LH28

1.1K 24 0
                                    

Chapter 28:
Maldita

KAHIT na sumapit na ang araw ng Sabado ay hindi mawala-wala ang ngiti ko. May pabaon pa kasing kilig si Dwayne. Hindi lang ako nabusog sa dinala niyang pagkain. Pati na din dun sa pagpapatawa niya.

“Mukhang masaya ka yata, Shane.” sabi ni Kuya ng nakasalubong ko siya. Papunta siya sa kanyang kwarto tapos ako naman ay pababa sa kusina.

Hindi nawala ang ngiti ko ngunit hindi ko siya tinugon. Kitang-kita ko kung paano nagliwag ang mukha ni Kuya. He felts hope because of my gesture. Lumampas ako sa kanya. Unti-unti ko na namang natutunan na patawarin siya. At madali naman na gawin iyon dahil kuya ko siya. Hangad niya na maturuan akong lumimot sana pero 'yon nga lang tinulungan niya ako sa maling paraan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagngiti nang biglang nag-eskandalo ang cellphone ko. Nagtaka ako dahil first time na tumawag si Traver sa akin. Malilintikan siya sa akin kung hindi naman importante ang dahilan ng kanyang pang-iistorbo niya.

“What's wrong?”

Matagal bago siya nakasagot at narinig ko siyang umubo. A weak voice answered on the other line. Hindi ko maiwasan na mag-alala.

“You're sick,”

Muli siyang umubo at hindi man lang nasagot ang tanong ko. “Sinong kasama mo?”

Sunod-sunod na naman na pag-ubo ang isinagot niya. Hindi na ako nag-isip pa at tumakbo na ako palabas ng bahay namin.

“S-Shan,” gulat na tanong ng nakasalubong ko.

Binalikan ko siya at kinaladkad papasok sa ng taxi—tyempo na hindi pa umaalis ang sinakyan niya. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay sa akin.

“San ba tayo pupunta?”

“Ikaw san ka pupunta?” balik-tanong ko sa kanya.

“Pupunta ako sa inyo. Makikipagkwentuhan sana ako sa'yo. Tsaka gusto kong makita si Kuya Yordan.” paseksi ang bigkas niya sa pangalan ni Kuya.

Inirapan ko siya. Ang galing niyang mang-asar, grabe. Alam ko na gusto lang niyang may maikwento din sa klase para naman iparinig kay Rose.

Pagdating sa bahay nina Traver, I slammed the door. Nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa loob. Wala man lang akong naririnig o nakikita na kasambahay. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko.

“Bukas ang pinto, Shan.” ani Abby. Nakita kong pinihit niya ang doorknob.

Umawang ang pinto at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng habang hinihila ko si Abby. Binuksan ko lahat ng pintuan dahil hindi ko alam kung saan ba ang kwarto ni Traver. Hindi ko pinapansin ang pag- iingay ni Abby.

“Traver, anong nangyari. Asan ang mga kasama mo dito?”

Nagulat siya ng makita kaming dalawa ni Abby. Ngpumilit pa siyang makatayo. Kaya naman lumapit kaming dalawa ni Abby at inalalayan siya na makasandal sa headboard. “O-out of the coun... try ang p-parents ko. Tapos ang... mga kasambahay p-pinag day-off ko.” dumaing siya pagkatapos at humawak pa sa kanyang ulo.

“Ang init mo,”

Tumayo si Abby at nagpaalam, “Kukuha lang ako ng warm water at bimpo.”

Tumango ako, gayundin si Traver at umasal ng pasasalamat kahit na hindi niya masyadong mabigkas. Kinuha ko ang upuan sa may study table niya at pinwesto malapit sa kama niya.

“Kailan ka pa nilalagnat?”

“Paggising ko kanina,”

“Ang tigas kasi ng ulo mo. Bakit ngayon mo pa pinaalis ang mga kasambahay nyo? Alam mo naman na wala ang mommy at daddy mo.”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now