Chapter 11

22.8K 849 205
                                    

Jc's POV

Bawat galaw na gagawin niya bumibilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam pero bakit parang kilala ko na kung sino siya.

Sinunod na niyang tanggalin ang mask niya, at kitang kita ko na ang buong muka niya.

"L-Lara..." Bulong ko.

Hindi ako makapaniwala.

Dati naming kaibigan ni insan si Lara. Sa totoo lang, hindi naman kami ganon ka close. Minsan lang kami nakakapagsamang tatlo kapag bakasyon. Meron siyang mga bagay na hindi sinasabi samin noon. Masyado siyang masikreto samin kaya hindi nalang namin siya minsan pinapansin. Pero nung nakaraang limang taon, hindi na siya nagpakita.

Ngayong nandito na siya, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi siya yung tipo ng babae na pala away. Kung si insan oo nakikipag away yon, pero siya.. hindi talaga.

Pero bakit parang hindi siya yung inaasahan kong tao sa likod ng mask na 'yon? Bakit pakiramdam ko hindi siya yung babaeng tumutulong samin dati.

Pero malabo yun. Eto na siya e, pinakita na niya ang totoong siya. Hindi naman sa ayaw ko kay Lara, wala lang talaga akong tiwala sa kanya.

"Jc, long time no see" ani niya ng nakangiti. Sinubukan kong gantihan yung ngiti niya pero hindi ko kaya. Ang sakit kase ng mukha ko.

*kring* *kring*

Nag-ring yung cellphone niya kaya naman kinuha niya yun sa bulsa niya tsaka sinagot. Medyo lumayo pa siya samin para hindi namin marinig ang pag uusapan nila ng kausap niya. Bakit kailangan pang hindi namin marinig yung usapan nila?

Kahit kailan talaga masikreto parin siya.

Pagkatapos niyang makipag usap, nakita kong nawala ang ngiti niya. Bakit kaya? "Sige alis na ko" sabi niya tsaka naglakad papalayo.

Sinubukam kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Kaasar naman. Tanging lima lang sa amin ang nakakatayo kaya naman tinulungan na nila ang iba at inakay.

"Bro---" umakto si kyle na tutulungan ako kaya naman agad ko siyang pinigil.

"O-ok lang ako, u-unahin mo m-muna si Jerson" gaya ng sinabi ko, si Jerson nga ang inuna niya. Aba nagpapakipot lang ako eh. Bwiset na 'yan. Pinilit ko namang tumayo at i-ika ikang naglakad papunta kay boss para tulungan siya ng biglang---

"Insan!!!"

Napatingin kaming lahat kay Gab ng bigla niya akong tinawag. Hingal na hingal siyang tumatakbo papunta sa akin. Tiningnan niya naman kaming lahat at napahinto, agad agad siyang lumapit sakin para tulungan ako pero kagaya kanina tumanggi ako.

"Bakit?" Tanong niya.

"Si Jules n-nalang akayin m-mo, mas m-malala ang natamo n-niyang sugat kung p-para sa 'kin" ani ko.

"H-ha? Ano?" Bakit ba parang ayaw niyang mapalapit kay jules? Bagay kaya sila. "Pano ka? Ika ika ka na nga maglakad e pano kung--"

"Ako na bahala kay Jc" singit ni Christian. Halatang hindi niya kayang magsalita at pinipilit lang niyang maglakad ng deretso para hindi na mag alala si insan. Agad niyang iniakbay ang kaliwang braso ko sa batok niya.

"O pano b-bayan, no c-choice" naka ngising sabi ko. Asar naman niyang hinawakan ang braso ni jules tsaka inakay.

"A-aray!" Sigaw ni jules.

"Bakit?" Kunwaring walang alam na tanong ni insan.

"A-anong bakit? A-ayusin mo k-kaya yang pag h-hawak mo sa b-braso ko" galit na ani ni Jules.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon