LH9

1.8K 37 2
                                    

Chapter 9:
Loverboy

“Ang kapal talaga ng mukha nang Dwayne na 'yan. Inimbita talaga niya ang sarili niya. At nagsama pa talaga ng dalawang asungot. Hindi na nahiya.” himutok ni Dessa. Halos maglabas na nang baga ang kanyang mga mata.

Inilipat ko ang tingin ko kina Ranz at Traver. Inaasikaso sila ni Abby at Rose na parang isang importanteng panauhin. Kulang na lang ay subuan nila ang mga ito. Sa isang sulok naman ay tahimik si Janine. Hawak na naman niya ang kanyang cellphone.

“Hayaan mo na! Masaya naman, di ba?” natatawang sabi ko. “Parang celebration na din 'to ng pagkakakilala nating lahat.”

Iginala namin ang aming paningin sa mga kasama namin. Hindi ko napigilan na Pinahiran ni Dwayne nang icing—sina Traver at Ranz—mula sa cake. Halatang mukhang napikon ang mga kaibigan niya sa kanyang ginawa. Naghabulan pa nga ang tatlo.

Umismid si Dessa, “Papansin talaga 'yang hapon na 'yan.”

“Ikaw naman. Bakit ba gigil na gigil ka dun sa tao?” tanong ko. Nilingon ko siya at tinitigan na tila may malisya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang dahilan kung bakit naiinis siya sa binata. Ngunit gusto ko pa rin na dugsungan niya ang impormasyon na binigay niya.

Mabilis naman na naibalik niya ang tanong sa akin. “Bakit ba aliw na aliw ka sa lalaking 'yon? Siguro napo-fall ka na sa kanya, noh?”

Ngumiti lang ako sa kanya at bago ko pa masagot ang tanong niya. Nasa tabi na namin si Dwayne. Pinahiran niya ako ng icing sa tungki ng ilong ko. Sa halip na magalit ay ngumiti lang ako sa kanya.

Kapagkuwan ay inakbayan niya si Dessa para hindi ako makapalag. “Napo-fall ka na sa'ken, Corona?” tukso niya.

Nilapit pa niya ang kanyang mukha sa mukha ni Dessa. Halos magdikit na ang mga ilong nilang dalawa.

Unti-unting napawi ang aking mga ngiti habang pinapanood silang dalawa. Pakiramdam ko ay ako ang hindi makahinga. Mistulang may dumagan na mabigat sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng selos.

“Sorry,” dahan-dahang bigkas ni Dwayne kay Dessa. “hindi kita type. Hindi ako pumapatol sa tibo.” anitong humalakhak pa.

Kung gaano kabilis na lumabas sa bibig ni Dwayne ang mga salitang iyon ay siya ring bilis na lumipad ang kamay ni Dessa sa tiyan ng binata. Halos masuka naman ang una. Sa lakas ng pagsuntok ni Dessa.

Dinaluhan ko ang nakangiwing si Dwayne na nakahawak sa sariling tiyan. “Okay ka lang?” nag-aalang tanong ko sa kanya.

Pilit ang ngiting ibinigay niya sa akin. Napakamot pa ang isang kamay niya sa kanyang ulo. “Mukhang si Corona yata ang dapat mong tanungin n'yan.” mayabang na sambit niya. “Sa tigas ng abs ko para lang siyang sumuntok sa bakal.”

“Tse!” pagsusungit naman ni Dessa at hinila niya ako paglayo. “Bes, lumayo ka sa lalaking 'yan. Hindi maganda na lagi kang dumidikit sa kanya.”

Mayamaya ay tinawag si Dessa ng kanyang mama. Mabait ang ginang at palakwento din katulad ni Dessa. Alam ko na ngayon kung saan siya nagmana.

Muling lumapit sa akin si Dwayne at ang puso ko ay nagpupumiglas na naman. May dinukot siya sa kanyang bulsa at binasa iyon ng tubig galing babasagin na baso. Hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Napapitlag ako ng maramdaman ko ang malamig na dumampi sa tungki ng aking ilong.

Hindi nawawala ang kanyang ngiti. “May icing ka,”

Nahihiyang gumanti ako ng ngiti sa kanya. Langhap ko ang pabangong nasa kanyang panyo. Pinigilan ko ang aking sarili na pumikit. Bakit ba sobrang naaapektuhan ako ng ginagawa ni Dwayne?

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now