Chapter 20

21.6K 841 96
                                    

Gab's POV

Nakayuko kaming lahat habang naka upo sa monoblock chair. Tsk, bakit kasi ayaw maniwala ng mga pulis na 'to.

Nakatayo ngayon sa harap namin ang isang lalaking pulis na matangkad, matangos ang ilong, malaki ang katawan, maayos manamit at nakakatakot ang mukha. Base sa suot niyang name plate, siya si Police Inspector Santiago.

"Gusto kong malaman kung bakit kayo nandoon sa Amusement Park" tanong muli ng Inspector. Nagtinginan muna kami bago sumagot si shades.

"Wala pong pasok ngayon kaya naisipan namin na mag-amusement park, matagal na po kasi noong huli namin 'tong nagawa" kalmadong sagot niya. Tumango tango naman ang pulis.

"Kayo nalang ang natitirang tao doon, bakit hindi pa kayo umalis? Alam niyo namang nasusunog ang lugar" sabay tingin sakin ng Inspector. "Kayo ba ang may pakana ng sunog?" Sunod ay tumingin naman siya kay Jc na katabi ko ngayon.

Tinignan ko siya at mukang ninenerbyos ang buset. Nanginginig ang kamay niya na nakapatong sa dalawang tuhod niya habang nagsisimula ng tumutulo ang pawis na namumuo sa noo niya. Hindi niya alam kung magsisinungaling ba siya o hindi. Sumulyap siya kay Shades na nagtaas lang ng kilay sa kaniya. "O-Opo" mahinang sagot niya pero sapat lang para marinig namin.

"At bakit niyo naman yun nagawa?"
Tumingin siya kay Jerson na parang sinasabi na hoy, ikaw naman ang sumagot. Mukha namang nakuha yun ni Jerson na nasa tabi ko din. Nasa gitna nila ako ni insan kaya naman napansin ko 'yon. Huminga muna ng malalim si Jerson at kalmadong humarap sa Inspector.

"May humahabol po kasi sa amin"

"Humahabol?"

Napatango naman si Jerson. "Ilang araw na po nila kaming sinusundan. Nagkataon po na nakita namin sila doon sa Amusement Park kaya gumawa kami ng paraan para umalis ang mga tao. Ba ka po kasi may madamay, may baril po kasi siya" dugtong pa niya.

"At bakit naman kami maniniwala?" Tanong naman nung pulis na nakasalamin. Base sa suot niyang name plate, siya si Police Officer 1 Ferrer.

Tumingin naman si Jerson kay Christian. Lumunok muna siya ng laway bago sumagot. "Minsan na po niya kaming pinagtangkaan, at hindi po siya magdadalawang isip na ulitin yon. May kasama pa nga po siyang lalaki na nga nakaitim. Iniwan po namin sila nung palabas na kami sa Park"

"Pero wala kaming naabutan na tao sa loob kahit isa" kontra naman ng isa pang pulis.

"Pano nangyari 'yon?" Sabay na bulong ng dalawang katabi ko. Napalingon naman ako sa kanila. Talagang hindi sila makapaniwala sa sinabi ng pulis na 'yon.

"Kailangan niyo ng ebidensiya na makakapag sabi na totoo ang sinasabi niyo" sabi ni PO1 Ferrer. Inayos niya muna ang pagkakalagay ng salamin niya gamit ang kaliwang kamay bago muling humarap sa amin.

"Ebidensiya?" Bulong muli si insan.

"Cctv Camera!" Sabay na bulyaw namin ni Jerson kaya nagkatinginan kami, at sabay na humarap sa mga pulis. "Pwede niyo pong ireview ang cctv camera bandang 9:00pm, kasabay ng fireworks display ang pagpapa putok niya ng baril sa amin kaya hindi yon masyadong halata" paliwanag niya sa Police Officer. Agad nilang hiningi ang record ng cctv camera at pinanood yon.

Habang nanonood ang ibang pulis ay napasulyap naman ako sa Inspector, nakatitig kasi siya kay Shades. Posible kayang nabakla na siya? Hala.

"Ikaw" turo ng Inspector kay Shades. Napalingon tuloy kaming lahat sa kanilang dalawa. Napatingin naman si Shades sa Inspector. Ba ka mag ka develop-an na silang dalawa.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon