Chapter 56

16K 670 223
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

Gab's POV

Hapon at at naka upo lang ako ngayon sa sofa at nanonood ng tv, wala naman kasing ibang magagawa rito sa bahay. Kung pwede lang sana kaming lumabas eh, kaya lang hindi ligtas.

"Gab" agad akong napalingon sa tumawag sa'kin. Si Mike, kasama niya si insan.

"Mmm?" Tanong ko. May inilabas si Mike mula sa bulsa niya, yung cellphone ni Yaya Lani! Agad ko 'yong kinuha at binuksan, wala ng password! "Salamat!" Masayang sabi ko kay Mike habang nakangiti. Tinanguan naman niya ko.

"Oo nga pala, may sasabihin daw si Jc sa'yo" agad naman akong napatingin kay insan. Akala ko kung ano kalokohan na naman ang sasabihin niya pero ang seryoso ng muka niya. Ano kaya 'yon?

"Ano ba 'yon?"

"Eh kasi, may nag-add friend sa'kin kahapon" pagkasabi ko non agad na napakunot ang noo ko.

"Hindi ka pa ba nasanay sa mga babae na 'yon?" At saka ako bumuga ng hangin. Pero sunod sunod na iling lang ang sinagot niya sa'kin.

"Iba 'to, wala kasi 'yong profile picture. Tapos ilang account na pare pareho ang pangalan ang nag-add friend sa'kin. Lahat 'yon walang profile. Tapos yung bio niya, ano nga ulit 'yon?" Tanong niya kay Mike na napakamot naman sa ulo.

"Basta spanish word na ang meaning ay 'start hiding now', tapos nawala na yung account na 'yon pagkalipas ng ilang minuto" sabi ni Mike.

Agad akong nagtaka at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Kung ganon hindi 'to biro. "Anong pangalan ng may ari ng account?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila at sabay na tumingin sa'kin.

"Hindi ko na-track yung account na 'yon dahil nga nawala agad. Pero ang pangalan na nakalagay do'n ay..." At nagkatinginan ulit sila ni insan.

"Lily Evans" sabay na sabi nila.

"Ano?" Agad akong napatayo ng marinig ang pangalan na 'yon at nagtaka naman sila sa ikinilos ko. Napalingon na rin tuloy yung iba sa'min.

"May kilala ka bang Lil---" agad kong sinenyasan si Mike na 'wag ng ituloy ang sasabihin niya kaya naman napatigil agad siya.

"Wag niyo na ulit sasabihin ang pangalan na 'yan" utos ko habang nakatingin ng seryoso sa kanila. Tumango naman silang pareho pero nagtataka pa rin sila sa ikinikilos ko. Huminga ako ng malalim at saka ko tiningnan ang paligid. Halos lahat pala sila nakikinig sa'min, pati si Shades.

"Nag-add friend din sa'kin 'yan" nagulat ako ng sabihin 'yon ni Shades, pati siya?

"Sakin din" - Christian

"Pati sakin" - Jake

"Ako rin" - James

At lahat sila ay nagsabi na rin na may nag-add friend sa kanila na ganong account.

"Bakit ngayon niyo lang 'yan sinabi sa'kin?" Tanong ko sa kanila at agad naman silang napakamot sa ulo. Ano 'yan? Pare pareho silang may kuto ganon? Tsk.

"Akala ko kasi isa lang 'yon sa mga fans ko" sabi ni Christian. Fans pala ah?

Hinarap ko naman sila ng may seryosong muka. "Basta 'wag niyo ng babanggitin ang pangalan na 'yon" utos ko nalang at saka nagsimulang maglakad. Narinig ko naman silang nagbubulungan pa bago ulit nila ko tawagin.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon