Chapter 80

11.4K 428 51
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Tinawagan ko ang pinsan kong si Renz at saka si kuya para dalhin si Mr. Bernadette sa SAP. Free time ngayon ng dalawang 'yon dahil alam kong hindi sila pwedeng tumanggap ng mga task ngayon dahil malapit na ulit ang ranking up. Mga nag-aaral ngayon ang mga agent.

Nagmadali akong lumabas sa building dahil tapos na ko sa dapat kong gawin. Pagdaan ko sa gawaan ng mga drugs ay nakita kong wala ng malay yung mga kalaban. Ano 'yan? Ginamitan nila ng stun gun? Napa iling iling nalang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Insan!" Napatingin ako sa likod ng tawagin ako ni Jc. Sinuntok niya muna sa muka yung lalaking hawak niya bago ulit tumingin sakin.

"Baket?" Tanong ko sa kaniya.

Iniwan na niya yung lalaking hawak niya at saka tumakbo palapit sakin. "Iniwan ako ng mga kasama ko, sabay na tayong lumabas" nakangiting sabi niya. Tinitigan ko siya at saka ako napangisi.

"H'wag mong sabihin na natatakot ka na baka mamaya ay may sumunggab sayo?" Nanlaki ang mga mata niya at saka umiling ng sunod sunod.

"Hindi ah! Kahit ilang lalaki pa ang sumugod sakin hindi ako matatakot sa kanila, kayang kaya ko kaya silang talunin. Akala mo ikaw lang ang magaling ah?" Mayabang na sabi niya pero tinawanan ko lang siya. Naglalakad kasi ako at sumusunod siya sakin. Ayaw niyang mapalayo sakin kaya natatakot talaga siya HAHAHA.

"Pwede mo namang sabihin sakin na natatakot ka. Normal lang 'yan" at saka ko tinapik ang balikat niya pero tinabig niya yung kamay ko.

"Hindi nga ako natatakot!" Sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa building.

"Ate Gab!" Lumapit sakin si Renz kasama si Kuya na naka poker face. Wala sa mood?

"Ang tulin niyo ah" sabi ko sa kanila. Ngumiti si Renz samin ni insan samantalang si Kuya sinamaan lang ako ng tingin.

"Nasa office lang kasi kami kanina. Kaming dalawa lang ni Kuya John ang tao ro'n dahil nagte-traning sila tita. Nakakaantok nga do'n eh, anlamig lamig pa dahil sa aircon" sabi pa niya. Nilingon ko naman si kuya.

"Eh ikaw kuya? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko sa kaniya, tiningnan niya muna ko bago sumagot.

"Wala ka na ro'n, tsk" sabi niya at saka nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang pagbungisngis ni insan kaya siya naman ang tiningnan ko. Napatigil siya ng makita niyang tinitingnan ko siya.

"May alam ka no?"

"A-anong sinasabi mo insan?" Maang-maangan pa niya.

"Nako ate Gab, h'wag kang maniniwala kay kuya Jc, may alam talaga 'yan halata naman eh" singit ni Renz kaya sinamaan siya ng tingin ni insan.

"Ikaw Renz tumigil ka" at saka niya 'to dinuro sa muka pero sa halip na natakot ay tinawanan lang siya nito. "Tsk, bahala kayo jan' sabi niya at dumeretso na papunta kala James.

Kaming tatlo nalang ang nandito.

Sumeryoso na kami ni Renz dahil kanina pa seryoso si kuya. Dumeretso ako ng tayo bago magsalita.

"Nasa taas si Mr. Bernadette. Nakalimutan ko na kung saan yung daan kaya hanapin niyo nalang. Hindi pa siya nakakaalis dahil iisa lang naman ang pinto rito palabas" sabi ko at tumango naman sila.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon