LH48

1K 22 0
                                    

Chapter 48
The Revelations

“Yang babaeng akala nyong mahinhin. Malandi din. Matagal ka na palang may boyfriend. 'Yong pagiging mahinhin mo may kasunod pala...” sinadya talaga niyang bitinin ang huling sasabihin niya. “Lahat tayo ay may tinatagong baho rito. Kaya walang kahit na sinuman sa inyo ang magmamalinis dito sa'ten ngayon.” sigaw ni Rose.

“Ano bang nangyayari sa'yo?” tanong ko.

Bago pa siya makasagot ay naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa braso ko. Hindi napalitan ang ekspresyon ng mukha ni Rose. She's acting like a bi*ch.

“No one has the right to bully her. Kung may problema ka sa akin, ako ang kausapin mo.” anang baritonong tinig na bagong dating.

“Mabuti naman at dumating ka. Halika, para malaman mo lahat ng kalokohan ng girlfriend mo.” hinila niya iyon palapit sa amin. “Shanielle...”

Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Kahit ang totoo ay gusto ko nang humagulhol ng iyak. Nanghihina ang mga tuhod ko. Inalalayan  ako ni Dwayne. At naging matalim ang tingin ni Ranz sa kamay nitong nasa balikat ko. Malumanay ko iyong inalis.

“Are you ready to know the big rebelations?” nakangiti si Rose at tila nasisiyahan sa mga nangyayari.

“Tama na Rose, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan.” saway ni Dessa. Na sa unang pagkakataon ay nagsalita. Sa tagal-tagal niyang nanunuod at nakikinig lang sa pagtatalo namin.

She smirked. “Nakuha mo pa talaga akong pangaralan. Alam mo isa ka pa rin, eh. Kunwari mabait ka sa kay Shanielle. Pero ang totoo nanabotahe ka rin.”

Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Dessa. Hinila niya ang kamay ni Dwayne para umalis.

“Teka lang, bakit nagmamadali ka naman yatang umalis?”pigil ni Rose sa kanila. “Wait there's more.”

“Baliw ka na!”

“Mas baliw ka, Dessa. Mas masahol ka pa rin sa'ken. Desperada!” isang sampal ang binigay niya. “Kung hindi ko pa alam na nagmakaawa ka kay Dwayne.”

“R-Rose,” anas niya, tila pinipigilan niya itong magsalita. At unti-unting namuo ang kanyang mga luha at para bang may kinatatakutan siyang malaman namin.

Hindi nagpapigil si Rose sa kabila ng pagmamakaawa ni Dessa—na halos lumuhod na. “Nagmakaawa ka kay Dwayne, di ba? Sinabi mo sa kanya na 'wag n'yang tanggapin ang pagtatapat ni Shanielle. Pinigilan mo s'ya kahit alam mong may gusto siyang ibang babae. At hindi ikaw na kababata niya. Sabihin mo nga sa akin kung sino ang dapat magsalita dito at hindi. Galit ka rin sa kanya or I rather said na pinaplastik mo lang din si Shanielle.”

“Sinungaling ka!”

“Wag kang tanga! Hindi ikaw ang mahal ni Dwayne. Alam mo 'yan. Inagaw mo ang dapat para kay Shanielle. Siya ang mahal ni Dwayne at hindi ikaw. Ouch!”

“You bit*h!,” galit na galit na sigaw ni Dessa. Sinugod niya si Rose, sinampal at sinabunutan. Halos hindi na nami sila mapigilan. Nang mapaghiwalay namin sila ay kapwa sila walang imik na inayos ang mga sarili.

Bumaling si Rose kay Dwayne, “You're welcome, Dwayne. Ginawan kita ng pabor, torpe.” malandi niyang turan.

“I hate you, Shanielle. I hate the both of you.” Dessa, yelled. And then run away.

Binalewala niya si Dessa at sa halip ako ang pinagtuunan ng pansin. “The question is... do you love Dwayne, too? Ay hindi pala kailan mo iiwan si Ranz?”

Nanlalaki ang mga matang
Hindi ko akalain na sa akin mabubunton ang sisi. Akala ko ba ang sabi ni Rose hindi daw niya ako sisisihin. Walang dapat sisihin. Dahil katulad niya, hindi ko rin hawak ang puso ni Kuya Yordan. Hindi ko siya mapipilit sa kung sino ang gustuhin niya.

“Shanielle?” tinig ng pamilyar na boses.

Naramdaman ko ang paghila ni Ranz sa kamay ko. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at hindi iyon pinansin. Nagtagumpay naman siya na pahintuin ako. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para iharap ako sa kanya. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

‘Mahal ako ni Dwayne.’ paulit-ulit na naghuhumiyaw ang maliit na tinig sa utak ko. Yung tipong gusto kong magtatalon sa tuwa.

Pero iba ang sinasabi ng mga konsensiya ko. ‘Si Ranz,  paano si Ranz?’

“Listen to me, Shanielle. Are you going to choose him over me?”

“H-Hindi ko… alam...” naguguluhang sabi ko. Sa totoo lang hindi nasisink-in sa utak ang mga tanong niya.

“Hindi pwedeng hindi mo alam.”

“Naguguluhan ako, Ranz.”

“Pero kung talagang mahal mo ako. Hindi ka maguguluhan. Hindi ka magdadalawang isip. Ako ang boyfriend mo, wala dapat ibang laman ang puso mo. Kundi ako. Kung mahalaga ako sa'yo. Walang kwenta ang mga pagtatapat ni Rose na mahal ka ni Dwayne... nang gagong 'yon.” he pulled his hair, na tila nahihirapan.

A words came out from my mouth. “Let's break-up,”

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Magulo ang isip ko. Nanlalabo ang mga matang tiningnan ko siya.

Bumuga siya nang hangin at, “I'll gave you time to think.” hindi binibitaw ang mga mata sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya humakbang palayo.

“Ranz, I'm serious.” my word has a finality.

Ilang linggo na akong hindi kinakausap ni Ranz. Tinutoo niya ang sabi niya na bibigyan niya ako ng oras. Walang text. Walang tawag. May mga sandaling namimiss ko siya. Ngunit gusto kong alamin sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

“Ihahatid na kita,”

Paglingon ko ng bumilis ang pagtibok ng puso ko. “D-Dwayne!”

Kapag nakakasalubong ko si Dessa, titigan niya lang ako. At pagkatapos ay iiling siya at matalim na titingin sa akin. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko magawa.

“Sige, aalis na ko,” paalam ko.

Nahagip niya ang kamay ko kaya naman natigilan ako sa paghakbang.

“Let's us at least talk, please.”

“Wala tayong dapat na pag-usapan.”

“We broke up!” aniya. Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko siya. Walang tigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. “Hindi ko kaya na lokohin pa ang sarili ko. Lalo na ang nararamdaman ko. Ikaw ang mahal ko.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “Mali 'to,” tumalikod ako.

Yinakap niya ako mula sa likod ko. “Shanielle, I love you. Maniwala ka naman.”

Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. “Bakit ngayon lang?” hindi ko mapigilan ang magtono ng panunumbat.

Naalala ko ang araw na gusto ko nang magtapat sa kanya. Pero inunahan niya ako dahil may iba siyang gusto. Hindi niya alam kung anong pinagdaanan ko. Kung gaano kasakit ang malaman na ang bestfriend ko ang gusto niya. Tapos ngayon ay guguluhin niya ang utak ko.

“Hindi na mababago ang isip ko. Manliligaw ako sa'yo. Kahit na hindi ka pumayag. Ipapakita ko sa'yo na mahal kita.”

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now