Chapter 55

16K 662 132
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

Gab's POV

Bumaba na ko at dumeretso sa kusina para ikuha ng pagkain si Shades gaya ng sinabi ko. Kumuha ako ng dalawang plato, dalawang kanin at saka ulam, nadala rin ako ng tubig na nakalagay sa isang malinis na container. Inilagay ko 'yon lahat sa tray. Napadaan ako sa dining room at agad akong nakita ng lahat. Malamang nagtaka sila dahil sa daladala ko.

"O? Hindi sasabay si Jules kumain sa 'tin---" agad napatigil sa pagsasalita si insan ng makita niya ang mga dala ko. "Hindi ka rin sasabay?" Takang tanong niya. Agad ko siyang tiningnan at kinindatan habang nakangisi.

"Sabi ko kasi hindi ako sasabay kumain sa inyo kaya hindi na rin daw siya sasabay kumain" tapos tumahimik silang lahat at nanatiling nakatingin lang sa 'kin. "Sige panalo na kayo, tsk. Kabaliktaran yung nangyari, o ano happy?" Pare pareho naman silang napangisi dahil do'n.

"Sige lang susuportahan ka namin" biglang sabi ni insan kaya naman agad silang nag hiyawan.

"AaaaAaaYyYyYYiiiiIIIIeeEEeEE" para talaga silang mga babae kung kiligin, lakas mang-asar ng mga buset.

"Puntahan mo na si Jules ate, ba ka mainip 'yon at tulugan ka" napalingon naman ako kay James na ngayon ay nakangisi sa'kin.

"Sige bahala kayo jan" at saka ako naglakad paalis do'n. Sigaw naman sila ng sigaw habang naglalakad ako. Ayos, tsk.

Agad kong binuksan ang pinto at agad na tiningnan si Shades. Nagulat siya dahil do'n at agad siyang napaayos ng upo. Naglakad ako papalapit sa kaniya at dahan dahang ibinaba ang tray na hawak ko sa pinaka malapit na study table. Inihanda ko na ang mga pagkain at platong gagamitin at saka ko siya tiningnan, parang nagulat na naman siya.

"Kakain ka o magugutom ka?" Tanong ko sa kaniya at saka ko tinapik yung upuan na nasa tapat ko, napatingin naman siya do'n.

"M-mauna ka na" utal na sabi niya at saka nag-iwas ng tingin.

"Alam mo bang tinanggihan ko sila insan kanina na sumabay kumain sa kanila kasi mas gusto kitang kasabay kesa sa iba?" Sabi ko. Mabilis siyang tumingin sa'kin at mabilis din na nag-iwas ng tingin. Naiilang talaga siya sa mga tingin ko. Napatingin ako sa tenga niya at nakita kong namumula 'yon! Alam kong nahihiya siya kaya naman hinila ko ang isa pang study table at saka ko ro'n ipinatong ang pagkain ko.

"O ayan, pwede ka na sigurong kumain noh?" At saka siya ulit napatingin sa gawi ko. Medyo magkalayo na kami at sana lang hindi na siya mailang. Ngayon lang ako kakain kasabay ang isang lalaki kaya swerte niya dahil siya ang una, tsk.

Dahan dahan siyang tumayo at saka umupo sa upuan na nasa harap ng study table na medyo malapit sa 'kin. Nagulat ako ng bigla siyang tumagilid.

"Bakit?" Tanong ko at hindi naman niya ko tiningnan pero sinagot niya yung tanong ko.

"G-gusto ko lang" at saka siya nagsimulang kumain. Ang tulin niya!

Kaya naman nagmadali na rin akong kumain para 'pag natapos siya tapos na rin ako.

Pagkatapos namin kumain ay tumayo na ko at saka dinala ang mga pinggan na ginamit namin. Hindi pa siya tumitingin sa'kin mula nung umupo siya sa upuan na 'yon. Napahinga ako ng malalim at saka tumayo at nagsimula ng maglakad paalis sa kwarto. Pero bago pa 'ko makalampas sa pintuan, bigla siyang nagsalita kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"T-thanks" tapos bigla siyang tumalikod at saka nahiga sa kama, nagtalukbong din siya ng kumot.

Anong nangyari ro'n?

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon