Chapter 86

10.7K 411 33
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Napakuyom ang kamao ko ng dahil do'n. Kung dinala ni Albert si Shades, kailangan ko siyang makita. Ang tanong... Saan siya nagpunta?

"Nasa'n si Albert? Saan niya dinala si Shades?" Tanong ko kay Lily. Inunat niya ang kamay niya at saka pinilit na tumayo kaya naman inalalayan ko siya. Tumingin siya sakin at ang seryoso ng muka niya.

"-10th floor" sabi niya. Kinunutan ko naman siya ng noo. Anong negative tenth floor? Mukang nabasa niya ang pagtataka sa muka ko kaya naman ipinaliwanag niya ang sinabi niya. "May underground 'tong building na 'to. Noong una akala ko isa lang 'tong maliit na gusali, pero nagkamali ako. Wala 'tong 2nd o 3rd floor, dahil nasa baba lahat ng tinatago niya. Sa pagkakarinig ko kanina hanggang -10 floors lang 'to" kahit nanghihina siya ay pinilit parin niya 'tong ipaliwanag sakin.

Tiningnan ko siya at saka mas sumeryoso. "Alam mo ba kung nasaan sila ngayon? Kung saan niya dinala si Shades?" Tumango naman siya. "Saan?"

"Hindi ako sigurado pero baka nasa -10th floor sila. 'Yon ang pinaka mahalaga na floor dito sa gusaling 'to" sabi niya. Tumango ako at saka siya inakay palabas sa secret room na 'to.

"Hantayin mo rito sina insan, pupuntahan ko na si---"

"Ikaw lang mag-isa?" Mabilis na tanong niya at tumango naman ako. "Hindi pwede---"

"Kailangan ko na silang puntahan ngayon bago pa may gawin si Albert sa kaniya" sabi ko at umiling naman siya ng magkakasunod.

"Kailangan mo ng kasama, isama mo 'ko"

"Hindi pwede Lily, hindi maayos ang lagay mo ngayon. Kailangan mong magpahinga" umiling naman siya at saka binawi ang kamay niya sakin. Lumayo siya sakin ng kaunti at saka tumayo na para bang sinasabi niya na ayos lang siya.

"Kaya ko pa!" Masiglang sabi niya at saka ngumiti. Ang totoo niyan sa lagay niya ngayon, parang hindi talaga siya nanghihina. Para bang walang nangyari sa kaniya kani kanina lang. "At saka hindi mo alam kung pa'no pumunta ro'n. Kailangan mo ng guide HAHAHAH. Hindi naman talaga malubha ang lagay ko kanina, sadyang tinatamad lang akong maglakad kaya ako pumayag na akayin mo ko" dagdag pa niya at saka ngumisi.

Ano???

Ibig sabihin umaarte lamg siya kanina? Bwisit na 'yan! Kanina lang mukang mamamatay na siya sa dami ng galos sa muka niya tapos ngayon. Nakakaasar! Hindi na nga pala normal ang isip niya!!

Nginitian ko siya at saka tumango tango. "Mabuti naman kung gano'n" Kung pwede ko lang talagang upakan 'tong babae na 'to eh! Alalang alala pa naman ako sa kaniya kanina!

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Sa hidden elevator" hidden pala ah. "Pero bago 'yon, kailangan muna nating kumuha ng ID sa isa sa mga trusted minion niya"

"At sino-sino naman ang mga 'yon?" Tanong ko dahil wala naman talaga akong alam sa mga sinasabi niya.

"Yung mga taong naka white, siguro naman may nakita kang gano'n kahit isa diba?"

"Ah! Bukod do'n sa mga lalaking naka itim, may nakasalubong din akong naka puti. Nakalaban ko siya kanina at ayun siya" sabi ko sabay turo sa lalaking nakahandusay parin sa sahig hanggang ngayon. Hindi parin pala siya nagkakamalay ah.

Bigla nalang tumakbo si Lily papunta sa lalaking 'yon at sinundan ko naman siya. Nakakatakbo siya edi ayos nga ang lagay niya. Tsk. Nakakaasar talaga.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon