LH51

1.2K 23 0
                                    

Chapter 51
Tamang oras

NANG SUMUNOD NA MGA ARAW, wala akong ibang kasama kundi si Dwayne. Hindi ko naman kasi siya maiwasan. Palagi siyang nakaabang sa labas nang room namin.

"Magdinner naman tayo? Nagpareserve na ako sa resto nina Mattheus."


Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Sa tuwing naiisip ko ang mga nunumbat na mga tingin ni Dessa. Hindi ko mapigilan na hindi masaktan.

"Ikaw na lang ang umorder." sabi ko nang makaupo kami.

Parating ganun kapag lumalabas kami. Siya ang hinahayaan ko na pumili. Hindi katulad kapag nagdi-date kami ni Ranz. Hindi pwedeng hindi ako ang pipili. Wala sa loob na napabuntong-hininga ako. Bakit ba lagi na lang si Ranz ang naiisip ko?

Dahil sa ginawa ko ay nakuha ko ang atensyon ni Dwayne. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. Sinuklian ko iyon ng isang hilaw na ngiti. Sandali siyang nagpaalam papunta sa men's room.


"Shanielle, it's you!"

"Hi," alanganing pagbati ko kay Traver. Pagkatapos ay inilipat ko ang tingin ko kay Abby.

"Hi," tipid na bati niya.

"Oh, c'mon! Abby, akala ko ba namimiss mo si Shanielle." ani Traver.

Noong una yata ay nahihiya pa si Abby. Ngunit mukhang ngiti lang ng kasama niya ang hinihintay niyang hudyat. At halos pahagis na itinapon niya ang kanyang sarili sa akin. Sa balikat ko siya umiyak habang mahigpit akong yakap-yakap.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'to? Sa halip na si Rose lang ang galit sa'yo. Pati si Dessa dinamay mo pa."

Malinaw na sa akin ang tinutukoy niya. Lagi kaming magkasama ni Dwayne. Halos hindi na nga ito humihiwalay sa akin. Hindi naman lihim sa kanila ang ginagawa nitong panliligaw. Tuloy ay lalong lumayo ang loob ng mga kaibigan ko sa akin.



Kumalas ako sa mga bisig ni Abby. "Mag-ayos na kasi kayo. Naiipit na ako sa pag-aaway n'yo." aniya.

"Ilang beses na akong lumapit sa kanila pero ayaw talaga nila akong kausapin."

"Hay! Sige na nga, tutulungan ko kayo. Kakausapin ko si Rose. Alam mo naman 'yon, may pagkatanga pagdating sa pag-ibig. Pero kahinaan pa rin niya ang mga kaibigan."

Napatawa na lang kami sa biro niya. "Salamat," nakangiti kong usal. Naalala niyang paupuin ang dalawa. Kanina pa silang nag-uusap pero nakatayo lang ang mga ito.

"Hindi na, hinihintay lang namin ang pinatake-out namin. Mabuti nga wala dito ang gagong si Matheus."

Kung nandito talaga iyon ay paniguradong riot.

"Hmmm... So, finally nagdi-date na din pala kayo." pag-uusisa ko.

"Hindi!"

"No!"

Magkasabay na pagtanggi ni Abby at Traver. Tinaas ko ang dalawang kilay ko. At pinaglapat ko ang mga labi ko. Ayokong may masabi akong hindi nila magugustuhan.

Unang nakabawi si Abby na hanggang ngayon ay namumula pa rin. Hindi pa rin pala nawawala ang espesyal na pagtanggo nito para sa binata. "M-may pinabibili lang si Chelsea. Nakisabay ako kay Traver, eksakto naman kasi na may pinabili si Papa."

"So, sinong kadate mo?"

"Ahmmm..."

"Ano ka ba naman, Traver. Don't state the obvious." binalingan ni Abby ang katabing lalaki. "Well, nasa C. R. ba?" balik na tanong niya sa akin.


Tumango lang ako.

Naging malikot ang mga mata ni Traver. "Alam mo ba ang balita?"

"Alin?"

"Pabitin ka naman, eh. Diretsuhin mo na. Baka dumating pa si Dwayne. Tapos hindi mo na masabi."

"Wag mo na nga akong guluhin, Abby. Lalo lang tayong nagtataggal dahil dyan sa reklamo mo."

Tumikhim ako para kuhanin ang kanilang atensyon.

"Sorry, Bes. 'To kasing si Traver." umingos pa siya katabi.

"Aalis na si Ranz. Habang nagpapatuloy siya nang pag-aaral. Iti-train siya kung paano i-handle ang University. Para handa siya para itake-over iyon after his graduation."


Nanlamig ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo.


"Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo. Masyadong matagal ang two years, Shanielle. At walang katiyakan kung babalik pa ba si Ranz."

Nang makabalik si Dwayne sa kinauupuan namin ay nagsalita ako. "I'm sorry,"

"For what?" naguguluhan niyang tanong.

Ginagap ko ang kamay niya at tinitigan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata. "Tigilan na naten 'to. Dwayne, I'm really sorry for saying this. But... I don't love you, anymore. Mas tamang sabihin na lumipas na ang pagkasguto ko sa'yo. I realized it now, na si Ranz ang mahal ko... at mamahalin. Sana mapatawad mo ako, Dwayne."

Buong akala ko ay magagalit siya sa akin. Pinaghanda ko ang masasakit na salita na ibabato niya sa akin. Iginiya niya ako patayo. "Don't be sorry. You didn't know how much you make me happy for being honest with what you really feel."

Nagkarerahan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko akalain na magiging ganito kadali ang pagtanggap niya. "D-Dwayne..."

"Shhh..." nilapat niya ang daliri niya sa labi ko. "Sige na, go and chase him." nakangiting pagtataboy niya.

Wala akong inaksayang panahon. Ngunit bago ako makahakbang ay hinila niya ako payakap. Nagbago na ba ang isip niya? Hindi na ba niya ako pakakawalan? Hindi ko na ba makikita si Ranz?

"Bumalik ka lang kapag naiwan ka. Nandito lang ako, sasaluhin kita. Paulit-ulit ka mang mahulog." madamdaming sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang paghalik. Nagtagal iyon ng ilang segundo. Tatalakan ko sana siya ngunit itinaboy niya ako. At biniro pa na kung hindi pa ako aalis ay mapipilitan siyang pigilan ako.

Paglabas ko ng resto, sakto na may napadaan na taxi. Nagpahatid ako sa airport dahil kung dadaan pa ko sa bahay nila. Baka wala akong maabutan.

"May hinahabol ba tayo, ineng?" nakangiting tanong ni Manong.

"Oho,"

"Akong bahala. May alam akong shorcut para makarating tayo ng mabilis."

Dala ang munting pag-asa ng mga sinabi ng taxi driver. Umasa ako. Ngunit kahit na gaano pa yata kabilis ang itakbo ng sasakyan niya. Kahit na gaano kaiksi ang shorcut na daanan ni Manong. Kapag tadhana ang nagtakda. Wala akong magagawa. Umiiyak na tinanaw ko na lang ang eroplano na nasa himpapawid.

"May inilaang tamang oras ang Dyos para sa inyo, ineng."

💓💓💓
©froggybean

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Where stories live. Discover now