LH4

2.4K 46 0
                                    

Chapter 4:
Crush

NABAGO na ang seating arrangement ng first subject namin. Sa left side ang mga lalaki at nasa right side naman ang mga babae. Kaya naman laking pasasalamat ko. Dahil hindi ko na makakatabi ang kinaiinisan kong lalaki. Magkatabi kami ni Dessa dahil magkasunod lang ang initial ng apelyido namin. Sina Rose at Janine naman ay magkatabi sa likuran.

“Mabuti na lang at tayo ang magkatabi, Bes.” ani Dessa. At tulad ng inaasahan ay yumakap na naman siya sa aking braso.

Nahihiya naman ako kung aalisin ko ito. Alam kong ma-oofend siya at iisipin niya na ayaw kong maging kaibigan siya. Kaya naman hinayaan ko na lang iyon at napipilitang ngumiti na lang. “Buti na nga lang talaga.” pagsang-ayon ko pa.

Wala sa loob na napalingon ako sa kinauupuan nina Ranz. At hindi sinasadyang nagtama ang aming mga mata. Naramdaman ko ring nag-init ang aking pisngi. Hindi man lang siya ngumiti sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Samantalang kahapon ay binigyan niya ako ng tubig. Naalala ko na hindi naman naubos iyon. Itatapon ko na nga sana. Ngunit mas pinili niya ko na itago sa loob ng kwarto ko.

Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong kumakaway sa akin si Traver. Hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang kinakawayan niya. Kaya naman binalewala ko na lang. Ngumisi ang katabi niya na si Dwayne. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Wala akong ideya kung bakit nahihiya akong tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Ngunit sa kabila nuon ay lihim ko siyang napagmasdan. Hindi yata mabura-bura ang kanyang mga ngiti. May eyeliner din siya na lalong nagpaangas ng dating niya. May kung anong banyagang pakiramdam ang kumislot sa dibdib ko. Kasunod ay ang pamumula ng aking pisngi. Mabilis ang ginawa kong pagpihit ng pagkakaupo pauna. Ilang beses din akong napalunok para kalmahin ang sarili ko.

May bumubulong sa isip na muli akong lumingon. Kaya naman iyon ang ginawa ko. Nahuli ko na nakatingin pa pala si Ranz. Tumaas ang sulok ng labi niya, na akala mo ay may sasabihin. Ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akon mula sa malayo.

“Sinong tinitingnan mo sa likod?” tanong ni Dessa.

Napatingin ako sa kanya. Matagal bago ko nakuhang sumagot. “W-wala.”

Inikot niya ang kanyang sariling katawan para tumingin sa direksyon, kung saan ako nakatingin kanina. Nakita niya ang pagkukulitan nina Traver at Dwayne. Pinandilatan pa niya ng mga mata ang huli. Nagpalipad naman ng halik sa hangin ang binata. Umingos muna siya bago ibinalik ang tingin sa akin.

“Ayos lang kung si Ranz ang tinitingnan mo. Pwede na din naman si Traver. Pero wag na wag kang magkakacrush dun sa hapon na 'yon.”

Kumunot ang noo ko. Ngunit nakuha ko naman kaagad kung sinu-sino ang mga tinutukoy niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Mabuti na din iyon dahil magkakaroon ako ng ideya kung sino ang mga dapat kung layuan. At kaibiganin kung sakali.

“Kung alam ko lang na dito sa section na 'to mapupunta ang lalaking 'yan. Hindi na sana ako nagpalate nung enrollment.” inis na inis na sabi niya.

“Bakit naman?”

“Bwisit 'yan sa buhay ko. Alam mo ba simula ng lumipat ang pamilya ni Dwayne sa baranggay namin.” sandali siyang tumigil at nag-isip. “Grade three yata ako nun. Wala ng araw na hindi ako nabubwisit sa pang-aasar ng lalaking 'yan.” halos umusok na ang kanyang ilong.

“Eh, bakit ka nga ba nalate nang pagpapaenroll?”

Natahimik siya bigla at parang may iniiwasan. Mayamaya ay iniba niya ang usapan. “Nagtataka lang ako kung bakit napunta sa section E, si Ranz. Samantalang dapat na nasa higher section ngayon.”

“Baka naman nagpalate din s'ya sa pagpapaenroll.”

“Hindi naman 'yan nahihirapan na katulad naten. Syempre yung mga teacher na ang nag-aasikaso ng pagpapa-enroll niya.”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now