Chapter 6

26.5K 1K 143
                                    

Gab's POV

Sabado na... Tulin noh?

2:00 na ng hapon at nandito kaming lahat sa salas, nanonood ng tv. The thieves ang palabas, tagalog dubbed.

Lahat kami titig na titig at inaabangan ang susunod na mangyayari. Nanakaw na nila yung diamond. Tapos mamaya mag-aagawan, tapos sa isa lang naman mapupunta yan. Ilang beses ko na yan napanood pero maganda parin kahit ulit ulitin.

*kring...kring...kring*

Nang malapit ng matapos ang palabas ay bigla nalang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko yon mula sa bulsa ko at tinignan ang caller. Tss bakit naman to tumatawag?

"Wait lang ah, sagutin ko lang to" paalam ko sa mga kasama ko. Nagtanguan naman sila kahit ang mga tingin ay nasa tv, ulo lang ang nakabaling sa akin. Mga tutok na tutok talaga.

Jc's POV

Nung natapos na namin yung the thieves, nun lang dumating si insan. Sino kaya tumawag don.

*kringgg... Kringgg*

May nagring na naman, pero sa pagkakataon na to hindi na kay insan. Kay boss.

Nag-iwan si boss ng makahulugang tingin bago lumabas at sagutin ang tawag. Mukang mapapasabak kami ngayon ah, nagkatinginan kaming lahat at dali daling nag ayos.

"May lakad kayo? Saan punta nyo?" Tanong ni insan sakin.

"Ano... Kase... Dyan lang sa daan, may pupuntahan lang kami" sagot ko tsaka tinalikuran siya.

"Sama" sabi niya habang pigil pigil yung braso ko. Agad ko namang binawi yun sa kanya.

"Hindi pwede" pigil ko sa kanya.

"Sama ko kase, sabi mo dyan lang sa daan" pilit niya pa habang nakanguso. Hindi ako nakakatiis sa paganyan ganyan nya, pero kasi.. hindi talaga pwede eh.

"Hindi nga pwede, manood ka muna jan"

"Ng wonder pets?"

Nagtaka pa ko sa sinabi niya, pero nung tumingin ako sa tv... wonder pets nga ang palabas. Badtrip naman oh. "Hindi nga kase pwede insan, bawal ang babae don" nakatingin na samin ang mga kasama ko. Mga nakagayak na sila, ako nalang ang hinihintay.

"Sige na, matulog ka nalang kung gusto mo" sabi ko. Nakanguso siyang umakyat sa taas ng tingnan ko siya. Ng makaalis siya ay tsaka palang ako pumunta sa mga kasama ko.

"Tagal mo tol" sabi ni robert.

"Gusto kase sumama ni insan e" kamot ulong sabi ko.

"Eh bakit hindi mo sinama?" Biglang tanong ni Christian.

"Gusto mo isama ko? E kung mapahamak yon? Baliw ka ba?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Hehehe sorry naman, sabi ko nga diba bawal" sabi niya habang naka peace sign. Ang totoo niyan nagtataka na ko dito kay Christian. Noong una kase takot na takot siya kay Gab, pero ngayon... anyare? Sa aming lahat, si Christian ang pinaka malakas ang pakiramdam. Pangalawa lang si boss Jules. Kaya tuwing aalis kami, hindi pwedeng hindi sila kasama.

"Magdadaldalan nalang ba kayo dyan?" Biglang tanong ni boss Jules. Ang sama ng tingin niya samin, lagi naman e.

"Sorry Boss" nakangiting sabi ko kay boss Jules. Ang totoo niyan, kahit isang beses hindi ko pa nakikitang ngumiti yang si boss. Lagi siyang cold, tahimik, nakasibangot ni pagngisi nga hindi nya ginagawa. Marami kase yang problema sa pamilya niya, kaya ayun. Pero mabait yan, kahit ganyan yan.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon