Chapter 90

14K 479 106
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Jules' POV

Sinabi sakin ni John na sasabihin niya agad sa 'kin ang resulta ng operasyon ni Gab sa oras na sabihin yun ng doktor pero hindi naman siya tumawag o nagtext sakin kagabi. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Gustuhin ko mang pumunta sa SAP ngayon ay hindi rin maaari dahil hindi naman ako isang agent. Tsk. Nakakaasar.

Lumabas ako sa kwarto dahil ako nalang mag-isa ang nandito. Kanina pa kasi gising yung mga kasama ko. Wala ngayon si Mom at Dad dito dahil umuwi na sila sa bahay namin. Gusto rin daw kasing makita ni Mom kung anong pinagbago ng bahay namin mula nung nawala siya, pero wala naman talagang nagbago ro'n.

Nadatnan ko sila James na nakaupo sa sofa. Walang nagsasalita. Ang tahimik nila. Umupo nalang ako sa tabi ni Jerson at saka nag-isip. Kanina pa 'ko nag-iisip. Tsk.

"Ano na kaya ang lagay ni ate?" Mahinang tanong ni James pero walang sumagot sa kaniya. Wala naman kasi talagang nakakaalam ng sagot.

"Ikaw Boss?" Napatingin naman ako kay Dave ng tanungin niya ko. "Ikaw ang huling nakakita at nakasama ni Gab. Sa tingin mo ba ayos lang ang lagay niya?" Dugtong pa niya. Nakuha naman namin ang atensyon ng iba at lahat sila ngayon ay nakatingin sakin. Naghahantay sa isasagot ko.

Yumuko ako at saka umiling. "H-hindi ko alam" sagot ko nalang. Nagtaka naman silang lahat.

"Pero kasama ka naman nila na pumunta sa SAP Hospital diba?" Tanong ni Jake at tumango naman ako.

"Eh pa'nong nangyari na hindi mo alam kung ayos lang si ate?" Takang tanong ni James.

Huminga ako ng malalim at saka umayos ng upo. Nagtaas ako ng tingin at saka tumingin sa kanila. "Kasama nga nila ako sa ospital kahapon pero hating gabi pa raw malalaman ang resulta kaya hinatid na 'ko ni John dito. Ang sabi niya ia-update niya ko kung sakaling sabihin na ang resulta pero... wala siyang text"

"Sinubukan mo na ba siyang tawagan?" Tanong ni Kael at tumango naman ako.

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko" sagot ko sa kaniya.

Napatahimik ang lahat at sa tingin ko ay kung anu-ano na ang naiisip nila. Hindi ko sila masisi, maski nga ako kanina pa nag-iisip kung ano na ang lagay niya.

"May sinabi ba siyang kakaiba?" Halos sabay sabay naman kaming napatingin kay Jc ng tanungin niya 'yon. Sumeryoso siya at saka tumingin sakin ng deretso. "Kilala ko si insan, minsan may sinasabi siyang hindi natin naiintindihan para hindi tayo mag-alala. Pero ang totoo, mas mag-aalala pa tayo kasi nga hindi natin naintindihan ang sinabi niya" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pati yung mga kasama namin gano'n din ang naging reaksyon.

"Naalala niyo yung nangyari sa Gang Gymnasium? Noong battle of the kings, may sinabi siya kay Ken na hindi natin naintindihan. Parang Spanish yata ang language na ginagamit niya" napatango naman ang lahat at mukang nakuha na ang sinasabi niya. "May naaalala ka bang sinabi niya kay John kahapon?" Tanong niya ulit.

Sinabi?

"Meron" napatingin sakin ang lahat ng dahil do'n. "Kaya lang nakalimutan ko yung word na sinabi niya"

"Pero kaya mo bang alalahanin? Siguro naman maaalala mo pa 'yon diba?" tanong ni Jc at nagkibit balikat nalang ako. Sana nga maalala ko pa yung sinabi niya.

Binigyan nila ako ng papel para maisulat ko ro'n yung mga words na malapit sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung mahuhulaan ko ba 'yon. 

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon