Chapter 30

20.2K 750 129
                                    

Jc's POV

Nakatingin pa rin si insan sa white board matapos niyang sabihin ang ibig sabihin ng nakasulat don. Hindi ko alam kung tama yung sinabi niya pero naniniwala ako sa kaniya. Matalino si insan kaya hindi imposibleng hindi niya mabasa ang ibang lenggwahe, ba ka nga kaya pa niyang magsalita ng ibang language e.

"Totoo ba 'yan?" Tanong ni Dave kay Gab. Tumango naman si Gab ng dalawang beses.

"Edi tara na, puntahan na natin si Christian" singit ni Jake pero pinigilan siya ni Boss.

"Hindi tayo pwedeng magpadalos dalos" sabi nito kay Jake na may seryosong tono ang pananalita. "Hindi natin alam kung totoo ang sinasabi ng nakasulat na 'yan. Pano kung trap lang pala yan ng kalaban para mahuli tayo? O ako?" Sabi pa niya ulit, pero sa aming lahat na siya nakatingin.

"Boss is right, maybe hindi pa ito ang tamang oras para kumilos tayong lahat" sagot naman ni Kyle.

"Pwede rin namang may tatlong pupunta diyan, tapos kapag may nangyaring masama katulad ng sinasabi niyong baka trap lang 'yan, edi kami nalang ang backup" sabi naman ni Mark na sinang-ayunan ng karamihan, kasali na ko don.

"Sino naman yung tatlong pupunta jan?" Tanong ni insan. Nagkatinginan kami ni Boss, mukang kasali ako sa tatlo na 'yon ah.

"Ako, si Jc at si James ang pupunta. Ang mga hindi nabanggit ang backup" sabi ni Boss, agad naman siyang tiningnan ni insan.

"Kasama ko?" Tanong ni insan habanf nakangiti ng sobrang tamis kay Boss, napaiwas naman ng tingin si Boss bago sagutin si insan.

"Hindi, hindi ka sasama" sagot ni Boss na nakaiwas pa rin ng tingin, halos lahat kami nagtataka na sa inaasta niya pag kaharap niya si insan.

"Ahay ang duga niyo! Sama ko, sige na" paawa effect pa ni insan habang nakapout, pero hindi 'yon nakita ni Boss kasi nakatingin siya sa white board.

"Masyadong delikado kung sasama ka. Umuwi ka nalang sa inyo" sabi ni Boss dito. Ayaw niya talagang isama si insan ah, over protective ganon?

"Kaya ko naman ang sarili ko, sama mo na kasi ko. Wala naman akong gagawin na masama eh, tsaka... hindi ko pa kayo napapanood makipaglaban sa ganitong sitwasyon. Kaya sama mo na ko" todo pa-cute na ang ginagawa ni insan pero hindi pa rin siya tinitingnan ni Boss. Pumunta si insan sa harap ng white board para makita siya ni Boss. "Pleaseee" sabi ni insan habang nakatingin sa mata ni Boss at magkasalikop ang mga kamay na parang nagmamakaawa.

Napailing iling si Boss tsaka tumingin sa aming lahat.

"Sige sasama ka, pero dun ka lang sa likod kasama yung mga backup" turo pa ni Boss kala Dave. Todo tango naman ang ginawa ni insan, gustong gusto niya talagang makita kaming lumaban sa ganitong sitwasyon?

Tiningnan ni insan si Dave at humarap ulit kay Boss. "Hindi ba pwedeng---"

"Wag ka ng umangal kung hindi, hindi ka na sasama" pagpuputol ni Boss sa sasabihin niya.

Sinulyapan ko naman si Dave na ngayon ay kaiirap lang. Nakahihiligan na niya ang pag ganyan ah. Baka makasanayan niya 'yan, hahaha.

"Tss, ok" sabi nalang ni insan at tumahim sa tabi ni James.

Nagsisimula na ang iba pang talent contest kaya walang masiyadong estudyante sa labas. Parang kami lang ang section na nasa room.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Jake.

"Ganito ang plano" panimula ni Boss at pumunta sa gitna ng room sa harap namin, talagang tama lang na siya ang pinili namin bilang Class President. "Habang pumupunta kaming tatlo sa building na sinasabi, magtago lang kayo sa likod, kasama ang iba pang backup. Pwede rin kayong maghati sa dalawang grupo para isang grupo sa kaliwa at isa naman sa kanan ang magbabantay"

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon