Chapter 9

24.7K 963 215
                                    

Jc's POV

Nandito kami ngayon sa canteen at pinagtitinginan ng ibang estudyante, dahil yan sa nangyari kanina sa kalsada. Galit na galit tuloy kay insan ang mga babae sa kabilang campus.

Hindi ko alam kung maaawa ba 'ko o matatawa, sa ugali kasi ni Gab imposibleng manalo ang mga babae na 'yon. Meron siyang katangian na hindi ko maintindihan at makalimutan. Dati kase kapag may umaapi sa mga malalapit sa kanya, away na agad ang gusto niya. Hindi man siya nagkaron ng mga babaeng kaibigan noon, kaming mga pinsan niya na lalaki ang nagsisilbing kaibigan niya. Bigla tuloy akong may naalala.

-----flashback-----

9 years ago...

"O, ako naman ako naman" tulak ni Renz sakin.

Naglalaro kami ngayon ng tumbang preso sa harap ng bahay ni insan. Pumwesto si Renz sa base at inasinta ang lata, hinagis niya ang tsinelas niya akala ko matatamaan na niya pero dumaplis lang yon. Mahina rin ang pagkakahagis niya kaya huminto yon malapit sa lata. At dahil si insan ang taya, dinangkal niya yun gamit ang isang kamay at isang paa.

"O Renz, taya ka" natatawa tawang ani ni insan.

Sisipatin ko na sana ang lata ng bigla nalang dumating sila Macky. Siguradong manggugulo na naman sila. Kasama niya ang nga barkada niya kaya bale apat sila. Dumeretso sila kay Renz at tinulak ito. Sa aming tatlo si Renz ang pinaka bata kaya naman agad itong nasaktan, mabilis ding nanggilid ang mga luha sa mga mata niya at siguradong iiyak na siya maya maya.

"Hoy! Ano bang gusto niyo ha?" Sigaw ni insan sa kanila. Kaya naman sa kanya napunta ang galit na tingin ni Macky, nakakatakot siya. Medyo mataba kasi si Macky, mas matangkad kesa samin at mas matanda.

"Anong gusto namin? Hahaha" sabay sabay na tawa nilang magkakabarkada. "Naaasar kase ako sa pagmumuka ng maliit na 'to" sabi niya sabay turo kay Renz. "Kaya gusto ko lang siyang... asarin? Hahahah. Gusto kong mawala siya sa paningin ko" sagot niya kay insan sabay sipa sa tiyan ni Renz. "Lampa! HAHAHA---" natigil siya sa pagtawa ng bigla nalang siyang sinuntok ni insan. Sa sobrang lakas nun ay medyo natumba-tumba pa siya, buti nalang naalalayan siya ng mga barkada niya.

"Sinong lampa?!" Sabay suntok sa mismong muka ni Macky. Nagalit naman ang mga kasama nito kaya pinaligiran nila si insan.

Napatingin ako sa mata ni insan, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Yung mata niya, parang nagliliyab sa galit tapos yung mga kamay niya nakakuyom pareho at parang handang handa ng manuntok. Bigla akong kinabahan.

"Matapang ka ah" ani ng isa. Hahawakan niya sana ang kanang braso ni insan pero napatid na siya ni insan, ni hindi ko man lang nakita kung pano niya yun nagawa. Medyo natakot naman ang dalawa pa'ng kasama ni Macky kaya sa halip na gantihan nila si Gab, umalis nalang sila at iniwan ang dalawa na nakalumpasay sa simento.

"Hoy! Bumalik kayo dito" sigaw ni Macky pero nakaalis na ang dalawa niyang kasama kaya hindi siya nito narinig. Bumangon ang isang barkada niya na nakahiga sa sahig at inalalayan siyang makatayo. Tinignan niya si insan, pero binawi niya agad ang tingin niya. Hindi ko alam pero mukang natakot siya.

"Sa susunod na may saktan ka pa ni isa sa kanila, ako ang makakalaban mo. Tandaan mo yan, alis na" hindi na nakasagot si Macky sa takot. Umalis nalang sila ng kasama niya habang nanginginig ang mga paa at nanggigilid ang mga luha.

Akala ko matapang iyakin din pala.

Ngayon ko lang makita si insan na ganito. Yung mga ginawa niya kanina na sa mga movies ko lang nakikita, nagawa niya. Ang astiggg!!!

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon