Chapter 46

16.8K 758 135
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Jules' POV

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Alam kong dapat hindi ko 'to maramdaman pero... nahihiya ako. Nahihiya akong makita siya, hindi ko alam kung bakit pero lagi akong naiilang tuwing nanjan siya.

Huminga ako ng malalim at napahigpit ang hawak sa dala kong plastic bago ako kumatok ng tatlong beses.

"Bukas 'yan!" Sigaw niya mula sa loob kaya naman dahan dahan ko ng binuksan ang pintuan. Sumilip ako sa loob at nakita ko siyang nakatingin sa 'kin, deretso sa mata.

*dub dug*

Kinunutan niya ko ng noo tapos ay biglang umayos ng upo sa kama niya. Ngumuso siya tsaka niya ko bored na tiningnan. "Miss mo na ko agad?"

Agad na nanlaki ang mata ko at asar na pumasok sa loob ng kwarto niya, asar ko ring isinarado ang pinto. "Wag ka ngang asyumera" sabi ko sa kaniya sabay buga ng hangin. Nakatayo lang ako malapit sa pinto habang nakatingin siya sa 'kin.

"Eh kung ganon bakit ka nandito? Tss" bored na tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago ko ipakita sa kaniya yung puting plastic na hawak ko, napatingin naman siya dito. "I-ibibigay ko sana to... sayo" pagkasabi ko non ay unti unti siyang napangiti. Ngayon lang ulit siya ngumiti pagkatapos nung mga nangyari.

*dub dug*

"Dapat sinabi mo agad na may dadalhin ka para sa 'kin para naman hindi ako nabored kanina" sabi niya na hindi ko naintindihan. Wala akong naririnig kundi yung tibok ng puso ko ngayon.

"Ha?" Tanong ko sa kaniya pero mas lalo lang lumawak yung ngiti niya. Hindi na tuloy ako makatayo ng maayos, parang bibigay na ang nga tuhod ko dahil nanginginig ang mga ito.

"Wala wala, amina 'yan kung ano man 'yan" nakangiting sabi niya habang hinahatak yung upuan na malapit sa kama niya, tapos inilahad niya yung kamay niya.

Napaiwas ako ng tingin at saka ako naglakad. Pero nanginginig talaga ang mga tuhod ko, parang natatae tuloy ako kung maglakad.

"Ang bagal mo namang maglakad nangangawet na ko oh" sabi niya, kumunot ang noo niya ng makita niya kung pa'no ako maglakad. "Natatae ka ba? Ayun yung banyo o" dugtong niya sabay turo sa banyo na nasa gilid ng kanang parte ng kwarto niya.

Umiling iling nalang ako tsaka ako naglakad ng mabilis papunta sa upuang katabi ng kama niya.

"H'wag mong tataihan 'yang upuan na 'yan kung ayaw mong ikaw maglinis niyan" sabi niya habang hindi mapigilang mapangiti. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang muka ko at saka hinarap ang muka ko sa kaniya. Parang nakuryente ang buong katawan ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa balat ko kaya naman agad akong umiling para mapabitaw siya. "Arte neto, tumingin ka kasi sa 'kin"

Pa'no ako titingin sa'yo kung naiilang ako sa mga mata mo.

"Ibibigay mo ba 'yan o hindi?" Tanong niya sabay turo sa plastic na hawak ko.

"S-sabi ko nga" tsaka ko ibinigay sa kaniya yung plastic pero napatingin siya sa kamay ko ng makita niya itong nanginginig.

"Nilalamig ka ba? Nanginginig ka o, tapos kanina ka pa utal utal kung magsalita" tanong niya pero umiling lang ako. "Gusto mo patayin mo na yung aircon" dugtong pa niya.

"Hindi, w-wag na. Ok lang ako" sabi ko sa kaniya. Hindi rin ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.

Kinuha na niya yung plastic sa 'kin at saka niya tiningnan ang laman non. Napansin kong tumahimik siya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Titig na titig siya sa Chuckie at Choco Topps habang kumikinang at nanlalaki ang mga mata.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon