LH2

3.1K 57 0
                                    

Chapter 2:
Madamot

HINDI ko napaghandaan ang unang araw ng klase. Wala akong makitang papel. Natataranta ako na naghalukay sa bag ko. Nanghihinang napabuntong-hininga ako. Naalala ko na kasi na hindi ko nga pala nailagay sa bag ko kagabi. Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Biglaan akong tinawag ni Mama. Pinatong ko na lang basta sa side table. At pagbalik ko sa kwarto nawaglit na sa isip ko.

Sa lahat ba naman ng makakalimutan ko. Bakit kailangang papel pa? At bakit ngayon pa naisipan ng teacher namin na magpasulat ng pangalan ng mga estudyante. Gagamitin daw nito ang mga pangalan na isunulat namin sa one fourth sheet of paper para sa recitation. Minus the introduction of ourselves.

Wala pa naman akong kakilala na pwede kong hingian. Nagpalinga-linga ako at isa lang ang nakita ng aking mga mata. Wala akong pagpipilian kundi humingi muli ng tulong sa katabi ko. Tinulungan na din naman niya ako kanina. Baka ngayon matulungan niya ulit ako. Siguro naman hindi na kalabisan ang isa pang tulong.

Nagbilang muna ako ng isa hanggang sampu. Matapos ang pagbibilang na ginawa ko. Iginalaw ko ang aking daliri, upang kalabitin ang katabi ko. Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Lalo lang akong kinabahan ng wala man lang kangiti-ngiti ang binata. Hindi yata uso dito ang pagngiti.

“P-pwede bang makahingi ng isang one fourth sheet?” lakas loob na sabi ko.

Hindi nagsalita si Ranz, kaya naman nagpatuloy ako sa pangungumbinsi. “Papalitan ko din bukas. Promise! Nakalimutan ko lang talaga.” turan ko ng walang preno. Hindi ko na nakuhang huminga—sa takot na baka hindi na ako mabigyan ng pagkakataong makapagsalita ulit. Natatakot ako sa mga tingin ng binata. Tila nakakapaso ang mga mata niya.

Sumulyap lang siya sa akin. Pagkatapos ay inilihis na niya ang kanyang mga mata. “Wala akong pakialam.”

Kanina lang ay mabuti ang pakikitungo niya dahil tinulungan nga niya ako. Tapos ngayon ay masungit siya. Kahit naiinis ako ay pinilit ko na maging mabait sa harapan niya.

“Please...”

“No way,” matigas na sabi niya.

“Pretty please.” pakiusap ko pa rin. Pinagtapat ko pa ang dalawang palad ko, malapit sa dibdib ko. Nabalot ng pagkataranta ang sarili ko. Nang magpasa na ang ibang mga kaklase namin. Ayaw ko naman na makagalitan ako sa unang araw ng klase.

“Psh,” he hissed.

The girl sitting at the back answered. “Hindi ba alam ng mga magulang mo na nagpapaaral sila?” mataray na tanong niya.

Nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang pagtataas ng kanyang kilay. Isa siguro siya sa mga fans ni Ranz.

“Alam,” painosenteng sagot ko.

“Ganon naman pala, eh. Bakit hindi nila alam na dapat ka nilang bilhan ng papel.”

“Oh my gosh! She's a poor pala, hindi siya bagay ditong mag-aral.” komento naman ng babaeng katabi niya. Na halos naghuhumiyaw ang kaitiman ng mga mata. Dahil sa kapal ng eyeliner niya.

“Bakit ba tumatanggap ng mahihirap ang school na ito? Nakakasira ng image ng mga Sunico ang mga poorita na 'yan.” komento naman ng isa pa. Maiksi ang buhok niya at may kulay. Na sigurado akong hair-dye lang. Makapal din ang eyeliner niya. Kapag tumayo siya ay nahuhulaan ko na din na aabot lang siya hanggang sa aking balikat. Parehas din siya ng kaibigan niya na malaki ang bibig.

“What's the commotion in there?” natuon ang mga mata naming lahat ng dumagundong ang tinig ni Ma'am. At ngayon nga ay nasa amin ang mga matatalim na tingin niya. “Kung tapos na kayo, ipasa n'yo na ang papel na hawak n'yo. Hindi 'yong nag-iingay pa kayo.”

“Yes, Ma'am.” sabay-sabay na sagot namin.

Umirap lang sa akin ang mga babaeng nasa likod ni Ranz. These are the girls that I surely know that I doesn't want to messed up with. Mukha silang mayayaman.

Nasaktan talaga ako sa mga sinabi nila. Ngunit para makaiwas ng gulo ay hindi ko na lang sila nagsalita. Baka makakuha na talaga ako ng sobrang atensiyon.

Sa sobrang inis ko, iyong Ranz ang aking pinagbalingan. “Ang damot para isa lang naman,” bulong ko.

Eksakto naman na tumingin siya sa gawi ko. He smirked at me. Lalong nag-usok ang bumbunan ko. Kung ganito lang pala ang ugali niya. Sana pala hindi na lang ako pumayag na tumabi sa kanya.

Kanina hindi ko alam na same section lang pala kami. At hindi pa duon natapos ang lahat. Nagulat ako ng duon din siya umupo sa tabi ko.

“Stop arguing with them.” anang isang baritonong tinig. Nahagip ng paningin ko ang paglapag niya ng papel sa desk ko.

Ngumiti siya bago tumalikod. Hindi ko maiwasang mapukaw ang interes ko sa kanya. Hindi lang siya gwapo kundi mabait pa. Mukhang hindi naman magiging masalimuot ang buong taon ko sa university na ito.

Nanunuod lang ako sa mga kaklase ko na nagkakagulo. Sinusulit siguro nang mga ito ang ilang buwan na hindi sila nagkita-kita. Pinagbigyan naman sila ni Mrs. Alcantara—guro namin sa Physics. Pero sa mga susunod na araw. Nakakatiyak ang bawat isa na puspusan na ang pag-aaral na gagawin namin.

Bukod tanging ako lang ang tahimik. Wala akong balak na tumayo at makipagkaibigan. Ayokong mapahiya na naman. Nagulat na lang ako ng mag-usap ang gwapong nagbigay sa akin ng papel at si Ranz. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay. Natapos din ang aming huling klase sa umaga. Isa-isang tumayo ang mga kaklase ko.

Nakaligtas na nga ako sa pagpapakilala. Dahil 'yan ang pinaayaw ko tuwing pasukan. Ngunit hindi pala ako ligtas sa kamalasan. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi na ako lalapit pa sa Ranz Kyle Sunico na iyon. Hindi ko na gustong makabangga pa siya. Mas gusto ko ang tahimik na buhay. Magagawa ko lang iyon kung didistansiya ako mula sa kanya.

Bago pa tuluyang makalabas ang gwapo tumulong sa akin. Kinalabit ko siya, “Thank you. Ang bait mo naman, hindi katulad ng iba d'yan.” pasaring ko.

Ngunit paglingon ko wala ang pinariringgan ko sa aking tagiliran. Nasa may pintuan na pala si Ranz. At malayang nakalusot sa mga nag-uunahang mga kaklase namin.

“You're welcome,”

Nakakabighani ang kanyang ngiti. Kailangan ko pang ipilig ang aking ulo para burahin ang naglalaro sa isip ko.

“Hi, babes...” anang isang tinig ng lalaki. Sa tabi ng lalaking nagligtas sa akin sa muntik ko ng kahihiyan.

Hindi ko pinansin dahil hindi ko nagustuhan ang pagbati niya. He looks so damn playboy. Hindi ako madadaanan sa mga ngiti niya at style niya ng pagpapacute niya sa mga babae. Ngunit hindi ko maitatanggi sa aking sarili na gwapo siya. Medyo mayabang at may pagkabastos.

“Spare her, Dwyane. Bago lang s'ya dito at hindi n'ya alam kung paano ka maglaro sa mga babae.”

Humakbang palapit sa akin ang tinawag na Dwayne. At inilahad ang kanyang palad. “Then, let her know. Tutulungan ko s'ya. Di ba, babe?”

Namula ang aking pisngi. Kanina pa niya ako tinatawag na babes. At naiilang ako, lalo pa at tila may malisya ang bawat haplos ng kanyang tingin. Nanatiling nakamasid lang ako sa kanyang kamay. Pinag-isipan ko kung tatanggapin ko ba iyon.

Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay, “I'm S-Shanielle.”

Lalong lumapad ang pagkakangisi niya. “Dwayne, at your service.”

Nang sandaling nagdaop ang aming mga palad ay hindi ko maintindihan ang nangyari sa aking katawan. Tila may dumaloy na kuryente duon. At hindi ko alam kung anong bagay ang sumipa sa loob ng aking dibdib.

“Wag mong intindihin ang mga sinasabi ng gagong 'to.”

“Traver, wag mo namang takutin. Baka layuan ako. I'm just trying to be friend.”

“Friend your ass,” at hinila si Dwayne.

Naiwan akong nakatitig lang sa inalisan nila.

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora