Chapter 82

11.6K 447 44
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Tinanggal ko muna sa isip ko yung nangyari kay Lily at Shades. Magpo-focus muna ko sa pagpasok sa bwisit na building na 'to. Bakit ba kasi wala 'tong pintuan sa harapan? O baka hindi ko lang nakita? Tsk.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong rooftop. Walang kahit na anong bagay dito sa taas maliban sa... pinto! Seryoso? Nasa taas talaga yung pintuan? Umiling nalang ako ng dalawang beses at saka pumunta ro'n. Sinilip ko yung loob kung may tao, mukang dalawang bantay lang ang nando'n. Sana naman hindi sila malaking tao gaya nung kanina. Inalis ko muna lahat ng nasa isip ko bago buksan ng tuluyan ang pinto.

Tumalon ako kaya naman nakuha ko ang atensyon ng dalawang lalaki. Magsusumbong na sana yung isa na may nakapasok pero pinigilan ko siya, tumakbo ako ng matulin palapit sa kaniya at tinanggal ang communication device na nasa tenga niya. Sinubukan niya kong hawakan pero lumayo agad ako. Siguradong mapupuruhan ako kapag nahawakan nila ako.

Naramdaman kong kumilos na yung isa pang lalaki kaya mabilis ko rin na tinanggal ang communication device na nakasuot sa tenga niya. Asar siyang tumingin sakin at inambahan ako ng suntok pero naiwasan ko 'yon. Lumayo ako sa kanilang dalawa at pinagmasdan sila. Sa tingin ko hindi sila gano'n kalakas, bakit naisipan ni Albert na ganito ang pagbantayin niya rito? Tsk, baliw talaga.

Bigla nalang tumakbo palapit sakin yung dalawang kaharap ko at saka sabay na umamba ng suntok. Ganon na naman? Wala na ba silang alam na iba?

Hinantay ko silang makalapit sakin at bago pa nila ako maabot ay yumuko ako at sabay ilang sinikmuraan. Napaatras sila pero bigla na namang sumugod. Balak patamaan nung isa yung ulo ko kaya naman sinangga ko agad ang kamay ko at saka umikot para hindi ako matamaan nung isa pa niyang kasama. Habang nasa likod nila ako ay hindi ako nag aksaya ng oras, lumapit ako sa kanilang dalawa at saka pinag-untog ang mga ulo nila. Nagkalayo sila at napahawak sa ulo nila, dumudugo! Dahan dahan silang humarap sakin at... galit na sila!

"Hindi ko hahayaang matalo mo kami" mabagal na sabi nung isa habang nakahawak sa ulo niya, mukang nahilo siya ng dahil sa ginawa ko, gano'n na rin yung isa niyang kasama. Buti nalang nagsalita siya HAHA.

Ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para sipain siya ng dalawang beses sa dibdib habang hindi pa kumikilos yung isa. Pag harap ko sa isa ay, teka, tumatakas siya!

Hinarap ko yung nagsalita kanina at wala na itong malay. Ang hina naman pala neto, tsk.

Hindi ko na 'yon pinansin at sa halip ay hinabol nalang yung isa. Siguradong magsusumbong 'yon sa kung sino man, walang pwedeng makaalam na nakapasok ako rito. Nakita kong bumagal ang takbo nung lalaki kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Buti nalang walang tao rito dahil isa lang 'tong malawak na hallway. Bago pa niya maabot ang pinto dulo ng hallway ay hinatak ko siya at saka pinilipit ang leeg niya. Nawalan siya ng malay gaya nung isa. Buti nalang dalawa lang ang bantay.

Tiningnan ko ang paligid at walang ibang mapupuntahan dito kundi ang nag-iisang pinto sa harap ko. Ano kaya ang laman nito? Ba ka mamaya maraming bantay dito, tsk. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at bwisit! Ang dami ngang bantay! Bawat gilid ng hallway ay may bantay, halos kasing laki nila 'tong dalawa na nakalaban ko. Isinara ko na uli ito at nag-isip ng ibang plano. Tumingala ako at nakita kong parang may secret passage sa kisame, kapag sinuswerte ka nga naman! Ayos! Hindi na ko basta basta mahuhuli rito.

Tinanggal ko ang suot kong sapatos at saka ko 'yon hinawakan. Hindi gano'n kakitid ang hallway na 'to kaya madadalian ako sa pag akyat. Hinanda ko ang sarili ko at saka ako mabilis na tumapak sa pader para itulak ang pinto sa kisame. Napangisi ako ng mabuksan ko ito. Lumayo ako ng kaunti para bumwelo. Huminga ako ng malalim at saka muling tumapak sa pader at tumalon para maabot ko ang kisame. Binuhat ko ang sarili ko para makapasok ako sa loob. Pag pasok ko ay isinara ko na agad ang kasame, isinuot ko na uli yung sapatos ko.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon