Chapter 51

16.1K 729 211
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

Jc's POV

Tumayo si Ken at saka yumuko kay insan. "G-Gracias" (thank you)

Tiningnan siya ni insan sa mata na sobrang seryoso.
"La próxima vez que lo golpees, te mato" (the next time you hit him, i'll kill you)

Tumango naman si Ken ng sunod sunod. "S-sí.. sí" (Y-yes.. yes)

Anong pinag-uusapan nila? Gracias lang ang naintindihan ko, bakit nagpasalamat si Ken kay insan? Dahil hindi nito isinaksak sa kaniya ang lason?

"Tara na" aya ni insan at saka siya nagpatiuna sa pagbalik sa pwesto namin kanina. Halos nasa kaniya na ang lahat ng atensyon ng mga tao rito sa gym.

Iika ika akong sumunod sa kaniya, ang sakit ng katawan ko. Pati sila Boss ay sumunod na rin. Nawala lang ang tingin ng karamihan kay insan ng magsalita ang emcee.

Gab's POV

"S-sige, dahil nanalo ang White Clan, kasama na sila sa first gang!" Sigaw ng emcee kaya naman napasigaw na rin ang lahat. Tumayo ang buong miyembro ng White Clan at sabay sabay na naglakad papunta sa upuan ng mga nasa first gang. Syempre kasama nila ako alangan namang iwan nila ako sa upuan nila kanina.

Nagpalakpakan ang lahat at pagkatapos non ay tinawag na ang lahat ng pasok sa first gang.

"Ngayong kumpleto na ang ating first gang, sino kaya ang magwawagi para sa battle of the kings? Ang Green Gang kaya? Brown Gang? O ang White Clan? Abangan 'yan sa Battle of the kings na gaganapin sa katapusan ng august!"

Nagsigawan ang lahat katulad kanina. Lumingon ako sa red gang at ang sama ng tingin sa 'kin ni Enriquez, wala naman akong ginagawa ah? Tumingin naman ako sa tabi niyang si Ken. Nakayuko lang siya ngayon. Tsk. Siguradong iniisip niya yung sinabi ko kanina, hindi naman niya kasi pwedeng basta basta nalang talikuran ang boss niya. Pero nasa sa kaniya lang ang desisyon kung sino ang susundin niya, ako o ang boss niya.

Kung ano ano pa ang sinabi nung emcee bago nag-uwian ang lahat. Pag dating namin sa bahay sinalubong agad kami ni kuya.

"G-gab" tawag niya sa'kin. Nakayuko siya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi siya makatingin sa'kin. 

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Si Yaya Lani" malamig parin ang tono ng boses niya gaya dati, pero nararamdaman kong kinakabahan siya.

"Anong nangyari, kuya?" Medyo tumaas na ang tono ng pananalita ko kaya naman napahawak si insan sa kaliwang balikat ko.

"N-nakatakas siya"

"Ano?!" Napataas ang balikat niya dahil sa pagsigaw ko. Tumingin siya sa'kin at parang takot na takot siya. "Panong nangyari 'yon kuya?! Ikaw ang pinagbantay ko sa kaniya dahil alam kong kaya mo siya pero ngayon sasabihin mo sa'kin na nakatakas siya?" Hinawakan ni kuya ang dalawang balikat ko at saka iniharap ang muka ko sa kaniya. "Siya lang ang pag-asa ko kuya ngayon para malaman kung sino ang puno ng lahat tapos... tapos..."

Hinawakan niya ang muka ko dahilan para kumalma ako ng kaunti, tiningnan niya ko sa mata. Iba ang imosyon niya ngayon, bakit parang... Bwisit!

"'Wag kang mag-alala nahuli ko naman siya agad---"

"BWISIT KA! NAHULI MO NAMAN PALA SIYA EH NAY PATAKAS TAKAS KA PANG NALALAMAN! NAGALIT TULOY AKO NG WALA SA ORAS! BWISIT KA KUYA!!!"

Nakita kong palihim siyang napabungisngis kaya lalo akong naasar.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon