LH12

1.6K 36 0
                                    

Chapter 12:
Save your mercy

“Insecure talaga 'yang Marga sa beauty mo, bes” saad ni Abby.

“Sus, maganda din naman si Marga. Kaya may K siyang magtaray.” masungit naman na sabi ni Rose.

Umingos si Dessa. “Saan banda? Kung hindi siya mag-ingat-ingat sa pagsasalita ng masama sa'yo, Bes. Baka mamaya malunok na lang niya ang taling niya.”

Mula sa kung saan ay dumating sina Marga—kasama ang mga alipores niya. Pinagtaasan niya kami ng kilay. Nameywang pa siya sa harapan namin.

“Mga tsismosa din kayo, no?” ani Marga.

“Baka naman naiingit sa ganda mo, Marga. 'Yung isa kasi dyan ampalaya. Ang lakas ng loob na sabihin kina Traver at Dwayne na i-nomate siya. Wala namang may gusto sa kanya.”

Naglapitan ang mga kaklase namin sa amin.

Dinuro ni Dessa ang kasama ni Marga. “Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo. Si Shanielle? Maiinggit kay Marga? Kung ganyang itsura lang din naman hindi 'yan kinaiingitan.” pinasadahan niya ng tingin si Marga mula ulo hanggang paa. “...isinusuka 'yan.”

Hindi naman inaasahan ang pagdapo ng mga palad ni Marga sa pisngi ni Dessa.

Mabilis na dinaluhan namin si Dessa. Habang sapo niya ang kanyang pisngi na bahagya ng namumula. Pumagitna si Abby at nagsalita nang, “Wala namang sampalan.”

“Bakit gusto mo din ba?” mataray na tanong ni Marga.

Buong akala ko ay aawat din si Abby. Nagulat na lang kami ng bigla niyang hilahin ang buhok ni Marga. Sumigaw ang huli at pilit kumawala sa pagkakasabunot sa kanya.

Pilit kong inawat si Abby. Baka makarating pa ito sa principal's office. At pag nagkataon, pare-pareho kaming mananagot. Ngunit sa halip na maawat ko sila ay may humablot sa akin palayo. Sinabunutan din ako ng isa sa mga kaibigan ni Marga. Hindi ako makaganti dahil mas malaki siya sa akin.

Sa sulok naman ng aking mga mata. Nakita kong itinulak ni Dessa ang isa. At kinubabawan niya ito at pinagsasampal.

Hindi malaman ni Rose at Janine, kung sino ang unang aawatin. Nagkarambola na sa loob ng classroom. Naririnig ko ang malakas na hiyawan ng mga kaklase ko. Imbes na awatin nila kami. Eh, mukhang pinagpupustahan na yata kami.

Nasasaktan na ako kaya naman lumaban na din ako. Hindi ako papayag na madehado ako. Pilit kong inaabot ang mukha ng sumasabunot sa akin. Mabilis naman niyang naipapaling ang mukha niya paiwas.

“Bitiwan mo ako, ano ba?” anas ko.

Sa wakas ay naabot ko din ang mukha niya. Nakalmot ko siya sa may mata. Awtomatikong nabitawan niya ako. Kahit kinakabahan na baka malala ang pagkalmot ko. Nilapitan ko si Abby at nag-isip ako kung paano ko sila matutulungan. Si Dessa naman ay mukhang kaya naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Hindi naman pwedeng ang kaibigan ko ang hawakan ko. Baka lalo ko lang mabigyan ng pagkakataon si Marga na saktan siya. Kaya naman ubod lakas ang ginawa kong paghila kay Marga. Hindi ko naman akalain na sa blouse pala niya ko siya nahawakan. Napunit ito at natanggal ang butones ng damit niya.

Lahat kami ay natigilan sa nangyaring iyon. Nakita ko na lang na naghubad ng polo si Ranz at pinangtakip kay Marga. Para wag makita ang bra nito. Nag-umpisa na siyang umiyak sa bisig ng binata.

“H-hindi ko sinasadya na ipahiya siya. Gusto ko lang naman na b-bitawan niya si A-Abby.” paliwanag ko.

Ngunit tiningnan lang ako ng masama ni Ranz.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now