Chapter 65

14.2K 567 150
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Jules' POV

"Anong totoong dahilan?" Tanong ko sa kaniya. Nginisihan niya 'ko at mas lumapit pa siya sa pwesto ko. Napadasog ako sa dulo ng sofa at gulat na tumingin sa kaniya. Para na naman akong bakla nito. Nakakaasar! Nakikita pa ko ng mga kaklase ko. "U-umayos k-ka nga!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko no'n kaya naman mas lumawak ang ngisi niya.

"BWAHAHAHAHAHA!!!" Napakalakas na tawa niya habang nakaturo sa muka ko. "Namumula ka na naman hahahahaha" mabilis akong napatayo at asar na nag-iwas ng tingin.

Lumingon ako kala Christian at mga nagbubungisngisan silang lahat do'n, bwisit talaga!

Tumalikod ako at aalis na sana ng maramdaman kong pinigilan niya ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at ang init na ng muka ko, ayoko na!

"Shades umamin ka nga sakin" sabi niya na nagpatigil sakin. Inialis ko ang pagkakahawak niya sakin at saka ako humarap sa kaniya, hindi ako tumingin sa mga mata niya. Alam ko naman na mang-aasar lang siya, tsk.

"A-ano?" Tanong ko.

Ramdam ko naman ang pagtahimik niya kaya nagtaka ako. Sinulyapan ko siya at nawawala wala na rin ang mga ngiti niya. Ano ba kasing itatanong niya?

Lumapit siya ng isang hakbang kaya napaatras ako patalikod. Hinawakan na naman niya ko sa braso kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Bakla ka ba?"

WHAT THE F???

"BWAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAH" narinig ko ang malakas na pagtawa nila Jc kaya sabay kaming napatingin do'n. Nang makita nilang nakatingin kami sa kanila ay mabilis silang nagtulakan at nagtakbuhan. At dahil nga nagtutulakan sila, may mga gumulong sa hagdan pababa.

Si Jc, Christian, James, Jake at Mike na may pinaka malakas na tawa ang nahulog sa hagdan. Tsk, karma ang tawag jan.

"A-aray!" Sigaw ni Christian pero walang pumansin sa kaniya.

"Ate a-ang sakit! Tulungan m-mo ko!" Sigaw naman ni James pero kagaya nung kay Christian, wala ring pumansin sa kaniya.

"Tsk, bahala kayo jan. Mga tsismoso kasi" sabi ni Gab sa kanila at saka umalis. Pero nagulat ako ng hatakin niya ko at pilit na pina-sunod sa kaniya.

"A-ano na naman 'to?" Tanong ko sa kaniya. Tumigil siya saglit at saka ako nilingon.

"Tinatanong kita kanina hindi mo naman sinagot, bakla ka b---"

"Hindi!" Pigil ko kaagad sa sasabihin niya. Nakita kong napangiti siya na ipinagtaka ko.

"Mabuti naman" bulong niya sa sarili na hindi ko narinig.

Hinatak na naman niya ko kaya naman wala na kong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Nakarating kami sa garden at saka niya ko pinaupo sa isang bench, umupo ako sa kabilang dulo habang sa kabila naman siya.

"Nakausap ko na si Lily" panimula niya. Nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay agad akong nakinig sa mga susunod pang sasabihin niya, kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya. Bakit ba kasi nabaliw siya? Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya sa mga sinasabi niya o nagbibiro lang siya" narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago ituloy ang sinasabi niya.

"Sinabi niya sakin na alam niya ang lahat. Marami siyang sinabi at kinuwento sakin pero hindi niya sinabi ang pangalan ng mga tao na nasalikod ng mga 'yon"

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon