Chapter 49

15.9K 680 224
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊😊

Gab's POV

Pagbaba namin ng sasakyan tumabi agad ako kay Shades, yun daw ang dapat kong gawin e. Habang naglalakad may binulong ako kay sa kaniya.

"Akbayan mo naman ako oh" bulong ko habang naka-pout, kinunotan lang niya ko ng noo at saka ibinalik ang tingin sa harapan. Papasok na kami ngayon sa Gang Gymnasium "daw" na mukang temple na ewan.

Lumingon ako kay insan na ngayon ay nakatingin lang din sa harapan. Aba aba.

"Pssttt, Shades" pero hindi siya lumingon. "Isang akbay lang naman eh, hindi mo na 'to uulitin" bulong ko ulit pero tiningnan lang niya ko. Grabe ang hirap naman niyang pilitin. Ah teka.. "Kapag inakbayan mo 'ko ngayon... dalawang tanong na ang pwede mong itanong sa 'kin. May gusto kang malaman diba?" Tapos kinindatan ko siya, tsaka ko tinaas taas ang kilay ko.

Tiningnan niya ko ng ilang segundo bago mag-iwas ng tingin. Nakatingin siya ngayon sa kanan kung saan wala sila insan, hiya hiya pa eh. Dahan dahan niyang tinaas ang kamay niya tsaka niya 'yon iniakbay sa'kin.

*dub dug dub dug*

Yung puso ko...

Pagpasok namin, kami ang naging usap usapan ng mga tao ro'n. Tapos biglang tumingin si insan sa gawi namin at halatang nagulat siya. Pati yung mga kaklase namin ay ganun din ang naging reaksyon. Ngumisi ako kay insan at saka siya kinindatan.

May pustahan kasi kami, ganito 'yon...

-----flashback-----

"Ano bang pinakain mo kay Jules at pa'no mo 'yon napapayag?" Tanong ni insan. Naglalakad kami ngayon sa canteen at kaming dalawa ang nakapila para umorder ng pagkain.

"Utak lang ang kailangan insan" sagot ko sa kaniya habang dinuduro duro ang ulo niya. Asar siyang tumingin sa 'kin at tsaka umiling. "Bilib ka na ba sa pinsan mo???" Tanong ko pero mukang mas naasar lang siya.

"Bibilib lang ako sa'yo kapag inakbayan ka niya"

"Yun lang? Tsk, aakbayan ako non!" Mayabang na sabi ko pero nginisihan lang niya ko.

"Hindi mo 'yon mapapagawa sa kaniya"

"Eh pa'no kapag inakbayan niya ko? Ililibre mo 'ko??" Tumingin siya sa 'kin at medyo natawa.

"Sige ba! Pero kapag hindi ka niya inakbayan, kailangan mong umamin sa kaniya na may gusto ka sa kaniya" tapos mas lumawak ang ngisi niya. Teka, hinahamon ba 'ko nito?

"Ang duga mo, tsk. Pero sige, ihanda mo na ang pera mo" sabi ko at saka ko siya nginisihan, parang tanga tuloy kami rito na nag-ngingisihan.

"Bibili ba kayo o magngingisihan nalang kayo?" Tanong ng tindera na ang sama ng tingin sa' min. Kami na pala ang nasa harap ng pila.

-----end of flashback-----

Paglingon ko kay Shades, nakaiwas pa rin sa amin ang tingin niya. Napansin ko rin na parang namumula na ang tenga niya. Naramdaman kong tumindi ang pag-akbay niya sa'kin at ramdam na ramdam ko ang braso niya sa balat ko, nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko sa batok. Sana hindi niya mahalata, shet.

"Umupo na ang lahat sa naka-assign na upuan para sa inyo" sabi ng isang emcee na nasa isang malawak na boxing ring, mas malaki ito kumpara sa boxing ring na nakikita na 'tin sa mga laban ng mga buksingero. "Mag palit na rin ng damit ang bawat miyembro ng gang" dugtong pa nito.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon