit. Nagsenyasan kami—sa pamamagitan ng tinginan—na tumahimik na lang.

Nasundan pa iyon ng ilang araw. Nag-alala na nga ako. Kapag may nakikipag-usap sa kanya ay pinagtatabuyan niya. Especially sa mga lalaki. She never flirt, again.

“Rose, date tayo?” dinig kong alok ni Theus.

Matalim na irap ang ginawa niya. “Matapos mong makipaglampungan dun sa babae. Ako naman ang isusunod mo. Maghanap ka ng pagsasawaan mo.”

Ngunit hindi pa rin siya tinantanan ng binata. Hinabol siya nito hanggang sa makaupo sa upuan.

“Kapag ako ang minahal mo ikaw ang magsasawa.” bulong ni Ranz.

“Magtigil ka nga! Nakikisali ka pa.”

Tambay kami sa bahay nina Dessa. Napailing na lang ako. Siguro ay hindi pa siya handa na makipag-date. Ayokong isipin na hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na magbabago ang isip ng kuya ko. At madalas na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Kapag may lalapit sa kanya lalaki.

“Okay lang na makipag-date ka na ulit.” payo ko nang minsang mapag-isa kami.

May ideya na ako na ayaw niyang isipin ko na makita ko siya na nakikipag-usap sa ibang lalaki. Na natatakot siya na mag-iba ang tingin ko. Pero hindi. Ang gusto kong gawin ay patulan niya ang panlalandi ni Theus, magpaligaw ulit siya. Hindi ako magagalit.

“Hindi pa ako handa,” tipid na sagot niya.

-----

College life. Seryoso na talaga. Hindi ko na nga mahagilap ang mga bestfriend ko. Hindi naman na kami dapat na pa-easy-easy lang. Pagkatapos nang first day pero nakikita ko pa rin sila. Hindi na nga lang ganun kadalas. Nakakalungkot na hindi na kami masyadong nakabonding. Tapos nalaman ko pa na hindi nag-enroll si Janine. Sumunod na araw nabalitaan ko na umalis na sila sa kanila.

“Hey, let's go somewhere, quiet.” ani Rose.

Nakita ko nang hilahin niya iyong lalaki sa kwelyo nito. Hindi niya napansin ang pagtawag ko. Panay ang hagikhik niya habang nakaakbay sa kanya iyong lalaki. Sinundan ko pa sila hanggang sa makarating kami sa likod ng abandong library—na ginawa nang stock room, kalaunan.

“Ro—.” hindi na tuluyang lumabas sa bibig ko ang buo niyang pangalan.

Natilihan ako habang tumatatak sa utak ko ang paghalik niya sa lalaking iyon. Ilang sandali bago ako natauhan. Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay may bultong lumampas sa akin. Dire-diretso siya at isang suntok ang pinadapo niya sa mukha ng kahalikan ni Rose. Humandusay iyon at matalim ang tingin ang binato kay Theus. Hindi man lang iyon natinag at hindi inurungan ang mga tingin na ipinpukol sa kanya.

“Fuck you!” he shouted and leave.

He's not the typical kind of guy that would rain punches on his enemies. One is enough ngunit siguradong hindi ka na makakapagsalita pa.

Gusto kong habulin siya pero mas inuna kong harapin ang bestfriend ko. Nakangisi sa akin na umalis na iyong lalaki. Pairap na lalampasan sana ako ni Rose ngunit pinigilan ko ang braso niya.

“Hanggang ngayon ba... errr... umaasa ka pa rin ba kay Kuya?”

Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. Habang nangingilid ang mga luha niya. Mayamaya lang ay lumapat ang palad niya sa aking pisngi. “How dare you,” nanginginig sa galit ang boses niya.

“Gusto ko lang naman na tulungan ka na magmove-on. Kalimutan mo na ang kuya ko. Tsaka hindi naman ganuon katagal ang pinagsamahan nyo. Mabuti nga hindi mo pa nagiging kayo.” naiiyak na din na paliwanag ko sa kanya.

“Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko ngayon, Shan. Paano ko makakalimutan si Yordan kung lagi kitang nakikita?! Nakikita ko sa mukha mo na kapatid ka nya. Na ang kapatid ng bestfriend ko ang nanakit sa'ken.”

“Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa nakikita ko. Mas masakit pa sa masakit na makita ka na nagdurusa. Dahil alam ko na kapatid ko ang may dahilan ng lahat ng 'to. Bakit pa pinahihirapan mo ako?”

“Dahil guilty ka,”

“Rose...”

“Totoo naman, eh. Kung may ginawa ka sana hindi sana nangyari 'to.”

“Kung dapat man tayong sisihin dito. Ikaw 'yun Rose. Pinilit ko ba ang kuya ko sa'yo? Hindi naman, di ba? Ikaw ang may gusto nun.”

Nakatikim na naman ako ng sampal sa kanya. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon. Hindi ako gumanti sa kanya. Kung iyon ang makakagagaan na pakiramdam niya. At makakatulong sa pagmomove-on. Handa akong tulungan siya.

Isa-isang lumapit sa amin ang mga kaibigan namin. “Rose, ano 'to?” nagtatakang tanong ni Abby.

Sa halip na sumagot siya ay tumalikod siya at iniwan kami. Umiling na lang ako at sinenyasan sila na hayaan na muna siya.

“Okay lang,”

“Anong okay lang? Sinampal ka nun.” ani Dessa.

Kaya kong tiisin. Kung kinakailangan na ako ang magbayad ng kasalanan ni Kuya. Gagawin ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

“Dadalhin kita sa infirmary,”

“No,”

Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon kay Ranz. Ikaw ba naman ang pagbataan na bubuhatiin. Ayoko naman na pag-usapan na naman kami ng mga estudyante. Tsaka nasampal ako. Hindi naman ako napilayan. Minsan talaga masyado na siyang overacting.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon