Chapter 35

19.6K 766 122
                                    

Jules' POV

Anong sabi niya? Estar--what? Hindi ko naintindihan. Lumingon ako sa likod para makita si Ken Cedric, pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Sa'kin niya ba 'yon sinabi?

Tiningnan ko kung may suot siyang earphones o kahit ano pero wala akong nakita. Tsaka bakit sa 'kin siya nakatingin kung hindi niya sa 'kin pinaparating?

"Hoy"

Pero yung sinabi niya sa 'kin kanina, anong lenggwahe 'yon?

"Hoy!"

Kung naalala ko lang sana 'yung sinabi niya, pwede ko sanang i-search ang meaning n---.

"HOY!" bigla kong natulak yung babaeng kasama ko ng bigla niya kong sigawan malapit sa tenga ko. Nun ko lang namalayan na nakatulala na pala ko. Pagtingin ko sa katabi ko, nakaupo siya sa simento?

"S-sorry" sabi ko sabay offer ng kamay ko para sana tulungan siyang tumayo pero tumanggi siya. "Ayos ka l-lang ba?" Bakit ba 'ko nauutal?

"Tsk tsk tsk, ayos? Syempre noh" tapos bigla siyang tumayo at tiningnan ako ng masama. "Ikaw kaya itulak ko? Matuwa ka kaya?" Seryosong at malamig na sabi niya, bigla akong nakaramdam ng takot sa kaniya. Yung mata niya kasi, nakakatakot, parang nakita ko na yon kung saan. Tsaka yung boses niya, malayong malayo 'yon sa araw araw na naririnig ko, pero bakit parang narinig ko na yung malamig na boses na 'yon? Bakit.. pamilyar?

Bigla nalang niyang tinakpan ng dalawang kamay niya ang mata niya, pagbaba ng kamay niya bumalik na sa dati yung mata niya. Nakangiti na ulit siya.

"Ano yung binulong nung lalaki na 'yon sayo huh?" Nakangising tanong niya. Ang tulin naman magbago ng mood niya, kanina lang parang ang seryo-seryoso niya.

"Ah wala" sabi ko nalang sabay lakad pabalik sana sa room ng bigla niyang harangan ang daraanan ko.

"Meron eh.." Siguradong bulong niya. "Sabihin mo, bakla ka ba?"

"What the!"

"Hala ka, bakla ka nga? Tapos yung lalaki na yun kanina, wag mong sabihin na--" at dahil lumalawak na ang imahinasyon ng babae na 'to, inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Mali ang iniisip mo" seryosong sabi ko sa kaniya sabay tingin sa mata niya. Pero alam ko naman na hindi niya nakikita ang mata ko dahil sa salamin na suot ko.

"Hhmmm, kunwari ka pa. 'Wag kang mag-alala hindi ko pagkakalat" sabi niya sabay kindat.

*dub dug*

Kinindatan niya ko! Sh*t ang cute niya! Teka, sinabi ko ba talaga yun? Binabawi ko na!

Agad niya kong tinalikuran at nagpatiuna sa paglalakad. Feeling siga?

Gab's POV

Ang totoo niyan narinig ko naman talaga ang binulong nung lalaki na 'yon kay Shades kanina. Kabisadong kabisado ko pa nga yung paraan ng pagkakasabi at ang word na sinabi niya. Sadyang gusto ko lang pagtrip-an si Shades, wala kasi akong magawa.

Pagtalikod ko nagpatiuna agad ako sa daan, habang nakangiti. Nung kinindatan ko kasi siya, kitang kita ko ang reaksyon ng muka niya. Kinilig ata tsk.

Anong oras na ba? Bakit wala ng estudyante sa labas?

Pagdating namin sa room nandon na si miss Reyes, tapos nakatingin pa samin lahat. Kaya naman nagderederetso na ko papunta sa upuan ko, pati si insan na katabi ko nakatingin din sa 'kin. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa kin si Shades at nakaupo na rin siya ngayon sa upuan niya na katapat ko lang. Wew.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon