Chapter 26

19.8K 745 99
                                    

Gab's POV

Pagkatapos kong magpaalam kala manang ay agad kong sinundan si Shades. Baka nagalit siya sakin e, wala kasi akong magawa kaya pinagtrip-an ko siya. Tsk.

Agad ko siyang nakita na lumiko sa---sa doorway papunta sa garden?! Akala ko ba matutulog siya? Baka naman naligaw siya? Aba aba, epic fail yon kung ganon.

Sumilip siya sa doorway at ng makitang garden area 'yon at bigla siyang tumalikod, kaya nagulat siya ng makita niya ko.

"Garden yun noh? Naliligaw ka ba? Tanggalin mo muna kasi 'yang shades mo. Gusto mo samahan na kita sa guest room, sa taas yon hindi dito" agad siyang napalakad at nilampasan lang ako ng hindi tinitingnan. Aba matibay!

"A-alam ko, hindi mo na ko k-kailangang samahan" tapos derederetso parin siyang naglalakad ng hindi lumilingon sa'kin. Ako naman sunod nang sunod sa kaniya.

Nadaanan ulit namin ang living room kung saan nandon pa rin ang iba. Nagtataka nila kaming tiningnan pero nagkibit balikat lang ako. Ng mapadaan ako sa tapat ni Christian ay agad siyang bumulong.

"Akala ko ba matutulog na 'yan?" Bulong niya sabay tingin kay Shades. Tumigil muna ko sa paglalakad at bumulong din sa kaniya.

"Malay ko diyan, naligaw pa nga e" medyo natawa siya ng sabihin ko 'yon. Baka kasi marinig siya ni Shades 'pag nilakasan niya ang tawa niya.

Agad akong sumunod sa kaniya hanggang sa umakyat siya ng hagdan. Lumiko siya sa kanan.

"Sa kaliwa 'yon" sabi ko at agad naman siyang napahinto at pumunta sa kaliwa. Pero agad ko din 'yong binawi. "Sa kanan talaga 'yon, pfft" pigil ang tawa ko habang lumiko na naman siya papunta sa kanan.

Dumiretso siya sa pangalawang guest room sa kaliwa at akmang bubuksan ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Sandali lang" sabi ko sabay hawak sa braso niya. Hindi siya gumagalaw at hinayaan lang niya ko, hindi rin siya nagsasalita. Grabe.

Hinigit ko ang braso niya paharap sa'kin pero nakayuko lang siya, ayaw niya kong tingnan sa mata. Galit siguro.

"Galit ka ba?" Hindi ko na napigilang magtanong. Habang nakayuko, bigla siyang umiling. Hindi siya galit sa'kin pero ayaw niya kong tingnan sa mata? Kahit mas matangkad siya sakin hindi ko parin makita ang mata niya.

Hinawakan ko ang muka niya at pinilit na tumingin siya sa mata ko. Nung una ayaw niya pero napilit ko rin siya. Para siyang bata.

"Sorry na, gusto lang naman kitang asarin e" sabi ko sabay ngiti at tsaka ko pinagdikit ang mga palad ko. "Pleasee?" Dugtong ko pa habang nakatingin sa mata niya, pero bigla siyang tumalikod. Hala, nyare don?

Sumilip ako sa gilid niya pero pilit niyang iniiwas sa'kin ang muka niya. Ano bang problema nito? Ah alam ko na!

"Kinikilig ka siguro noh?" Sabi ko sabay ngisi. Tapos bigla bigla nalang siyang humarap sakin ng mapakatulin. Pangalawang beses na 'yan ah. "Kunyari ka pang ayaw mong maging boyfriend ko, pero ang totoo gusto---" natigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang buksan ang pinto at isinara 'yon ng napaka lakas. Nilipad pa nga ang ilang buhok ko dahil sa hangin na nagawa non. Hindi pala galit ah.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inasal niya. Grabe, muka talaga siyang bata.

Habang naglalakad ako sa hagdan, nakasalubong ko sila Jerson na parang nahihilo.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila. Napahawak naman sa ulo si James, habang si Dave ay inirapan lang ako, aba kalalaking tao umiirap.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon