LH33

1K 26 0
                                    

Chapter 33
Bagong Alalay

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit mula sa away ni Yumi at Rose ay nauwi kami sa pag-uusap tungkol sa pagiging malapit ko sa mga kaibigan niya. Matagal ko na namang alam na away niyang lumalapit ako kina Dwayne at Traver. Pero akala ko kasi ay ayos na dahil hindi na siya nagbubukas ng topic tungkol duon.

Sunod na sumagi sa isip ko ang isa pang problema. Malaki pa rin ang tiwala ko na hindi totoo ang hinala ni Rose. Ngunit nasorpresa ako pagdating ko sa bahay namin.

“Anong ginagawa mo dito?” inis na sigaw ko. Prenteng nakaupo siya sa sofa namin. Nakangiti pa siya sa akin kahit na galit na galit ako.

“Hi,”

Mahigpit na hinawakan ko siya sa kanyang braso. At kinaladkad ko siya palabas ng pintuan. “Umalis ka na! Hindi ka welcome dito.” ngayon lang ako naging kalupit sa tanang buhay ko. “Ang kapal din naman ng mukha mo na magpakita dito.”

“Shane, anong ginagawa mo kay Yumi?” sigaw ni kuya. Hinila niya ang babaeng iyon at itinago sa kanyang likuran.

“Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?” mariing balik tanong ko sa kanya.

“Bisita ko siya, Shane. 'Wag mo namang bastusin.” sigaw ni Kuya.

Napanganga ako sa kanya habang nag-uumpisa ng mangilid ang mga luha ko. Never in my entire life na nakita ko siyang ganito sa akin. Kahit na sinisigawan niya ako kapag nagagalit siya. Hindi naman ganito katindi na halos pagbuhatan na niya ako ng kamay. Unti-unti akong umatras palayo sa kanya.

“Yordan, please... calm down. Hindi maayos ang lahat ng 'to kung magagalit ka. Tsaka hindi naman ako nasaktan. Okay lang.” ani Yumi.

Trying to impress me, huh?! Ngunit hindi na mababawi ang desisyon ko.

Lumapit sa akin si kuya, “S-Shane... sorry,”

Umiling ako habang patuloy sa pag-atras. “N-no, kuya. Ilang beses ko ng narinig ang sorry mo. But it seems you're not really mean it. Hindi na ako naniniwala sa'yo.” tuluyan na din naputol ang pisi ng pagtitimpi ko. “Anong meron sa Yumi na 'yan para talikuran mo ang kaibigan ko? Pati na din ako na kapatid mo. Kuya naman... Hindi na kita kilala.”

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Akala ko ay magkakaayos na rin kami ni Kuya pero lalo lang yatang lumala.

Kahit na anong pagkatok ang ginawa ni Kuya ay hindi ko siya pinagbuksan. “Nahihiya ako sa ginawa mo.” bulyaw ko sa kanya. “Ipinagtanggol kita tapos... tapos ganito.”

“Shan,” tawag mula sa likod ko.

----

Lumingon ako at nakita ko ang tatlo kong bestfriend. Nakaramdam ako ng lungkot ng makitang wala siya duon.

“Kayo pala,” alanganing saad ko.

Iniligpit ko ang mga gamit ko. At umayos ako ng pag-upo. Binangga ni Abby ang balikat ko. “Mukhang hindi yata kayo magkasama ni Ranz. Lagi na kitang dito nakikita na nagtatambay.” nakangising aniya.

“Ikaw naman, Abby, kung anu-ano na lang ang sinasabi mo.” si Dessa. Hindi na kami ganuon kaclose katulad ng una ko siyang makilala. Medyo aloof na siya sa akin. “Shan, di ba, mananahi ang mama mo?” tumango ako. “Balak kasi namin na sa kanya niya lang magpatahi ng susuotin para sa prom.”

“Para libre kami,” bulalas ni Abby sabay tawa.

Siko ang tinamo niya sa katabing si Dessa. At nahihiyang ngumiti naman si Janine sa akin.

“Oo naman,”

Weekend sila nagpunta sa bahay namin. First time din silang makakapunta dito kaya medyo aligaga ako.

“Hindi makakasama si Rose kasi sabi niya bibili na lang daw s'ya.” malungkot na paliwanag ni Janine.

Pinilit kong ngumiti at hindi na lang ako nagsalita. Iyon naman talaga ang inaasahan ko. Nandito si Kuya kaya naman iiwas siya. Pero kapag walang pasok ay wala din siya sa bahay.

“Anak, andyan na ba ang mga kaibigan mo?” sigaw ni Mama mula sa kanyang kwarto.

“Opo, Ma.”

Mas masaya sana kung kumpleto kami. Hinihiling ko na sana ay nandito si Rose. Pero alam ko na hindi pa rin talaga niya kaya. Hihintayin ko na maging okay siya. Hindi naman nagtagal at sinukatan na sila ni Mama. Pagkatapos nuon ay nagmeryenda. Sandaling nagkwentuhan lang kami at umalis na din sila.

-----

“Ranz...”

“Let me help you,” aniya.

“Huh!?” nakakunot ang tanong ko. Saan naman niya ako tutulungan?

Hindi siya nagsalita at inagaw niya mula sa balikat ko ang bag ko. Sa totoo lang ay nakakatulong talaga iyon para madivert ang isip ko sa pag-iisip ng mga problema ko.

“Ran—,”

Ngumisi lang siya sa akin at tsaka nagpatiunang maglakad. Weird. Sinadya ba niyang hintayin ako sa gate para lang ipagdala ng gamit. Araw-araw ay ganuon ang ginagawa niya. Kahit na lilipat lang kami ng classroom.

“Mukhang ay bago kang alalay,” nakatawang sabi ni Dwayne.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. “Shhh... baka marinig ka ni Ranz.” saway ko sa kanya..

“Ouch! Nagseselos ako.” lumabi lang ako sa kanya. “Bingi 'yan,”

Ngunit bigla na lang lumingon si Ranz. Nagpakawala ako ng pekeng ngiti tsaka kumaway sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Dwayne. Bago tumalikod at muling humakbang.

“Ikaw kasi,”

Hindi lang ako ang napansin sa mga ikinikilos ni Ranz, pati na din ang mga kaibigan ko. “It's good to see na nagbago na ang isip mo.” isang araw ay sabi ni Dessa, natutuwa. “At si Ranz ang pinili mo.”

“Anong pinili?”

“Nanliligaw siya sa'yo, di ba? He's better to choose than the playboy.”

Hindi ko na itinama ang mga maling akala niya. Napapagod na din naman ako sa pagtatama. Hindi lang naman silang mga kaibigan ko ang nagtatanong ng bagay na iyon. Maging ang mga taong hindi ko naman kilala. Mostly ay ang mga fans nina Ranz.

Tinigilan ko na ang pagpunta sa lugar kung saan kami madalas magkita ni Ranz. Marami na din kasi akong naririnig na bulung-bulungan. Hindi naman ako apektado sa mga paratang nila dahil hindi naman totoo. Pero hindi naman ako santo para hindi masaktan kapag naririnig kong mababang uri ako ng babae.

“Inggit lang ang mga 'yan,” ani Dwayne.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon