Chapter 85

11.1K 427 28
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Tiningnan ko ang lahat at mukang handang handa na sila. Sinabi ko sa kanila kahapon na posibleng may masaktan sa gagawin namin pero walang umayaw sa kanila. Gagawin daw nila 'to para sa Boss nila.

"Sigurado talaga kayo ah?" Tanong ko ulit sa kanila at nagsi-tanguan naman sila.

"Handa na kami sa mga mangyayari, insan"

"Oo nga, ate Gab. Handa na rin kaming iligtas si Boss, para makasama mo na siya!" Sabi ni James kaya naman sinamaan ko siya agad ng tingin. Napatakip siya sa bibig niya at saka napatawa ng mahina. "Ang ibig kong sabihin ay para makasama na natin siya, hehe" pagbabawi niya sa sinabi niya kanina.

Sumang-ayon ang lahat at saka isinukbit sa kanila ang mga baril na pinagawa ko kay Brett. Lumabas kaming lahat sa bahay at hinintay sila tito na dumating.

"Mag-ingat kayo, anak" bigla nalang sumulpot si manang Jeni. Nilingon ko siya at saka ngumiti.

"Syempre manang. Walang kayang manakit sakin noh!" Mayabang na sabi ko at napatawa naman siya.

"Ikaw talagang bata ka, naku" at saka siya napailing-iling. "Sige na at papasok na ko sa loob. Papakainin ko muna si Mrs. Laurent" sabi niya at tumango naman ako.

"Ingatan niyo si tita manang ah, hindi pa niya nakikita si Shades. Kailangan kapag nagkita sila masigla siya" ngumiti naman si manang at tumango.

"H'wag ka mag-alala, aalagaan namin siya ng mabuti" at pumasok na siya ulit sa loob. Sakto namang dumating na ang mga kotse kung saan nakasakay si tito at ang ibang mga tauhan niya. Tatlong van na itim na naglalaman ng sampung tao. Bumukas ang isang pintuan ng pinaka unang dumating na van, mula doon ay lumabas si tito. Naglakad siya palapit sa'kin.

"Handa na ako at ang mga tao ko, kayo? Handa na ba kayo?" Tanong niya at ngumiti naman kaming magkakaklase sa kaniya.

"Syempre tito!" Sabi ko at napangiti rin siya.

"Oo nga po tito, para 'to kay Bos--- este Jules" kung hindi pa tiningnan ni insan si James siguradong 'Boss' ang sasabihin niya.

"Gagawin po namin ang lahat para sa kaibigan namin" sabi naman ni Dave. Napaka seryoso ng mukha niya.

"Ayos na po ang lahat tito" nakangiting sabi ko at saka ko inilabas ang van na gagamitin namin. Hindi nila alam ang lugar kaya ako ang nagda-drive. Susunod naman ang iba sa likod.

Sa tagal ng oras ng pagpaplano namin kahapon, sana magawa namin ng maayos ang mga 'yon ngayon. Madaling magplano pero kapag nasa harap mo na ang mga nangyayari, posibleng hindi umayon ang lahat sa gusto namin. Posibleng mabago ang lahat sa isang maling galaw kaya kailangan naming mag-ingat. Para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Hindi ako sigurado sa mga mangyayari mamaya pero sisiguraduhin kong maliligtas ko si Lily... at si Shades. Kahit anong mangyari kailangan ko silang iligtas, kahit kapalit pa no'n ay buhay ko.

"Dito nalang tayo" sabi ko. Pinarada ko ang sasakyan namin medyo malayo sa building, kagaya ng ginawa namin ni Lily. Alam kong narinig ng lahat ang sinabi ko dahil sa suot naming communication devices. 

"Umayos na ang lahat sa kani-kanilang pwesto" pagkasabi ko no'n ay nagsibabaan na sila insan at ilang mga tao ni tito. Sunod ko namang tinawag ang mga natira at saka kami maingat na nagpunta sa likuran. "Nakaayos na ba ang lahat?"

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon