LH35

1.1K 28 0
                                    

Chapter 35
May curfew

Namimilog ang mga matang lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakangiti si Traver at may babaeng nakaangkla sa braso niya. Maputi iyon pero maliit ang hulma ng ilong niya. Hindi ko maiwasan na makita sa kanya ang laruan ko dating Barbie doll.

Isang mahinang ngiti ang binigay niya sa amin. Tila may dinaramdam siya. Bahagyang tumama ang ilaw sa kanyang mukha. Tsaka ko lang nahalata na hindi naman siya maputi. Actually she looked pale.

“Hindi ko nga pala napakilala sa inyo ang girlfriend ko.” ani Traver. Hindo mabura ang ngiti sa mga labi niya.

“Girlfriend!?” ako lang yata ang nagulat. Wala naman kasing reaksyon si Abby. Kaya ba kanina pa siya nakasimangot?

Alam ko na naman na may girlfriend si Traver. Dati. Ang sabi niya ay break na sila. Wala siyang nabanggit na nagkabalikan na sila.

“Uhmmm,” tumatangong sabi niya. Kumindat pa siya sa akin. At ngumiti ng malapad na parang sinagot niya ang nasa isip ko.

Hindi ko alam kung paano ko tutugunin ang yakap ni Chelsea Lou. “Nice to meet you,”

Palihim na siniko ko ang bitter kong bestfriend na si Abby. Hindi man lang kasi siya tumayo para makipagkilala. Kapag nagpatuloy siya sa ganyang arte. Baka makahalata ang dalawa.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng magpaalam si Traver. “Ihahatid ko lang ang sweetiepie ko. May curfew, eh.” nakangising paalam niya.

“Mabuti pa nga,”

“Ano 'yun?” sabay naming tanong ni Traver.

“Ah... m-maaga pa,” pigil ni Abby.

“She needs to take her medicines. And she a rest too.” paliwanag ni Traver.

Wala kaming nagawa kundi panuorin—na talaga namang malambing sa isa't-isa—ang paglayo nila. Sa magkakaibigan, si Traver lang yata ang one-woman-man.

“Tss. Alam mo hindi sila bagay.” pakli ng katapat ko.

“Bakit?”

“Look at them. Mukhang alagain ang Chelsea na 'yon. Pahihirapan lang niya ang my loves ko. Tapos ang panget pa ng tawagan nila. Kung hindi nga lang masama na maduwal sa harapan nila. Baka walang humpay ang pagsuka ko. Hanggang sa maghiwalay sila.”

Nakatawang napailing na lang ako. “Bitter,” bulong ko pa.

“Isa pa itong nakakadiri. Magdamag yatang balak sundan nitong si Dessa si Dwayne, ah?! Tingin ko talaga magjowa ang dalawang 'yan. Ayaw lang umamin. Alam mo isang araw mapapaamin ko din 'yang babaitang 'yan.”

Pilit kong inilihis ang pansin ko kina Dessa at Dwayne na naghahabulan pa rin. Kung saan magpunta ang huli ay panay ang sunod ni Dessa. Bumangon ang kirot sa puso ko. Nagseselos ako. Alam ko na iyon ang nararamdaman ko.

Naputol ang panunuod ko sa kanila. Napairap ako ng may humawak sa kamay ko. Inis na tinapunan ko siya ng tingin. “Ano bang problema mo?” kanina pa ako naiinis sa kanya. Hindi ko na nga nai-enjoy ang prom night.

“It's time to take you home,”

“No,”

Hinampas siya ni Abby sa braso. “Ranz, hayaan mo nga na mag-enjoy kami dito. Tsaka may ikukwento pa ako kay Shanielle.”

Walang emosyon siyang nilingon ni Ranz. “Bakit hindi ka sumulat sa MMK o sa Magpakailanman?”

“Hala! Sulat your face, Sunico.”

“Tss. Let's go, Shan.” muling pagtawag niya.

“Teka! Saan mo ba ako dadalhin?” protesta ko nang walang pakundagan niya akong hinila. “Paano si Abby?” nilingon ko pa siya.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon