Chapter 2

35.4K 1.1K 433
                                    

JULIA'S POV

Nandito na kami ngayon sa isang malaking table sa pinaka gilid ng canteen, sapat na para magkasya ang 20 katao kaya lahat kami mag kakaharap. Syempre katabi ko si Jc hehehe ang sama nga makatingin eh.

"Ano na naman insan? Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko kay Jc.

"Eh pa'no unang araw palang nakikipag-away ka na" parang nagtatampong sagot niya.

"Jc naman, ganun mo ba 'ko kamiss para magtampo ka?"

"Ikaw ah tigilan moko" sabi niya.

"Sabi ko nga hehehe peace" sabi ko sabay peace sign.

Umalis muna yung iba naming kasama para umorder ng kakainin namin kaya naman 14 nalang kaming nandito.

"Uhmm miss pwede magtanong?" Sabi nung isa naming kasama, kaya naman tinignan ko siya.

"Nagtatanong ka na nga eh" sabi ko sa kaniya.

'Pfftt' pag pipigil ng tawa nung iba.

"Hehehe joke lang, ano nga pala yung itatanong mo?"

"Gab diba?" Tanong niya sa pangalan ko. Tumango naman ako. "Bakit pala ganun nalang ang galit sayo ni Reynald?" Tanong niya, kaya napaisip ako.

"Reynald?" Tanong ko, tumango naman siya. "Yung mukang isda?" Tanong ko uli pero bigla nalang silang tumawa.

"Hahahahahahahahahahahaha" Eh? Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?

"Ba't kayo tumatawa?" Tanong ko sa kanila. Si insan syempre pinaka malakas tumawa.

"Eh kasi insan akala namin kami lang nakakapansin na muka siyang isda hahahahaha" tumatawang aniya, nakitawa naman ako.

"Oo nga insan, bakit ganun nalang ang galit sayo ni Reynald?" Tanong ni Jc.

"Ehh kase ano eh"

"Ano?"

"Naglalakad ako nun malapit sa gate, pupunta kase ako sa room niyo eh bigla nalang akong binunggo nung fish head nayun tapos sabi niya ako daw bumunggo sa kaniya, tanga ba siya? Nasaan ang hustisiya? Tapos tinatakot pa niya 'ko akala naman niya matatakot ako sa kaniya. Dapat nga susuntukin ako nung mayabang na fish head nayun eh buti nalang dumating si manong guard kaya ayun, yun na yun" maaksyong pag kukwento ko sakanila.

"Hahahahahaha" Eh? Ayun tumatawa na naman sila.

"Fish head pffftt bwahahaha" ahh dahil naman pala sa fish head eh. "Hahahaha" bigla din akong natawa dahil sa fish head haha.

Pero bigla din silang huminto tsaka tumingin sakin. Bigla namang nangunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi mo naman siya ginalit diba?" Tanong nung isa.

"Hehehe syempre kasama nayun" sagot ko.

"Sh*ttt" biglang sabi ni insan kaya sa kaniya naman ako napatingin.

"Bakit?" Tanong ko uli.

"Bakit mo siya ginalit? Hindi mo siya kilala. Pa'no kung balikan ka niya? Nila?" Bigla nalang silang sumeryoso. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala yung iba naming kasama kanina pa. Lahat sila ngayun nakatingin sakin.

"Ehh kase... Sino ba kase yun?" Tanong ko.

"Siya si Reynald---"

"Alam ko" pigil ko sa kaniya, sinamaan niya naman ako ng tingin. "Hehehe sige tuloy mo na" sabi ko kay insan.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon