Chapter 22

21.8K 777 211
                                    

Gab's POV

Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi halata na nagtutulug-tulugan lang ako. Naririnig ko yung yapak ng paa niya na palapit sa 'kin. Dahan dahan lang na parang pinag-iisipan kung gagawin niya ba 'yon o hindi.

Narinig ko na hinila niya ang isang monoblock chair sa gilid at inilapit 'yon sa kama na hinihigan ko. Rinig na rinig ko rin ang buntong hininga niya. Hindi ba siya magsasalita?

"Mmmm...."

Tapos tumigil ulit siya. Narinig ko pa ang ingay na parang plastic. Siguro hawak hawak niya 'yon ngayon.

Jules' POV

Hindi ko talaga alam kung bakit ko 'to ginagawa. Siguro dahil pinilit lang ako nila Jc, tama yun lang yon.

"Mmmm...." Pa'no ko ba sasabihin yun? Pa'no ko siya gigisingin? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko. Napahigpit nalang ako ng hawak sa hawak kong plastic na may lamang chuckie at choco tops. Sabi kasi ni Jc yan daw ang favorite ni Gab, kaya 'yan ang naisip niyang ibigay ko.

Pwede namang siya ang magbigay pero bakit ako pa ang inuutusan niya? Ako ang boss nila kaya dapat ako ang masunod.

Tatayo sana ako para umalis pero bigla nalang umiba ng pwesto si Gab sa pagkakahiga. Ngayon nakaharap na siya sa 'kin. Natigilan tuloy ako sa pag tayo. Agad akong napatingin sa maamo niyang muka. Ang ganda niya kahit tulog. Tama lang ang haba ng pilik mata niya. Hindi gaanong matangos ang ilong niya pero hindi rin pango.

Nagulat ako ng bigla siyang dumilat kaya napaiwas ako ng tingin at muntik pa 'kong mahulog sa pagkaka upo ko.

*dub dug dub dug dub dug*

Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakangisi. Hindi agad ako nakapag-react. Bigla akong kinabahan. Bakit?

"Hi" sabi niya habang dahan dahang umu-upo. Pag-upo niya ay agad na nasinagan ng araw na nanggagaling sa bintana ang mata niya, kulay gray ang mga 'yon. "Hi kako" pag-uulit niya pa kaya bigla akong napa tango.

Tango? Bakit ako tumango?

"Hahaha bakit ka tumatango? Ang weird mo" aniya habang tatawa tawa. Ang cute niyang tumawa, ang ganda ng ngiti niya. "Hoy, tititig ka nalang ba sa 'kin?" Tapos bigla siyang ngumisi.

Huminga muna ako ng malalim tsaka nagsalita. "H-hi d-din" bakit ba ko nauutal? Hindi naman ako ganito ah?

"Masama rin pakiramdam mo?" Tanong niya, kumunot naman ang noo ko. "Nauutal ka kasi e" tapos tiningnan niya yung muka ko. Napasilip siya sa leeg ko tsaka sinalat yon gamit ang likod ng palad niya, kaya bigla akong napailag. "Hindi ka naman nilalagnat" pagtataka niya.

*dub dug*

Ayan na naman yung puso ko. Nung dinampi niya yung kamay niya sa balat ko, parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa katawan ko. Kaya bigla akong napaiwas. Anong ibig sabihin non?

"Hoy kinakausap kita, wala ka namang sakit pero ba't nauutal ka?" Ilang segundo ang lumipas ng bigla siyang mapangisi. "Siguro--"

"H-hindi, wala t-to. Malamig lang d-dito kaya ako n-nagaganito" ano bang nangyayari sa pananalita ko?

"Hmmm?" Tapos tinaasan niya 'ko ng kilay. "Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"A-ano, kasi, eto" sabay turo ko sa plastic. "P-para sa 'yo" tiningnan lang niya yung plastik tsaka yon pinangliitan ng mata. Para bang sinusuri niya 'yon.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon