Chapter 84

11K 442 75
                                    

A/N: Hi Blurries! Kung may makita po kayong maling spelling o kung may mali sa sentence ko paki-comment lang po hehehe. Thanks for your cooperation!😊

Gab's POV

Maaga akong gumising at saka ni-text si Brett para sabihin na dalhin na dito mamaya yung mga weapon na pinagawa ko. Siguradong mamayang hapon pa 'yon dahil medyo marami ang pinagawa ko. At dahil magaling siya, alam kong matatapos niya 'yon.

Bumangon ako at napatingin sa katabi ko, tulog pa si insan. May tulo laway pa nga eh, tsk. Umiling nalang ako at tahimik na lumabas sa kwarto niya. Saan ako pupunta? Kay Mrs. Laurent este tita pala. Kahit hindi pa siya gumigising gusto ko na siyang kausapin.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at tsaka pumasok. Sinarado ko ulit yung pinto pagpasok ko. Kinuha ko yung upuan sa study table ko at saka ko 'yon inilagay sa gilid ng kama kung saan nakahiga si tita. Pinagmasdan ko ang maamo niyang muka at saka palihim na napangiti. Ano kaya ang itsura niya nung bata siya? Siguradong maraming nagkakagusto sa kaniya.

Oo nga pala, dati siyang nagtatrabaho sa mafia ni Bernadette--este Bernard. Nagkagusto sa kaniya si Mr. Julie na kalaban ng Wilsons, ganun din si Bernard, do'n nagsimula ang gulo. Dahil sa pag-ibig.

Ako na isang agent ay nagtrabaho kay Mr. Julie para tulungan siya sa problema niya na tinatawag namin na isang task. Ini-utos niya sakin na iligtas ang anak niya kapag nasa panganib ito, na ginawa ko. Hindi ko naman akalain na yung bata na nakilala ko dati at ang anak ni Mr. Julie ay iisa. Hindi ko rin inaakala na magkakagusto ako sa anak niya.

Kaya lang...

"Bakit ganun yung anak niyo, tita?" Tanong ko bigla sa babaeng nasa harapan ko. Nakapikit pa rin siya na para bang naghahantay ng prinsipe kagaya ni sleeping beauty. "May sakit ba yun?" Tanong ko ulit. "Lagi nalang siyang pautal utal magsalita eh. Baka mamaya malala na yun. Hindi ko alam kung may sakit ba na gano'n kaya tinawag ko nalang yun na utal syndrome, haha" napayuko ako at napabungisngis.

"Minsan nga naiisip ko kung pa'no ako nagkagusto sa isang katulad niya. Hindi naman kami gano'n kadalas nag-uusap pero ang sarap niyang asarin" kinuyom ko ang kamao ko bago magpatuloy. "Kaya lang tita parang ako pa yung lalaki sa'min eh. Sabi kasi ni James may gusto raw sakin si Shades pero ako pa yung unang umamin" natawa ulit ako.

"Bwisit kasi 'tong si James eh, kapag talaga walang gusto sakin si Shades humanda siya sakin" huminga ako ng malalim. "Pero kung meron, aamin pa kaya siya?" Tumahimik ako at saka nag-isip. Kailan kaya masasagot lahat ng tanong ko.

"Pa'no kung umamin siya" biglang napaangat ang ulo ko ng makarinig ako ng tinig ng isang babae. Tumingin ako sa pinto pero nakasarado parin ito. Dahan dahan akong lumingon kay tita at... gising na siya! Nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin! Narinig niya kaya yung mga pinagsasasabi ko kanina???

"H-hi, Mrs. Laurent" mahinang sabi ko at saka ngumiti. Nginitian niya ko at iginalaw niya ang katawan niya, mukang gusto niyang sumandal sa head board kaya tinulungan ko na siya.

Napa-bungisngis siya na ipinagtaka ko. "Kanina lang tinatawag mo kong tita tapos ngayon---"

"Nako Mrs. Laurent, wala po yun! Nagbibiro lang ako kanina" pagbabawi ko sa mga sinabi ko habang umiiling.

"Pati yung tungkol sa anak ko?" Napatigil ako ng tanungin niya 'yon. Sumeryoso ako at hindi nakapag salita. Hindi ko alam kung tama ba na sagutin ko ang tanong niya pero...

"Maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Oo, salamat sa'yo" taka akong napatingin sa kaniya ng dahil do'n. "Habang wala akong malay, naririnig ko ang mga nangyayari sa paligid. Lahat ng iniutos mo sa mga kaibigan mo at kung gaano mo kagusto na maligtas ang anak ko" ngumiti na naman siya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Lahat naririnig ko, mula nung kuhanin ako ni Bernard hanggang sa kanina, nung nagku-kwento ka tungkol sa anak ko" napahawak siya sa muka niya ng may mga luhang pumatak mula ro'n. "Pati nung kinausap ako ni Julie kahapon, narinig ko 'yon" nagtuloy tuloy ang pagluha niya, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman nagulat ako ng tinabihan ko siya, niyakap at hinagod ang likod niya. Pinabayaan ko siyang umiyak sa balikat ko.

The Only Girl In Boys CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon