Chapter 34

20K 745 195
                                    

Jules' POV

Biyernes na ngayon, kaya naman tamad na tamad na ang mga kasama kong pumasok. Kung hindi ko sila pinilit hindi talaga sila papasok e. Tsk. Hindi pa kami umaalis sa bahay na 'to dahil ang tatagal nila maligo. 6:00 na pero kung ano ano pa ang ginagawa nila. Buti nalang hindi si Sir Sarmiento ang first period namin ngayon.

"Oy Mark! Bilisan mo naman" sigaw ni Jake sa labas ng pinto ng cr. Kahit maraming banyo dito ang tatagal pa rin nila maligo. Buti nalang nauna na ko kanina pa.

*bzzzkkk bzzzkkk*

Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman kong nagvi-vibrate 'to, naka-silent nga pala 'yon. Tiningnan ko agad kung sino ang caller na dapat pala ay hindi ko na ginawa dahil bigla nalang akong tinamad na sagutin ito. Si Dad kasi 'yon, sigurado akong alam na niya ang nangyari. Lagi naman e.

Itatago ko na sana 'yon sa bulsa ko ng bigla nalang akong kalabitin ni Dave.

"Sagutin mo na" sabi niya.

Sa kanilang lahat maliban kay Jc at Christian, si Dave ang pinaka malapit sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit, lagi kasi niya 'kong pinagsasabihan kahit na mas matanda ako sa kaniya. Parang ayaw niya na nasasaktan ako.

Parang naging bakla siya don ah. Pero totoo 'yun. Kapag may namamaliit sa 'kin lagi siyang sumasagot na para bang pinoprotektahan niya talaga ako bilang Boss niya. Tapat siya masyado sa pagiging kamiyembro ko. Kaya siguro ganon nalang ang galit niya sa pinsan ni Jc, dahil lagi niya 'kong pinagti-trip-an.

Bwisit naalala ko na naman yung kagabi. Hindi pa nila alam 'yon pwera nalang kay Jc.

"Boss" sabi niya ulit kaya napatingin na ko sa kaniya. Napahaba ata ang kwento ko.

"Alam ko naman na puro tungkol lang doon ang sasabihin niya. Wala ng bago" sabi ko pero umiling siya.

"Tsk, pasalamat ka may tatay ka. Ako kahit hindi ko nakilala yung tatay ko, gusto ko pa rin siyang hanapin. Ikaw naman, hinahabol habol ka na nga ng tatay mo tinatakbuhan mo pa" kontra niya.

Napahinga ako ng malalim bago ulit tingnan ang cellphone ko. "Pano 'kung palipatin na niya ko sa bahay dahil sa nangyari? Ba ka isipin niya na hindi ako ligtas dito"

"Pano kung hindi? Hindi mo malalaman kung 'di mo sasagutin 'yang tawag niya" tsaka siya yumuko sakin ng konti. "Sige Boss maliligo na ko" tsaka siya umalis at pumunta sa cr. Hindi man lang siya ngumiti.

Bumuntong hininga muna ko bago ko sagutin ang tawag ni Dad.

Jc's POV

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta muna ko sa taas, hindi pa kasi maingay sa dining room kaya alam kong sila manang palang ang nandoon. Habang humahagdan naririnig ko na ang ingay ng mga kasama ko. Nakita ko pa si Jules na kabababa lang ng telepono, base sa muka niya alam ko na kung sino ang kausap niya.

"Oyy!" Sigaw bigla ni James kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Kanino yung short na nakasabit sa banyo? Ang panghe" agad na nangunot ang noo ng karamihan dahil sa sinabi niya. May iba na nakangiti, syempre meron din na natatawa tawa na. Sino ba naman kasi ang matino na iihi sa short? Pero syempre alam ko kung sino 'yon.

Lumingon ako kay Boss na ngayon ay nagsusuot na ng paborito niyang shades, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit niya 'yan laging suot. Kapag may pagkakataon tatanungin ko siya.

"Wala bang aamin?" Tanong ulit ni James pero walang sumagot sa kaniya. "Sino ang huling nanggaling dito?" Naglingunan naman ang mga kasama namin at sabay sabay na tumuro kay Dave.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon