Chapter 31

18.4K 669 90
                                    

Jerson's POV

"Nasaan si Gab?" Pilit kong bulong at tanong sa kanila. Pero pare pareho lang ang sagot nila, 'hindi namin alam'. Hindi ko muna 'yon pinansin at tumingin nalang sa harapan.

May binulong si Lara sa isang lalaki malapit sa kaniya, tumango naman ito at sumenyas sa iba na sumunod. Umalis ang mga lalaki kasama ang mga kasamahan nito, si Lara lang ang naiwan. Tiningnan kong mabuti kung ano ang ginagawa niya sa loob ng van, iniwan kasing bukas 'yon ng lalaki kanina. Parang may hinahanap o kinukuha siya sa likod ng sasakyan na 'yon. Ng makuha niya iyon ay agad kong nalaman kung ano ito.

Isa 'yong kutsilyo

Nakita ko pa na may kinuha siya sa harap ng van, at dun ako kinabahan.

Baril

Kailangan may gawin kami. Kung hindi, ba ka mapahamak sila Boss sa loob. Dapat pala ay nagdala kami kanina ng mga panlaban namin, nakakaasar! Bakit hindi ko yun naisip kanina?

Bumaba na si Lara sa van at isinara ang pinto nito. Napatingin siya sa gawi namin. Hindi ko alam kung nakita niya kami, hindi ko makita ang mata niya dahil sa maskara. Pero alam kong dito siya nakatingin dahil nakaharap dito ang ulo niya.

Naglakad siya at nagtangkang lapitan kami. Habang papalapit siya ay kinukuha niya ang kutsilyong tinago niya sa likod ng bulsa niya.

Biglang lumagabog ang puso ko sa kaba. Nakita niya ba kami? Nakatago kami sa mga makakapal na halaman kaya imposibleng makita nita kami.Lalo pa siyang lumapit at tinindihan ang kapit sa patalim na hawak niya. Ilang hakbang nalang ang layo niya sa 'min ng mag ring ang cellphone niya.

Buti nalang at may tumawag. Inayos niya ang pagkakalagay ng maskara niya at tsaka sinagot ang tawag.

Lumayo siya sa gawi namin kaya hindi ko marinig ang sinasabi niya. Kung marunong lang ako mag lip reading kagaya ng mga detective na napapanood ko, edi sana nalaman ko na kung ano ang pinag-uusapan nila ng kausap niya.

Ibinaba niya ang tawag at pumasok na sa loob ng building.

Hinarap ko ang mga kasama ko at kinausap sila ng seryoso. Alam kong nakita rin nila ang nakita ko kaya kailangan naming mag-ingat.

"Maghanda na kayo" sabi ko sa kanilang lahat at tinawagan si Dave na leader ng kabilang grupo.

Jules' POV

Hawak nila si Christian. Halatang hirap na hirap na si Chriatian dahil halos hindi na siya makapagsalita ng maayos. Dumudugo ang gilid ng labi niya at alam kong dahil 'yon sa suntok ng lalaking katabi niya. Talagang pinahirapan nila si Christian para lang mapasama nila ako sa kanila.

Bakit ba pilit nila akong pinapasama sa kanila. Ano ang balak nilang gawin sa 'kin? Wala naman akong natatandaan na atraso ko sa kanila.

"Ano? Deal?" Tanong ng lalaking nag-utos kanina na kuhanin ni Christian.

"Sige, sasama ko sa inyo" sagot ko habang nakatingin ng seryoso sa lalaking 'yon.

Sabay na lumingon si James at Jc sakin ng sumagot ako. May narinig naman akong parang bulong sa cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi ko nalang 'yon pinansin at tumingin nalang muli sa kausap ko.

"Madali ka naman palang kausap eh" sabi nito at sinenyasan ang dalawang lalaki na pakawalan na si Christian. Bumagsak si Christian sa sahig dahil sa pagbitaw ng dalawang nakahawak sa kaniya.

"Wag B-boss, nagsisinungaling s-sila. M-meron silang---"

"TUMAHIMIK KA!" Galit na sigaw ng lalaking kausap ko kanina sabay tadyak sa tuhod ni Christian. Namalipit sa sakit ang kaibigan namin habang kami ay nagpipigil na gumawa ng kilos dahil ba ka mamaya ay may tao sa likod namin at bigla nalang kaming barilin.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon