Chapter 72

13K 520 14
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

James's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa kusina, kukunin ko kasi yung chocolate na tinago ko sa freezer kaninang umaga. Habang papalapit ako sa ref, parang nakita kong gumalaw yung painting malapit lang sa kinalalagyan ko ngayon. Natakot ako kaya napaatras ako.

Hindi naman siguro multo yung may gawa no'n diba???

Umatras pa ko ng isang beses ng bigla yung bumukas na para bang isang pinto, tapos biglang lumabas do'n si ate.

Hala??? Oo nga pala, isang agent si ate. At base sa mga napapanood ko sa tv, may mga secret room ang mga agent. Ibig bang sabihin no'n sa likod ng painting na 'yon ang secret room ni ate? Wahhh, gusto ko 'yong makita!

Tiningnan lang ako ni ate dahil mukang wala siya sa mood. Naglakad na siya ulit paalis kaya sumunod ako sa kaniya.

"Ate---" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nalang uling gumalaw yung painting.

Napatakbo ako sa tabi ni ate Gab kaya napatingin siya sakin. Pero ako do'n lang sa painting nakatingin. Unti unti ulit yung bumukas gaya kanina at nagulat ako ng lumabas do'n si kuya John. Oo nga pala, isa rin siyang agent.

Lalapit sana ko sa kaniya kaya lang may isa pang lumabas mula ro'n. Agad naman akong napaatras dahil do'n.

Si Yaya Lani...

Napatago ako sa likod ni ate ng bigla siyang tumingin sa 'kin. Hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa niya. Hanggang ngayon nasa ospital pa rin si Manang Jeni dahil sa kaniya.

"Tsk, 'wag kang mag-alala James, hindi ka niya masasaktan. Lagot siya sakin kapag ginawa niya 'yon" sabi ni ate at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sinamaan ako ng tingin ni Yaya Lani kaya naman napa yuko agad ako at mabilis na naglakad para sundan si ate. Ayokong makipag eye contact sa taong 'yon, nakakatakot.

Nang mapadaan kami sa salas ay agad na nagtaka yung mga kaklase kong nakaupo sa sofa. Nakita rin nila si Yaya Lani eh.

"B-bakit nandito 'yan?" Gulat na tanong ni Jake habang nakaturo kay Yaya. Binawi rin niya agad yung kamay niya at napaiwas ng tingin, siguro sinamaan din siya ng tingin no'n.

"Aalis na siya, hindi ko na siya kailangan" sabi ni ate nang hindi tumitigil sa paglalakad. Sinundan ko naman siya gaya ng ginawa ko kanina.

Dumeretso si ate sa kwarto niya kaya napatigil agad ako.

"Ate" tawag ko sa kaniya bago pa niya buksan ang pintuan ng kwarto niya, napalingon naman siya sakin ag agad na nagkunot noo. Nginitian ko naman siya agad. "May sasabihin sana ko sa'yo eh" sabi ko pero sinibangutan lang niya ko.

"Wala akong oras sa mga kalokohan mo James"

"Pero ate---"

"Gagawa pa 'ko ng mga plano para mabawi na natin si Shades" lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Papasok na sana siya sa kwarto niya ng bigla ulit akong magsalita.

"Tungkol kay Jules yung sasabihin ko" mabilis siyang napatigil at agad na napatingin sakin.

"Ano 'yon?" Mabilis na tanong din niya.

Tingnan mo 'tong si ate, basta tungkol kay Boss game. Gano'n ba lahat ng nagmamahal?

"Sumunod ka muna sakin" pangungulit ko sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi sumunod nalang.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon