LH47

1K 25 0
                                    

Chapter 47
Isyu

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Dwayne. Baka naman pinagtitripan niya lang ako. Si Dessa ang girlfriend niya at hindi siya inlove sa akin.

Kung kelan naman kailangan ko ang presensiya ni Ranz. Tsaka ko naman siya hindi mahagilap. Naguguluhan ako. Natatakot ako na kapag wala siya sa tabi. Ayokong magkaroon ng pagkakataon na isipin ko ang tungkol kay Dwayne.

"Asan si Ranz? Mukhang hindi mo yata kasama. May LQ kayo?"

Hindi pa rin niya ako kinakausap o kaya naman tinatawagan o kahit itext man lang.

"Yuck!"

Natatawang sinagot niya ako. "And what's so funny, my Goddess?"

"Your taste of words, girlie macho." pang-aasar ko.

Naiiling na ngumisi siya habang papalapit sa akin. "Girlie macho, huh?!"

"Lumayo ka sa'ken," nadidiring pagtataboy ko. Nagtago ako sa likod ng bagong dating. "Traver, itago mo ako sa binabaeng 'yan." patuloy na pang-aasar ko habang tumatawa.

May kakampi pa rin naman pala ako. Hindi pinayagan ni Traver na makalapit sa akin ang manyakis na kaibigan namin. Mukha kaming mga batang nagpapatintero.

Nang walang anu-ano, "What's with you," sumulpot ang nanggagalaiting si Rose. Nakatikwas ang kanyang kilay na nakatingin sa akin. Animo isa akong mababang uri ng babae, sa paraan ng tingin niya. Kasunod niya ang tatlo ko pang kaibigan. Si Dessa-na naging mailap. Bihira na niya akong kulitin. Inisip ko na baka abala lang siya sa pag-aaral. Kung noong highschool kami paeasy-easy. Ngayon nasa college na kami dapat na maging seryoso na kami. At idagdag pa na may nobyo na siya.

Si Abby, nakamasid lang at tila alerto sa anumang mangyayari. At ang tahimik pa rin na si Janine. Nagkikita-kita kami tuwing weekend para magbonding. Lalo pa nga at hindi na siya nag-aaral. Isang taon din siyang hindi nagparamdam. Sa hindi namin malamang dahilan. Ibinalita niyang may balak siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Iyon dapat ang isi-celebrate namin. Hindi ang pagmamaktol nitong si Rose.

"Shanielle? Lahat na lang ba ng taong gustuhin namin. Gusto mo din." muling sigaw ni Rose.

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?"

Mayamaya ay nagliwanag ang mukha ko. Lumapit ako kay Rose at hinagilap ang kanyang kamay. Ngunit nagulat ako nang tinapik niya iyon.

"Natutuwa ako na ma-." may pag-asa na si Traver sa'yo.

Ngunit nanatili na lamang iyon sa isip ko. Hindi ko na naituloy ang gusto kong ibulalas. Nagkaroon pa naman ako nang hinala na sa wakas ay nabaling na din sa iba ang puso niya.

"Don't you dare touch me. Nadidiri ako sayo. Akala ko pa naman ako ang malandi. Pero nagkamali ako. Ikaw pala yon.

"Stop it, Rose." malakas na sigaw ni Traver.

Unti-unti na kaming nakakahakot ng atensyon, sa park. Karamihan ay mga bata. Marahil ay naiistorbo lang sila dahil sa lakas ng boses ni Rose. Kapagkuwan ay muli namang bumabalik sa paglalaro.

"Bakit hindi ko man lang naisip. Hindi man lang naten naisip na itong... bestfriend naten ay likas na malandi. Hindi ba at siya ang madalas na may kasamang lalaki."

"Seriously, what the heck is your problem?" paangil na tanong ni Theus.

"Bitiwan mo ako!"

Hindi namin namalayan ang pagdating ni Dwayne. "Shanielle, may problema ba?" sa halip na kay Dessa siya lumapit. Sa tabi ko siya pumwesto. Ganun na lang ang pagnanais ko na itulak siya palapit kay Dessa.

"See?!" ani Rose na nakatikwas ang kilay.

Nakakunot ang noong inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko. Nangingilid ang mga luha ni Dessa. Nagtapos iyon kay Abby at nagpapahiwatig na saklolohan niya ako. Wala talaga akong ideya sa binibintang ng kaibigan namin. Ngunit naglihis lang ito ng tingin.

"Alam ba 'to ni Ranz?

"Ang alin ba!? Wala naman akong ginagawa na dapat na ipaalam sa kanya."

"Really? Wala ka pang itinatago n'yan?"


"Tama na, Rose!" mahinahong pakiusap ni Janine. "Hindi ba magkakaibigan tayo dito? Hindi tayo dapat nag-aaway."

Nanlilisik ang mga matang pinukol niya dito. "'Wag mo akong pangaralan dito, Janine. Magkaibigan na tayo nuon pa. Bago pa man dumating ang Shanielle na 'yan. Pero bakit parang mas kinakampihan mo pa siya. Kilala mo ako, hindi ako ang tipo ng tao na basta na lang palalampasin ang bagay na 'to." may panunumbat sa boses niya.


"K-kaibigan ko kayo pareho." tila maiiyak na sabi nito.


Si Kuya Yordan na naman ba ang isyu?


"Alam ko na kaya ka nagkakaganyan dahil sa kasalanan ng kuya ko. Hindi ko naman ginusto na saktan ka niya. Kung piliin ko man s'ya natural lang 'yun. Kapatid ko s'ya... pamilya ko s'ya. Kahit na magkamali s'ya ng paulit-ulit patatawarin ko s'ya. Kuya ko 'yon, kailan nyo ba maiintindihan ang bagay na 'yon?" pag-iyak ko sa harapan nila. "At dun sa isyu na marami lumalapit sa'keng lalaki. Kaibigan ang turing ko sa kanilang lahat. Si Ranz ang mahalaga sa'ken."

Lalo naging mabangis ang tingin ni Rose sa akin. Sa itsura niya ngayon, mukha siyang susugod anumang oras. Pero tila may bagay pa rin na pumipigilid sa kanya na wag gawin ang bagay na iyon. "Tss. Don't try to play innocent, here. Ilang lalaki ba ang dapat mong akitin?"

Umakyat ang dugo ko sa ulo. Pero pinigilan ko pa rin ang sarili na saktan siya. Alam kong nadadala lang siya ng galit niya. Kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko para kalmahin ang sarili. "Tama na. Ayokong makipagtalo pa, kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo. Kahit na pinag-iisipan mo ako ng masama." sabi ko

Akmang tatalikod na siya ngunit napigil iyon ng magsalita muli si Rose. "And how about Traver? Bakit patuloy na nakikipaglapit ka pa sa kanya? Gayong alam mo naman na gusto din siya ni Regine?"

Pumihit ako paharap sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin.

"Hindi mo alam? Akala ko ba kayong dalawa ang mas malapit sa isa't-isa. Pero bakit parang wala kang alam?" she said, mockingly. "Sabagay si Dessa nga una mong naging bestfriend, iniwan ka. Dahil yan sa hindi niya masikmura na ang kaibigan pa niya ang kaagaw niya. Hindi ko s'ya masisisi. Eh, Kuya mo ba naman si Yordan. Magkapatid nga kayo... isang manloloko at isang malandi."

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong nakalapit sa kanya. At walang salita na pinadapo ko ang palad ko sa kanya. Masyado naman yata siyang sumusobra. Ngunit mabilis kong naihakbang paataras ang mga paa ko. Nang makita ko ang galit niyang ekspresyon.

"Wala ka nga bang alam o nagkukunwari ka lang? Dahil makasarili ka. Gusto mo na sa'yo ang lahat ng atensyon ng mga lalaki."


"Kung may galit ka man sa kanila. Pwede bang 'wag mo na akong idamay. Labas ako sa gulo n'yo." ani Abby. "Wala akong gusto kay... T-Traver." her cheeks blushed.

Halata naman na nagulat din ang binata. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin.

"Playing safe," Rose murmured. "Sinong niloko mo?"

Hindi pa siya nakuntento. "At ikaw Janine, akala mo ba maitatago mo ang sekreto mo. Kunwari mahinhin ka, pero nasa loob din pala ang kulo mo. May tinatago ka ding kalandian. Alam ba nila?"

"R-Rose, tama na?"

Ngunit hindi na yata magpapapigil ang bestfriend namin. "Alam ba nila...?!" she smiled, mockingly. "...kung bakit ka nawala na lang. Sinabi mo na may problema ka at wala kayong pera. Pero ang totoo makati ka. Asan ngayon ang ama ng anak mo. Hindi nga ba at iniwan ka din."

Lahat kami ay natuon ang mga mata sa luhaan at nakayukong si Janine. Bumalatay ang pagkagulat sa aming mga mukha. Napapailing pa nga si Abby at parang hindi makapaniwala.

"Anong bang sinasabi mo?"



💓💓💓
_______
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now